Wednesday, December 12, 2007

Steve Dailisan = Jumar Mendoza, Tipid = Gastos, Thesis = Tiis

Noong huling preparation ng accreditation, may isang grupo na naka-assign sa mga alumni ng COC. Si Jora ang nag-search kay Steve Dailisan, ang cum laude last last year at reporter na ngayon sa GMA. Ang isa sa mga lumabas sa search engine ay ang blog entry ni Kuya Jumar, ang dating Editor in Chief namin ni Jerome at Edryan sa Dakom. Na-curious syang basahin ito dahil ang nakalagay sa preview sa search engine ay ganito:
  1. the broadcaster, Steve Dailisan is regularly heard reporting for GMA news and ... so when we graduated, dailisan was with flying colors and i colorless. ...
    jumar.blogdrive.com - 48k - Cached
Ang dating tuloy kay Jora, bitter si Kuya Jumar kay Kuya Steve. Nabanggit nya ito sa iba nating klasmeyts, at ang ilan gaya ni Mearah ay nabasa na rin ito. Nang basahin ko naman ito, iba ang dating sakin. Ang punto ni Kuya Jumar ay ang nanay niya. At na-misinterpret pa ng iba ang entry na ito (basahin nyo yung comments ng entry).

Samantala, unti-unti nang nabubuo ang preparasyon ng dalawang grupo para sa taping exercise sa Biyernes mula alas-6 hanggang alas-9 ng gabi sa carpark ng COC. Ang grupo ni Erica, walang ginastos, pero nag-ambagan pa rin ng tig-150 dahil plano pa rin nilang bumili. Pero ngayong Biyernes, mga hiram na equipment kay Fresh muna ang gagamitin. Sa grupo naman namin ni Joy, nag-ambagan ng tig-P200, pero ang nangyari, anlaki ng natipid kaya may maibibigay pa kaming konti sa mga talent. Heto ang naaalala ko sa mga nabili sa Raon (ung Japanese lantern, sa Ongpin binili):
  • 3 Floodlight/Halogen na tig-500 watts -- P540 (P180 each)
  • 30 meters ng electric cord para sa floodlight (tig-10m bwat isa) -- P600 (P20/meter)
  • 3 switch para sa mga floodlight -- P60 (P20 each)
  • 1 meter ng black rubber na ginamit pangkonek ng cord sa floodlight -- P20 ata
  • labor ng setup ng floodlights -- P50
  • 1 Sony miniDV tape -- P150
  • 16" Japanese lantern na puti para sa softbox-- P250
Pero wait, there's more. May kwento sa likod ng Japanese lantern na iyan. Bale hinanap namin sa Ongpin Street, Sta. Cruz ang isang adres na binigay samin nila Renz at Jerome kung saan sila nakabili ng lantern. Nakakahilo ang numbering ng mga street at lumalabas na sarado na ang nasabing adres. Inisip na lang namin na luma na yung adres sa resibo nina Renz. Ang ginawa namin, naghanap-hanap pa kami hanggang sa nalaman namin na mali pala yung tinatanong namin. Ang sabi kasi namin ay Chinese lantern na puti, pero ang sabi samin ng napagbilhan namin ay Japanese lantern yun. Nung una, parang wala na ata silang stock kaya lumipat ako sa tapat at nagtanong. Aba, at nagalit ang matandang babaeng Chinese na nagtitinda.

JM: Meron po kayong Japanese lantern na pute?
Tindera: Walang Japanese dito, Chinese to. Chinatown to!
JM: Ang sabi po kasi samin dun sa tapat un daw po ang tawag. Eh puting Chinese lantern po?
Tindera: Hindi, hindi, wala kaming puti pula lang! Pang-patay ang puti!
JM: Ay sige po salamat.

E di ayun na nga at nakakatakot na si ale, at nang bumalik ako kina Mearah, Bez, Jora at Thea, nalaman kong galing na pala dun sina Jora at Thea kaya siguro nagalit dahil yun uli ang tanong.

Sa thesis naman, kahapon ay walang mga naaprubahan sa karamihan, liban sa grupo nina Liezl na ang na-approve na topic ay tungkol sa mga police negotiators sa hostage drama. Kaya heto, muli na namang magbe-brainstorm for the third time ang karamihan.


No comments:

LOOKING FOR THE ONAKULEOM SITE?
IT'S HERE: www.ONAKULEOM.tk