Tuesday, December 12, 2006

Jerome's best joke

"Hindi lahat ng kabayo, apat ang paa..."
-Klang-Klang


Hehehe. Cool diba? Nasa blog ko rin 'yan! Isa muling pagpupugay sa kadakilaan ni Jerome sa paglikha ng natatanging joke na ito. :)

accreditation accomplished; now let's go for MOGC! :)

Haha, this is nice. My very first post in our class' blog. ;)

These past few weeks had brought overwhelming pressure to many (not all) COC students, especially those who helped with the accreditation. Several diligent students from our class even sacrificed attendance and activities from classes in other subjects for the sake of helping out our class adviser with those 'nosebleeding' (?) stuffs, as well as carrying the burden that our adviser alone just won't be able to handle. Truly, they (I'm one of them, actually. Although my help wasn't as good as theirs. Haha.) deserve the applause and touching words given by Prof. Bernabe this morning. Plus, isn't it extremely nice to think that all our efforts paid off? Wow! Level 3! So cool.

But still, I don't know what AACCUP stands for.

Just... Let me try. Please don't laugh too hard.

1) Accreditation of Accreditors of Concerned Colleges and Universities in the Philippines? Nah.. That was dumb.

2) Accreditation and Assessment of Cool Colleges and Universities in the Philippines? Yikes. Dumb again. Cute though... Right?

Okay, I'll stop. This is getting too embarrassing. Haha.

Now let's move on to MOGC. Just this morning, Prof. Bernabe informed us that our class is in the running towards becoming the Most Outstanding Graduating Class - or MOGC. My views on that? I think we definitely need to be more united, as well as cooperative with the projects that our class will be tackling in the future. Yes, we are one happy bunch, but let's face it! In a way, we are still demarcated.

We still have two years to show our worth of becoming the Most Outstanding Graduating Class, and I wholeheartedly believe that we can rock this one if only we'll all join hands. :)

As a conclusion, let me share a very commonly used maxim taken from The Three Musketeers - "All for one, and one for all!"

Yehey. We rock! \m/

Friday, December 08, 2006

BABALA: Mga Delingkwenteng Propesor

Isa itong panawagan sa lahat ng mga estudyante.

Noong kami ay mga first year pa lamang (BBrC 1-1D Batch 2005-2006) ay nagkaroon kami ng isang propesor sa aming unang semestre sa subject na EN110 o Study and Thinking Skills in English. Siya ay si Sylvia Basilio. Sa totoo lang, walang bumagsak sa amin sa kanya. Maayos naman ang pagtuturo niya. Pinabili niya lang kami ng librong "Fundamentals of Research and Business Correspondence". Pero nitong araw na ito lamang ay nabasa namin sa dyaryo sa pamamagitan ni Tracy, ang tungkol sa kanya. Narito ang bahaging iyon ng dyaryo:


Mabuti na lamang at hindi niya ginawa sa amin ang ginawa niya sa mga estudyanteng nagreklamo sa BITAG. Sana'y maayos na nila ang gusot na iyan.

Sa amin namang ikalawang semestre bilang first year, sa subject na MT123 o College Algebra, naging propesor namin si Merlyn Sevilla, isang matandang babaeng maputi na pula ang buhok at laging may pamaypay. Agad namin siyang kinakitaan ng kakaibahan dahil sa kanyang ibinabaong pito -- oo, pito/sipol/whistle. Kapag may maingay, pumipito siya ng malakas. Ayos lang sana iyon sa amin dahil nakakatawa naman.

Mayroon din siyang libro na nabibili sa National Book Store, at ang sabi niya, pag bumili kami nito, siguradong pasado na kami sa kanyang klase. Pero ang nangyari, nang matapos ang semestre at makuha namin ang aming mga class cards, lubos kaming nagulat. Ang karamihan ay nakakuha ng 2.0, ang ilan ay 2.25 at 3.0, at may isang na-WITHDRAWN kahit na ni minsan ay hindi siya umabsent. Marami ang napaiyak dahil hindi na sila nakapag-scholarship at nasira ang pangarap nilang makapagtapos ng may honors. Dahil dito, gumawa kami ng isang petisyon laban kay Propesora Merlyn Sevilla. Hindi na namin siya nahagilap dahil ayon sa kanya, nasa Hong Kong na siya noong mga panahong iyon. At ngayong kami ay mga second year na (BBrC 2-1D Batch 2006-2007), muli na naman namin siyang nakita na umaaligid sa kampus ng MasKom. Ipinagdarasal ko na lang na huwag mangyari sa mga kapwa namin estudyante ang nangyari sa amin.

Mayroon pa kaming isang pinagsususpetsahang propesor. Siya ang aming propesor ngayon sa subject na HU110 o Introduction to Humanities. Ang pangalan niya ay Fe Agpaoa. Kakaiba rin siya sapagka't hindi siya pumapayag na may magsuot ng hindi manggas. Pakiramdam niya ata ay Dekada '80 pa rin hanggang ngayon. Hindi ba niya alam na nakasaad sa Student Handbook, partikular na sa Section II - Social Norms Article 1: "Every PUP student is given the liberty to dress up according to his individual taste but he is urged to adhere to the conventions of proper grooming."? Isa pang napaka-kwestiyunable niyang patakaran ay nang sabihin niyang maaari at maaaring hindi siya mag-check ng attendance base sa kanyang gusto. Hindi ba't hindi iyon patas? Siguradong malaki ang magiging epekto nun sa pagiging patas ng grado namin. Ayon na rin sa aming mga nakausap dito sa kolehiyo, inireklamo na rin umano siya dati dahil sa mga kwestiyunable niyang mga polisiya. Umaasa na lamang akong hindi humantong sa petisyon ang takbo ng kanyang pagtuturo sa amin.

Narito at inihain ko sa inyo ang tatlong halimbawa ng ibang mukha ng mga guro. Ang isa, naging maayos ang pakitungo sa amin ngunit sa iba naman ay nagka-problema; ang ikalawa, direkta kaming sinamantala at inabuso ang aming pagiging mga freshmen; ang ikatlo, isang nag-uumpisa pa lamang naming makilala at malaman kung hindi ba kami magkaka-gusot. Ang mga ito'y ilan lamang sa maraming halimbawa ng mga tinatawag na DELINGKWENTEng propesor. Iba pa 'yan sa napakaraming reklamong natatanggap ng PUP Student Publication, ang The Catalyst, sa kanilang kolum na TED PYLON, na siyang nagsisiwalat ng mga modus operandi ng mga delingkwenteng propesor na iyan. Kaya't sa mga kapwa namin estudyante, pinapa-alalahanan namin kayo na maging mapagmatyag at bukas ang isip sa mga ginagawa ng inyong mga itinuturing na ikalawang ina upang hindi kayo maloko. Kung sakali mang may mangyari sa inyong ganitong sitwasyon, huwag matakot at umaksyon. Kung mayroon silang kapit, humingi ng tulong sa iba, gaya ng pagsumbong sa BITAG o anumang organisasyon.


Thursday, December 07, 2006

Kaplastikan sa COC: Akalain Mo?!

*Muli, ipinapaalala po naming basahin muna ang aming disclaimer upang maiwasan ang anumang di pagkakaunawaan sa pagbasa sa aming website. Salamat.

Nang mag-umpisa ang AACCUP Visit noong Lunes, December 4, para sa College of Communication Level III Accreditation, napuno ng iba't ibang anyo ng tawagin na lamang nating kaplastikan sa paligid. Sa bungad pa lang ng COC makikita ang mga stall ng mga kalahok sa Ad Expo, isang proyekto ng mga third year BBrC students. Pagpasok pa lang, punung-puno ng tarpauline ang paligid, na masyado yatang uso sa COC, palibhasa ngayon lang ata natutong magpa-tarp. Kulang na lang ata eh pati sa CR lagyan ng VMGO. (Nga pala, naalala ko yung sinabi ni Doc Soriano na MVGO daw dapat ang itawag dun... tama ba?) Napaka-redundant na nga yata eh, na nariyan na ang DBC at DOJ bulletin board, tapos tinabihan pa ng isang sosyaling mechanical tarpaulin na meron ding VMGO gaya ng sa bulletin board. Konting lakad mo pa eh makikita mo naman ang display ng Movers & Motions na may mensaheng nakasulat na bumabati sa mga accreditors (TRIVIA: ang iba pang tawag ng mga klasmeyt natin sa accreditors ay -- ACCREDITATIONERS; at ACCREDITATORS; o diba?).

Nagkwento pa nga si Inay Edna sa mga saloobin nya sa mga bagay na yan eh, at ang tumatak na salita sa amin ay -- SUPERFICIAL. Nung sabihin nya yun, everything else followed. May punto nga naman si Inay. Biruin mo, nandyan ang mga accreditors at magchecheck ng documents ng college nyo sa accreditation room (FYI: Nasa library ang Accreditation Room), tapos nasa baba at ang iingay ng mga estudyante. Sabi nga ng isa nating klasmeyt, "Yan na ba ang tulong ni Dean?... (wag mo na alamin yung sunod nyang sinabi, baka ma-libel pa tayo, hehe joke)"

Ang isa pang punto ni Inay ay ang pagsuot ng uniform ngayong linggo. Heto na naman ang sinabi nyang napaka-quotable: "Isinuka mo na, isusubo mo uli." Si Dean kasi ang pumayag dati na OK lang na wag na mag-uniform, tapos ngayon nga daw eh ipapasuot na naman sa mga estudyante, o diba, superficial? Feeling ko nga eh parang nabastos yung project ng CommSoc (diba sila may project ng uniform?) nung payagan ang mga estudyante na hwag mag-uniform. Dagdag pa ni Inay, "Kaya nga tinawag na UNIFORM diba? Eh kung yung isa naka-uniform tapos yung isa hinde, UNIFORM pa ba yun?! You see? It's plain and simple stupidity." Another point you have there Inay!

Isa pa, yang paninigarilyo ng mga nilalang ng COC sa paligid. Ang term ni Inay dyan eh -- NAKAKASULASOK ang amoy. Akalain mong mismong mga opisyal sa kolehiyo ay naninigarilyo?! Kaya nga sabi ni Inay, never syang papasok sa office ng dental... (gets mo?) Tapos ngayon ngang accreditation eh tiis-tiis tong mga taong ito -- tigang sa sigarilyo kumbaga.

At heto pa, yang ilan sa mga student leader pala naten eh ayon sa aking mga sources eh nagsisipagtaguan ngayong accreditation. Akalain mo?! May lahing bampira pala pag accreditation! Eh pano naman kasi, takot ma-interrogate at sabihan ng, "Will you please state the VMGO of your college?" Wahaha! How pathetic... Buti pa tong si Attaché ay nakasagot naman ng maayos, with matching "Welcome to the College of Communication!" pang nalalaman. Sabi pa nya, "Dinaan ko na nga lang sa PR para di nako tanungin pa..."

And last but not the least, eh itong ating mga butihing propesor at propesora... Aba'y akalain mong nagtago daw sa office ni Attaché at nagkakabisa pala ng VMGO! Aba, pinakabisado nila sa 'tin dati tapos mismong sila pala eh di kabisado. Hmm... Pero wait, wag nyo silang pag-isipan ng masama dahil anlaki ng hirap nila sa accreditation noh! Pati nga yung pera ng iba sa bulsa eh ginamit na para lang sa accreditation na ito! O diba, mga tunay na nagmamahal sa kolehiyo yang mga yan! (nagmukha na rin ba kong plastik? hehe joke lang)

Ah basta! Ngayong tapos na ang accreditation, mukhang balik na naman sa dating hulog ang mga bagay-bagay sa maskom. Naku! Sana naman eh yung magagandang pagbabago na ginawa nila sa accreditation eh maiwan na lang para naman gumanda-ganda ang atmospera ng COC noh...


Wednesday, December 06, 2006

PUP: TOP 15TH College in the Country!

Here is a copy of the widely-spread article on the web by Boo Chanco. Some blogs have adapted this article and they interpreted it in a wrong way that is why if you would look at their comments, some are contradicting. This is because the blog owner chopped the article's parts and concluded that this is, in actuality, the top colleges in the country. Let me defend this by posting the whole article for you to understand its credibility and authenticity. It's up for you to decide. As for me, I'm proud to see that PUP is on the list. Patunay na kahit mga dukha, kami'y may angking talino, talento at tiyaga. Ika nga nila, mas lamang kami dahil naranasan namin ang reyalidad ng buhay -- ang kahirapan. Ito ang humuhubog sa amin upang maging mas mapagkumbaba kesa ibang sing-galing at sing-talino namin. (Sabi pa nga ni Jozwealth: Mas maganda siguro kung ung PUP, top 15, tapos pagtingin mo sa bandang taas, nasa top 5 or 6 ung College of Communication - PUP! Whahaha!)

DEMAND AND SUPPLY By Boo Chanco
The Philippine Star 05/09/2005

Top Colleges

There is a material circulating among various e-groups that supposedly ranks the country's top 20 colleges and universities based on a study conducted by the Professional Regulation Commission (PRC) and the Commission on Higher Education(CHED). The ranking
supposedly used the average passing rate of graduates of colleges and universities in the board
examinations of all courses that require it for the practice of a profession.

This study is now supposed to be done every 10 years. This particular ranking is supposedly the result of the first study from 1992 to 2001. Eleven schools come from Luzon, two from the Visayas and seven from Mindanao.

My problem with this material is that I am unable to confirm it independently. I checked the website of CHED and didn't find it there. I tried sending an e-mail to CHED, to the address
published in their website, but it bounced. Still, for whatever it may be worth, I want to share this list with a wider audience if only to provoke some discussion on where one could get quality college education in this country, given problems with education pre-need companies and family finances in general.

If the basis of this listing is authentic, it tells us that one need not spend a fortune in tuition and other fees of the so called exclusive schools in Metro Manila because there are a lot of
good schools out there in the countryside. This is an important consideration
for parents who live in the provinces and who are probably agonizing on whether to mortgage the family home to raise the funds needed to send a child to college in Manila.

The most expensive university in Metro Manila is not even in this list. So maybe, given the difficult financial situation today,sending the kids to study in Manila is not necessarily a good idea any more. There are good schools out in the regions. I also believe good students would do well anywhere provided they have a serious desire to get a good education. There is even one college on the list from Butuan that I have not heard of, and it did better than La Salle. The better Ateneo is in Davao, not at Loyola Heights.

Of course the top university in the list is UP Diliman, which makes me feel good. I am happy to note that contrary to what I hear in many circles, the quality of a UP education is still tops. Then again, the overall standards might have gone down too, but that's another story.

So, here it is, but with the caveat that I decided to use it even without independent verification because of the urgency of helping parents who are making up their minds now, a few weeks before school opening time. The list sounds plausible enough.

1. University of the Philippines (Diliman Campus/Luzon);
2. University of the Philippines (Los Banos Campus/Luzon);
3. University of the Philippines (Manila Campus/Luzon);
4. Silliman University (Dumaguete City/Visayas);
5. Ateneo de Davao University (Davao/Mindanao);
6. Ateneo de Manila University (Manila/Luzon);
7. University of Sto. Tomas (Manila/Luzon);
8. Mindanao State University (Iligan Institute of Tech/Mindanao);
9. Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (Manila/Luzon);
10. Saint Louis University (Baguio City/Luzon);
11. University of San Carlos (Cebu City/Visayas);
12. Xavier University (Cagayan de Oro/Mindanao);
13. Mindanao State University (Main/Mindanao);
14. Urios College (Butuan City/Mindanao);
15. Polytechnic University of the Philippines (Manila/Luzon);
16. De La Salle University (Manila/Luzon);
17. Mapua Institute of Technology (Manila/Luzon);
18. Adamson University (Manila/Luzon);
19. Central Mindanao University (Bukidnon/Mindanao);
20. University of Southern Philippines (Davao/Mindanao).


Sunday, December 03, 2006

Message from the DBC Chairperson

The Department of Broadcast Communication is striving very hard and trying its very best to contribute significantly for the success of COC Level III Accreditation.

I would like to thank all the committed and dedicated faculty members, as well as the very dynamic and energetic BBrC students, who are my source of strength and inspiration…

With God on our side, nothing is impossible!

DBC and BBrC,

GO FOR LEVEL III!!


Chairperson Edna T. Bernabe

Hello Nini?!

(Si Isabel at Ang COC Accreditation Part 2)

Sa loob ng ilang linggong pagtatrabaho ng TROPANG GISING para sa COC Accreditation, marami-rami na rin ang napaiyak dito. Nariyan sina LM, Meynard (ako un), TinTin at Boots. Itong si Ako ay bigla na lamang umiyak at napagkamalan pang dahil sa pag-ibig dahil umiyak ako habang pinapatugtog ang "I'll Never Get Over You" ng MYMP. Si TinTin naman, ayon sa Dos Tsismosos na sina Renz at Jerome, eh si Mart daw ang may kasalanan... (Totoo naman kaya? hmmm) Itong si Boots eh napaiyak nang matapos na niya ang summary list na itinype niya sa loob ng isang buong araw dahil wala ang kanyang partner na si Heleena para tumulong. Idagdag mo pa na nag-uusap ang iba tungkol sa pag-ibig kaya daw siguro napaiyak rin siya, with matching tawa rin (kulit noh?).

Mula November 30 hanggang December 2 (Huwebes hanggang Sabado), nagkaroon ng ikalawang overnight ng aming grupo. Tinawag pa nga kaming TROPANG GISING ni Boots dahil sa ilang araw na naming pagpupuyat. Sa loob ng tatlong araw na nasa campus kami at hindi lumalabas, tunay na iba't ibang karanasan ang siguradong hindi namin malilimutan.

Nariyan ang napaka-memorable na "Xmas Party Dinner" noong Huwebes ng gabi. Bago pa man ang gabing ito, napag-usapan na ng lahat ang mga tokang dadalhin para sa dinner. Si Renz ang magdadala ng electric grill para sa iihawing karne. Si Mylene naman ang sa kanin. Si Ako ang sa prutas. Si LM ang sa pagbili ng karne at hotdog sa labas. Si Boots sa kendi. Si Inay Edna sa pansit. Yung iba naman, kwento na lang daw ang ibabaon. At hayun, nang dumating ang gabi, piyestang piyesta. May ginawa na namang kalandian itong si Joga at naglagay ng Christmas tree sa likod ng mesa. Nga pala, kinuha namin yung mesa sa labas na nasa ilalim ng puno at inilagay namin sa tapat ng DBC office. Naglagay din kami ng flower vase sa mesa. Tinawag na rin namin yung ibang nasa campus nang gabing iyon na sina Sir Don, Maam Angie at mga estudyante nya, Maam Ruby, Maam Maya kasama ang BF na si Sir Bely, atbp.

Pagkatapos kumain at nang magliligpit na, tuluy-tuloy pa rin ang walang humpay na tawanan at hindi mo iisiping mga propesor ang kasama mo sa sobrang bakya ng usapan. Lalo na tong si Maam Ruby na medyo nahuli kaya nabawasan na yung pagkain. Reklamo siya ng reklamo, at para makaganti, nagtapon ng tubig sa amin, gaya na lang ni Boots na basa ang buhok dahil katabi si Maam Ruby. Akalain mo, binuhusan din niya ng tubig si Maam Edna?! Ayun, nahawa rin si Maam Edna at pinaghahabol kami para buhusan. Nang tumagal ay huminahon din naman ang lahat. "OK na anak, hindi ko na kayo bubuhusan, nahimasmasan na ko," ika ni Inay Edna. Nakakatuwa dahil hindi nagalit si Inay. Kaibigan din naman kasi niya si Maam Ruby.

Habang lumipas ang mga araw, paunti nang paunti ang mga tao sa kolehiyo. Kami sa Area II o ang Faculty Area ay hindi pa rin natapos. Ang plano talaga namin ay sa Huwebes lang ng gabi mag-o-overnight, subalit sa di inaasahang pangyayari ay umabot ito ng Biyernes ng gabi kaya naman Sabado na kami nakauwi. Gusto rin naman namin 'yon dahil bukod sa tipid sa pamasahe (hindi na kailangan bumalik uli) eh mas matatapos namin yung mga dapat tapusin. Napapayag din namin si Inay Edna pero dahil kailangan rin niyang umuwi sa mga anak niya at nagtatampo na ang kanyang asawa eh umuwi siya sandali nung Biyernes. At para nga hindi kami maisumbong ng guard dahil wala kaming bantay ay hindi kami lumabas ng campus hangga't hindi bumabalik si Inay. Sa aming huling gabi sa campus, kami na lang ang natira, at ang nasa taas na sina Maam Ara at ang kanyang kasamang estudyante na si Jet ng RC 1-1N. (Kung hindi ako nagkakamali, Area sila ng Admin.)

Iba ang huling gabi namin sa mga nakaraan dahil nga kakaunti na lang kami, kaya mas naramdaman ng mga kasama ko ang takot sa katahimikan ng paligid. Dahil dito, nalaman namin kung sino ang mga matatakutin.

Nung nakaraang linggo nga pala eh nagkaroon ng sandaling brown-out. Siyempre tilian galore ang nangyari. Eto ngang si Jhuna nang makita nilang ang computer lang ang bukas at ang lahat ay patay, aba eh nagsigawan na naman sila. "Ano ba kayo?! May UPS (Uninterrupted Power Supply) yang computer kaya kapag nag-brown-out, ten minutes siyang open para ma-save mo yung ginawa mo," sabi ni Inay Edna. Ayun, namangha tuloy sila. "Siyempre sosyal ang asawa ko kaya pinalagyan niya ng ganyan!" dagdag ni Inay.

Naghanap na lang kami ng kandila para magkaliwanag. Maya-maya ay biglang dumating si LM na umiiyak habang kasama si Jozwealth. Dahil daw kay Mart. Naiwan daw kasi si LM na mag-isa nang magka-brown-out, at ginatungan pa ni Mart nang sabihing "Hala, sino yun?" at sa tonong nananakot pa kaya ayun...

Anyway, balikan natin yung iba pang matatakutin na nitong Biyernes ng gabi nalaman kung sino. Nariyan si Mylene na talagang napatalon sa takot nang bumukas ang pinto at pumasok si Renz. Hindi lang iyon, akalain mong aakyat lang papunta kay Ako sa office ni Sir Don eh humarurot pa pala ng takbo para lang magawa. At nagpasama pa siya nang pababa na. Maliban kay Mylene, nariyan din sina LM at Jhuna Bell na hindi makalabas ng office nang walang kasama.

Samantala, si Inay Edna naman ay bumalik ng alas-10 ng gabi at sosyal talaga siya dahil may dala-dalang lechong manok para sa amin. At may dala rin syang sinangag, sandamakmak na tsitsirya, at candy. O diba mahal na mahal niya kami?! Pagkatapos kumain ay balik kami sa trabaho. Maya-maya ay nagsalita si Inay at may gusto daw siyang ikuwento. Hindi naman daw ganun ka-nakakatakot. (Here it goes:)

Minsan lang magkasama-sama sina Maam Edna at ang kanyang mga kapatid kaya naman todo-kwentuhan sila, hanggang nitong nakaraan ay napag-usapan nila ang tungkol sa telephone numbers nila. Ang telephone number ng nakatatandang kapatid na babae ay 911-69-32. Inisip nila: Ang birthday ni Maam Edna ay September 11 kaya 911. At naisip din nila na dun din sa araw na iyun naganap ang 9-11 Twin Towers bombing. Napunta naman sila sa number 69. Ah, yun ang taon ng birthday ni Inay Edna! September 11, 1969. Ang galing! Pero nang mapunta sa number 32, wala silang maisip...

Nang nasa opisina na niya si Inay Edna, dun niya napagtanto kung ano ang ibig sabihin ng 32 sa 911-69-32. 37 years old siya ngayon. Naganap ang 9-11 bombing noong September 11, 2001. Nang taong iyon, 32 years old si Maam. Dahil dito, agad itinext ni Maam ang nalaman sa mga kapatid. Kinilabutan ang lahat lalo na ang may-ari ng nasabing telephone number. Hanggang ngayon, gamit pa rin nila ang numero dahil kahit gustung-gusto nilang papalitan ito, hindi pwede dahil mahirap mag-iba ng numero sa lugar nila dahil mahina ang reception, kaya nag-aagwan ang lahat sa numero. Hay, napaka-weird na coincidence hindi ba?

Sa oras na ito, tapos na kaming mag-ayos ng mga files at inaabangan na lamang namin ang mga mangyayari bukas sa pag-uumpisa ng COC LEVEL 3 ACCREDITATION. Sana naman ay maging maayos ang lahat... Good luck sa ating lahat!!
LOOKING FOR THE ONAKULEOM SITE?
IT'S HERE: www.ONAKULEOM.tk