People will adore and love you for all the things you've done for them but will hate you for a single mistake... That's the irony of life...
- Ito ang quote ni Pamela na mula sa Spider-Man.
Bakit ang tinitingnan nyo lang sa tao ay kung ANO SYA, hindi kung ano ang KAYA NYA, ang potensyal nya?
- Ito naman ang quote ko na mula kay Edyran.
- Ito ang quote ni Pamela na mula sa Spider-Man.
Bakit ang tinitingnan nyo lang sa tao ay kung ANO SYA, hindi kung ano ang KAYA NYA, ang potensyal nya?
- Ito naman ang quote ko na mula kay Edyran.
To become a good writer, you should not just write ideas, because all have ideas; you should recreate an atmosphere that shall embody your ideas.
-Ito ang quote galing kay Sir Cuenca.
Kahapon, magkahalong gulo at ayos ang naganap sa buong klase, at marahil, walang dapat na sisihin. Mahigit isang linggong pinagpasa-pasahan, dinagdagan, binawasan at binago ang script na nanggaling kay Joy at napunta naman kina Shaidel at Glaiza sa tulong nina Laeng, ako, Jerome, Mearah, at Heleena. Sa huli, napunta sa buong klase ang kinakailangang tulong upang matapos ito. Isang napaka-dakilang paghihirap. Isang napakalaking E-F-F-O-R-T.-Ito ang quote galing kay Sir Cuenca.
Sa kabilang banda, aking ipinabasa ang di pa tapos na script kina Mart at Erica. Gaya nila, ni Edryan, ni Heidi, at ng comment ni Maam Viray sa mga script ng ibang section, iisa ang sinasabi: pang-TV. Asar diba? Nagpaka-effort para sabihan ng ganun? But the point is, no matter how much effort you give to something, if there's a chance that it will be rejected, then why not resort to a backup plan? At dyan nagsimula ang aking mala-evil plot.
Time ni Maam Maya nang utusan ko (as in todo pilit) si Erica at Mart na gumawa ng sariling script at the same time na nagbe-brainstorming ang klase para sa script ni Glaiza at Shaidel. Sinabi ko ang plano ko kay Laeng, ngunit kinumbinsi nya ako na wag kaming maglihim sa klase, kaya't heto at napaiyak kaming dalawa sa hirap ng kailangan naming gawin. Una kong sinabi ang bagay na ito kina Liezl, Patri at Archie, at sinabi rin nilang dapat ko itong sabihin. Sinabi ko naman sa kanilang inaalala ko ang reaksyon ng iba sa klase gaya nina Glaiza at Shaidel, Mearah, Lorman, Renz, Jerome, Jhuna Bell, Heleena at Jheng, dahil sila ang sa tingin ko'y maaaring magalit.
Nasa theater ang lahat, nag-uusap. Aking hinila saglit si Glaiza upang magpaliwanag. Wala ni dalawang-isip man lang, agad nyang hinarap ang klase at nagsimulang magsalita. Napaka-maunawain ni Glaiza, ngunit hindi ang klase. Nang magsimula na kami ni Laeng magpaliwanag, marami ang tila ba galit. Malaki ang paniniwala ko sa kakayanan ni Erica magsulat, at ito ay isang bagay na hindi kagaya ng sa ilan. Kesyo English daw ang forte nya, kesyo adaptation lang ang script ni Mart noong radio drama nila, kesyo bakit ngayon lang daw gumawa, at marami pang dahilan na di mo sukat akalaing babanggitin nila eh ang punto ko lang naman eh pagsulatin rin sina Erica kasabay ng kina Glaiza. Malisyoso na'ko pero pine-personal na nila si Mart at lalo na si Erica, at napatunayan ko 'yon dahil naramdaman din ito nina Adrian, Gary, Jozwealth atbp.
Inamin ni Jozwealth na hinahamon nya si Erica nang tanungin nya ito kung matatapos nya ito sa Biyernes. (Hello, kahit sinong propesyunal na writer di kayang gumawa ng 1 araw lang noh) Ngunit hindi siguro alam ni Joz na tinulungan nya pa ang mga taong ayaw kay Erica na pahirapan ito.
To make the long story short, pumayag ang klase na magkaroon ng dalawang script. At isang importanteng bagay na aking nalimutan ang naipa-alala sa akin ni Joz: It's my call. Sa huli, ako pa rin ang masusunod dahil ako ang binoto ng klase. Command responsibility, ika nga ni Maam Viray; ang mali ng produksyon, kasalanan ng PM.
Nang maayos na ang gusot, akin namang inungkat ang isyu tungkol kay Pamela at sa kanyang mala-Bob Ong daw na text message. Hindi kasi ako makapaniwala sa naging reaksyon ng iba. Hindi ko pa naabutan ang naging reaksyon umano ni Jheng sa text. At nang ikwento na nga ito ni Mearah, sabay din nyang pinaliwanag ang kanyang sarili bilang sagot sa text ni Pamela. Umamin pa nga ito na plastic nga sya, na syang sinagot ni Jozwealth sa pagsabing, "Implied na yun girl!" Hanggang sa natuklasan nga na nag-ugat ito sa pagkaka-absent nila sa PolGov, na ayon kay Mearah ay ipinagpaalam naman nila kay Pamela na aalis sila ng maaga tutal excused naman daw.
Ngunit nang dumating si de Vera at nagpahiwatig ng di pagsang-ayon, nag-desisyon si Pamela na mag-klase at na-absent tuloy ang iba. Kasunod ng pangyayaring ito ay ang naging away umano nila sa text tungkol sa chicken wire, hanggang sa pagkakasama ng class card ni Mart sa mga inexcuse na varsity. Absent si Pam, at ang inisip ng marami ay dahil sa isyu, ngunit nang makausap ko sya, may sakit pala ang kanyang ina, at nakumpirma ko ito nang tumawag ako sa bahay nila sa Napindan, Taguig. Natapos naman ang usapan na napayuhan ang isa't isa (sayang wala si Pam noon) na maging mahinahon sa lahat ng kilos.
Isang comic relief nang araw na iyon ang Spin-the-Bottle na di kalauna'y naging Spin-the-Baboy (Bezaleel). Maraming natuklasang mga rebelasyon. Kung magbe-break sina Russel at Christine sa kani-kanilang syota, ay sila umano ang magkakatuluyan. Si Bezaleel ay umamin din na "Crush lang naman di'ba?... Slight lang... Si Ed." na syang nagdulot ng sigawan sa mga kaklase natin.
Kinabukasan, Sept. 14, masaya naman kahit papaano kahit nakagalitan tayo ni Maam Pebre sa Youth Camp. Ang mga di nakapag-exam sa AD/PR ay sa araw na ito nag-exam, at ang mga essay nina Joy, Kelsey, at Barbie ay binasa sa klase ni Sir Cuenca.
Sa araw ding ito may na-realize na naman akong isang bagay, na marahil ay di ko pinahalagahan. Ang isang scriptwriter ay isang tagapaglikha. Maituturing na anak niya ang script na kanyang ginagawa, kabilang na ang gawa ni Joy o ni Erica o ni Glaiza at Shaidel. Dahil sa ideyang ito, maaari kong sabihin na walang karapatan ang sinuman na galawin ang obra maestra ng isang scriptwriter. Kahit sino ay maaaring magbigay ng puna ukol dito, ngunit sa bandang huli, nasa scriptwriter pa rin ang panulat. Siya ang magdedesisyon kung susundin o hindi ang iyong suhestiyon. At ito ay isang bagay na hindi nagawa sa kaso ni Joy. Pinakialaman namin nina Glaiza ang script ni Joy, na kahit ayos lang kay Joy, ay ethically inappropriate pa rin.
Ang prinsipyong iyon ang ipinahiwatig sa akin ni Erica, at ayon sa kanya, hindi nya hahayaan ang kahit sino na pakialaman ang gagawin niyang script (oh, baka may negative reaction dyan ha.. prinsipyo lang yan ng writer... hehe), kaya bagamat parehong konsepto ang gamit, iniba nya ang mga karakter at ang treatment dahil ayaw nyang bastusin ang likha nina Joy, at ayaw rin nyang masabihan ng manggagaya.
Akala siguro ng iba na nung umiyak ako ay dahil lang sa Drama Fest. Ang totoo, maliban doon, nalulungkot rin ako dahil hanggang sa ngayon, kahit third year na, may mga hidwaan pa rin sa pagitan ng ilan sa ating mga kaklase. Ayoko na lang magbanggit kung sinu-sino, dahil ayokong magsimula ng gulo at mag-ungkat ng nakaraan. Aabangan ko na lang ang susunod na mangyayari, at magdadasal na sana ay para ito sa ikabubuti ng lahat.