Showing posts with label Message. Show all posts
Showing posts with label Message. Show all posts

Friday, August 12, 2011

"COC'S FINEST" BAGONG ORG BA ITO SA COC? KUNG HINDI, SINO GUMAWA NITO? -ECA

Repost from the Facebook account of BBrC159 member Erica Ngui. For the past few days, it has already received dozens of positive feedback because of her courage in speaking her mind out.


"COC'S FINEST" BAGONG ORG BA ITO SA COC? KUNG HINDI, SINO GUMAWA NITO? -ECA

by Eca Ong on Wednesday, August 10, 2011 at 1:01pm



“Courage is defined by how you face adversity eye-to-eye.” - brattyeca

Disclaimer: I am a COC alumna and I value this institution with all my heart. My pastor told me to think thrice before doing this, I actually thought about it a hundred times before sitting down and began typing.

The reason why I’m doing this, is because i know i am right. I have a point. Moreover, needless of I may be able to influence people or not… it won't matter to me. I know people would have different reactions. It’s okay, I understand. I am a writer; therefore, I would be the last person to hamper or subjugate the freedom of expression and would be the first one to defy, if it is done to me. Text me, call me, sue me, whatever… I don’t care. ^_^ – eca

I have walked its walls for four years and I know the reason behind its breath.

I watched as it tackled and trampled on challenges and rejoiced as it triumphed over and over again.

I caught a glimpse of its true strength and realized the principle it had been using all this time…

The standard that makes it different and proved endless institutions wrong into believing they are better.

Intelligence and passion, the main core of COC, the things that landed us above the status quo in the study of communication. With that, I reveled in pride, I still am.

So just imagine my distress, when I saw a certain page called “COC’s Finest” and read its info… It says:

[Good day COCians.

This is the official page of the finest faces and personalities of the College of Communication in PUP.

Photos will still be updated if needed so.

Tag your photos here if you think your one of the finest and find out soon if you will be included. :)))))]

First words I said: "what the? Ano 'to? Sino gumawa nito?"

Di ko na pinuna ang incorrect grammar coz' I was shocked... I commented on the page and asked if it's a new org, no one replied... I got busy with my life until one day I was notified that someone liked my comment and commented as well... I began to realize that, it's not only me... There is something wrong...

So I have 6 key points to discuss...

  1. The said group creates a culture of discrimination among COCians. Kung gwapo ka o maganda, you can join us?!! Ganon? E paano kung di ka maganda o gwapo pero matalino ka at magaling... Di ka pwede kasi "finest faces lang daw." This kind of delineation among students, this false sense of status quo psychologically creates a notion na dahil di sila maganda, hanggang doon lang sila...
  2. Sobrang vague at constricted ang saklaw... What's the point of creating a group so shallow and tagging the name of our college with it?!!?!?!?! What? Tell me! Napaka-frivolous at foolish, sana di nalang nilagay yung name ng COC, sana di na lang ginawa actually...
  3. "Finest" the word itself connotes something more than beauty. COC's finest... The best of the best... The most successful... Ganun ang dating ng COC's finest, hindi yung pinaka-magaganda at pinaka-gagwapo...
  4. Sige, sabihin natin makiki-ride on ako sa "finest faces notion",,, Kulang yan... Kulang na kulang... Sana kung sino man ang gumawa e naghanap talaga, dahil maraming alumni ang COC na drop dead gorgeous!! Ang kinalabasan kasi, kung sino lang ang nasa campus, o yung mga alumni na nakikita... Edi kung ganun dapat may disclaimer yung gumawa ng page, katulad nito: "di ko kasi kilala lahat ng pinaka-magaganda at pinaka-gagwapo e, pasyensya na... Pa-tag na lang, please" ganun ang tama! Dalawa jan ay kabarkada ko, kaya if you think na may "prejudice" ako katulad ng gumawa ng page, wala,,, Badtrip lang talaga ako sa gumawa ng page na 'to at wala akong pakialam! Maiintindihan ng mga anak ko ang ginawa ko...

  1. Beauty is subjective... Sino ang nagdedesisiyon kung sino ang makakasama sa listahan ng "finest faces"? Di kasi maaalis ang personal bias... For all I know, sinama niya ang sarili niya... Kasi personal photo ang profile picture ng page... Di ko siya kilala pero, fudge (I promised my pastor na di ako magmumura)... Egomaniac? Creepy... It's like declaring na siya ang pinaka sa lahat ng pinaka!! Wow... Sabaw!
  2. This is the saddest part... Maraming matatalino, maraming passionate na COCians, di lahat maganda pero kayang makipag-showdown ng abilidad kahit kaninoman... Sana yung group, naging inspirational na lang.. "Hall of Fame type" with pictures of successful alumni, di kailangan media practitioners, dahil hindi limitado ang utak ng mga COCians sa media lang!

Ang unang papasok sa isip ng katagang COC's Finest is, the best of the best, the cream of the crop... Kung naging inspirational ito, maiisip ng mga COCians ngayon na "Ay, I want to be like them, I want my picture lined up alongside theirs someday..." but, it is not like that... That's why I am furious.

I've said my piece.

I have nothing against sa mga guys and gals na may pictures doon sa page kasi I don't think that you insisted on putting your pics there...and I'm not saying na you guys and gals are not gorgeous, you are! Dalawa diyan anak ko.. Hello, ang gwapo ng mga anak ko noh...!!

But I have something against sa tao o mga taong gumawa ng page... May message ako sa iyo o sa inyo: "Di ko alam kung ilang taon ka na, kung anong year mo na, kung ano ang pangalan mo, pero sana bago ka grumaduate, malaman mo ang tunay na kahuluhgan ng pagiging isang COC student, it is more than just beauty my dear/s... Godbless you and I mean it."

Erica Bacalso Ngui

BBrC159

COC Alumna

Pls. feel free to repost... :d

Saturday, July 04, 2009

Condolences to Jerome & his family..

Source: facebook.com

Another sad news since Jheng's baby: it's Jerome's older brother. I can still remember when Jerome & I were busy with our last stint as Dakom editors, that he wasn't able to come to the presswork because he was in the hospital because of his brother.

According to Jerome, his brother died of acute respiratory distress syndrome. As of this moment, I believe the funeral is ongoing, and Jerome's close friends would be dropping by.

Our heartfelt condolences to you and your family Jerome.


Wednesday, May 13, 2009

Congratulations BBrC Section 1 Batch 2005-2009...

Nitong ika-8 ng Mayo, taong 2009, tuluyan na nga tayong nagtapos. Dito na pormal na isinara ang isa sa pinakamahahalagang yugto ng ating buhay. At sa klaseng ito, kung saan nabuo ang isang apat na taong kwento ng pagkakaibigan, pag-ibig, plastikan, iringan, kumpetisyon, talino, talento, pagkakaisa, at marami pang ibang humubog, nagbigay-aral, at naghanda sa bawat isa para sa mas malaking mundo sa labas ng unibersidad. Sabi nga sa Baccalaureate Mass, "Learn to learn."

At para alalahanin ang mga huling sandaling magkakasama, ilalagay ko rito ang mga naitala kong mensahe (text) ng mga kaklase natin para sa ating lahat:


08-May-09

8:41am
JEROME PHILLIP RICAMATA
Gud morning
classmates. Slmat s
4 n taong
pagsasama. Sbay
sbay n dn taung
tumawa, umiyak,
nangopya and more
haha. Nde q kau
mkklmtan. Tnx 4 d
best 4 yrs of my lyf.
Loveu guys.
Congrats!


2:33pm
JOZWEALTH GAPASIN
Sa lahat ng rc 4-1d
thank u s much! S
mga dti qng k tropa u
knw urselves, s mga
thsism8s q, s mga
ngng kclose q, s BEZ
Q, at s kaisa isahang
mnahal q s klse n 2, u
knw hu u r, a milion
thnks. S mga nilait q,
sory bt i jst wnt 2
unleash d best in u.
Sobra ma mimiz q
kau lhat. At d end of
d day, aq p dn Pnaka
MALINIS STING LHAT. P
gm po jozwealth 09156542878


5:47pm
RONALD LLABORE
& that c0ncludes my
c0llege lyf...

c0ngrats batch '09!

Tnx 4 d frndshp &
evrythng!

I'll xurli mis u all!

Ü


6:01pm
RENZ MELVIN VILLAGRACIA
This isn't the last!
Congrats everyone
fight!


8:25pm
CAMELLIA JOY SALLEGUE
Di q p mxado
maabsorb n gradu8 n
nga tau.Prang kelan
lng kc,nsa clasrum p
q at
nki2pgdaldalan.Congrats
rc
4-1d!Slamat,guys.No
gudbyes.Txt2 p rin
tau.-joy


8:52pm
ARCHIBALD FORMALES
Thank u Lord dahil
hndi umulan knina..
Thank u Lord dahil
nkagraduate na din
sa wakas..
Parang kelan lang
noh..

ForwandashD, thank
u so much sa 4 na
ta0ng tawanan sa
clasrum..
O diba, wlang umiyak
knina! Graduati0n na
nga lng laughing trip
parin.. Haha..

I will surely miss u all!
CONGRATULATIONS!
God bless us!

-archibald "arci"
formales-cook


9:21pm
LORMAN DANTES
we maybe now
signing off with our
student life, but
never with the
friendship that we
built for the past
4yrs.. thank u for the
laughters, tears,
blood nd sweat that
we've shared..ive
learnd so much from
u guys! thank u so
much! i love u all!ü


9:21pm
JHENG ASIDAO
TATANDA AT LLPAS DN
AQ,NGUNT MYRONG
AWITING IIWNAN S
INYONG ALAALA DHIL
MNSN,TAYOY NGKSMA.

salamat 4 being part
of my LIFE!
Prng keln lng,sexy p
q.nkkrmpa p q ng
hubd,ngaun,,puno n q
ng stretch mrks!
Hehe.
mamimiss q kau,,kc
cgurdong d n q
mgpprmdm
mxado..kc mggng
myman n kme ng ank
q.hehe

ingat lgi.
God is good..kya kng
anong career ang
tthkn,jan lgi SYA.
Just alwys keep ur
faith in Him!
And ur feet on d
ground.

:jenG:


9:45pm
MARY GRACE PEREZ
Nothing worthwhile
comes easy. It may
ionvolve tedious
effort & a long wait
for our dreams to
come true. It might
even cost us, but it's
always worth it.
4years in the making
just to wear that
black suit. And it has
been a beautiful
chapter worth
reading again.
Congrats. Seeyou
guys soon. God bless.



9:49pm
VENUS RODRIGUEZ
Congrats rc4-1d!Ü
hmm..iwan nyo na
q.Huhu.Daya! Hayy...
Nways,goodluck sa
knya knyang
career.See you
around! Ciao!
-->veNok


10:03pm
BOOTS SERMENO
.Omedet0u rc 4-1
dash d!!! ds s rili s it.

.mami2ss q ang
pggwa ng c0stumes..
:_;
pti ang pkkpgaway s
ibng colej.. mami2ss
q dn ang mga pnalo
ntng hirit... at xmpre
ang mga kabaklaan..
dhl bet q tlga yn..

.ths s 4 d 4 yrs of
rollerc0astr ride...
KAMPAI!

[haponesa] >_<
10:18pm

CHRISTIAN BIBAT
Nagpapasalamat ako
sa inyong lahat dahl
alm ko na lahat kay
ay may parte sa
kung anu ako
ngay0n.. Alam ko na
hnd man lahat kayo
ay palagian kong
nakakausap o
nkakasma pero sna
kaht papanu nptwa at
npasaya ko kau..sa
lahat ng mga nagng
tropa ko, salamat..lage lang
ak0ng and2 para
snyo.
Sa mga nagng
thesism8s k, ptwd
kung my pgkukulang
ako, slmat sa
pgintndi. Sa isa s
tinuring k0ng kapatid
na c j0zWealth,wlang
iwanan ha?
Edryan, pcnxa n kung
my mali man ak0ng
nagawa kya
nagkar0oN tau ng
gap...sa lahat dn ng
mga nakasmaAn ko
ng loob,patawarn nyo
q s nagwa k0ng mali.
Hazel, nagng parte ka
ng buhay
ko.salamat..wg k n
snang magalit skn..s
mga c0medians ng rc
4-1d, slmt at
napasaya nyo ang
klase. Heidi, ang
unang nagng crush
ko s klase,at ngayo'y
ang baBaeng
pinakamamahal ko,
slmt s lht ng
sakripisyo m skn..
Mrmi p ak0ng gs2ng
sbhn pero kulang ang
sPce. Paki g.m. nlang
sa iba,,
Mahalaga kaung lahat
sakin.


11:16pm
JEROME PHILLIP RICAMATA
Ive always searchd
for hapines from a
person, but d
though of having u
ol as frnds is a
greater happines
already. Tnx for d 4
years of laughter
and frndshp. Hope 2
see u all soar 2wrds
ur drms. I love u
guys. U rocked my
college lyf..

Jerome here moving
4ward.


11:33pm
VERNON CARLO PARRENO
Classmates, auko
mgdrama. gusto ko
lng mgpasalamat s
inyong lahat. Sa lahat
ng pnagsamahan
natin ng apat na
taon. Marami taung
natutunan s bawat
isa. Sana maging
mtagumpay kau s
lahat ng plano neo s
buhay. Congratz
satin rc 4-1d batch 2009!
Pls pass.
Tnx.-vernon (",)


09-May-09

10:15am
RONALD LLABORE
aun,ntpos na ang
kontrata q sa pup...

sa mga naging parte
ng 4yrs q s loob at
lbas ng coc at pup...
sa mga taong
nksalamuha
q,2mulong & in a
way,n2lungn q rn...

sa mga fans kong
pedicab & tryk
drvrs,profs &
s2jante na nlu2ngkot
sa pag-alis q sa
sintang paaraln dhl d
na nla aq mki2ta sa
u.i...

sa mga npagaan q
ang buhai kalej dhl sa
mga kalokohan q,lalu
na sa mga taong
nt2wa na kh8 d pq
ngp2twa...

sa mga taong pnakilig
aq at sa taong nging
sndalan q sa
panahong tnalikuran
aq ng ilang kaibgn q,u
knw hu u r...

4wandashdee,junggoys,
des4adas,palapow,
varsity,mga anak2n
q & BEST...

slmat sa lhat2...till
nxt tym,i luv u all & i'll
mis u...ü


11-May-09

12:53am
JOHN RUSSEL ALBA
Psenxa n ngaun lng
ngtxt..total ngaun q
lng
nrmdman..ah..guys..
congrats s atin..s
wakas nkagrad dn..pg
nksalubong nyo
aq..grit nyo nman
aq..c: kita kits s work!


At sa iba pang posts sa Multiply at sa blog na ito, tunay ngang naipahatid na ang mensahe sa bawat isa: HANGGANG SA MULING PAGKIKITA. Hindi isang paalam, kundi isang pangako, na kahit saan man tayo mapadpad, ano man ang ating gawin, dala-dala natin ang tatak-BBrC159.

Kudos sa ating lahat!


PS: Para sa kumpletong dokumentasyon ng graduation, pumunta lang sa bbrc159.multiply.com

UPDATE: Sa May 18 ang pasahan ng clearance para sa pagkumpleto ng requirements sa pagkuha ng Transcript of records at Diploma. Narito ang isang scan ng dummy diploma na nakuha natin noong graduation, na nagsasaad ng mga hakbang na nabanggit:


Saturday, May 02, 2009

Endings are Beginnings too...

Endings are Beginnings too...

0n May 8, 2009...though that day may signify the end of our college days...
but it will pave way for the beginning of our real lives...

i'm gonna miss laughing with my friends... they were my joy...
i'm gonna miss sitting beside JM in class... he's my confidante...
i'm gonna miss doing productions... i'll heard my calling...
i'm gonna miss smoking at the back of my campus... it became my habit...
i'm gonna miss my classmates... they were a part of my life...
i'm gonna miss my mentors... they believed in me...
i'm gonna miss going to COC everyday... it's my home...

but then again, everything ends...

May 9, 2009 will be a new day for all of us... may we all start it right!

Goodbye mates...
Goodluck!

-Brattyeca

Wednesday, October 22, 2008

"BBrC159 will always be BBrC159!"

Heto na nga at ramdam na ang nalalabing sandali bago ang pagtatapos ng isang mahalagang yugto sa buhay ng buong BBrC159. Bagamat walang kasiguraduhan kung makukumpleto pa ang lahat sa pagitan ng kasalukuyan at ng araw ng graduation, umaasa akong mangyayari pa rin ito upang makapag-sama-sama pa ang lahat bago man lang tuluyang maghiwa-hiwalay. May mga nagpahiwatig na rin ng pagnanais na magdaos ng Christmas party outside ng skul.

Sa Multiply, kung saan nakahimlay ang BBrC159 Photo Center, gumawa si Jerome ng isang photo album tampok ang ilang larawan ng klase mula first year. Marami sa klase ang nag-comment dito at lahat ay mangiyak-ngiyak habang tinitignan ito dahil na rin sa tugtog na nilagay ni Jerome. Kaya't heto at ilalagay ko ang slideshow version ng ginawa nyang album.




Narito ang isang notable comment mula kay Mimi:

mearahgonzales wrote on Oct 18
wow.. see how our looks evolved..
how people changed..
ang mga close noon, ndi na close ngaun..
ang mga may gap noon okay na nagun..
before you were like this, but now everything has changed..
nothing is really constant in this world..
but what is constant for me are the memories that i will surely treasure..
parting ways is very near to come..
and seriously, i will miss all the jokes, laughters, all the brags, all the insults, the anger we feel for each other..
whew.. in just few months, we need to say goodbye..

BBRC 159 will always be BBRC159!



Thursday, December 27, 2007

CONDOLENCE to the SERMENO Family

The whole section sympathizes with the
death of Boots' father. May he rest in
peace. Be strong Boots! We're behind you.

12/27/07 12:05 pm
From: BOOTS GLOBE
Guyz,at last unli n q.
mrrplyan q n lht ng
nangumusta... Papa
passd away ds
morning. Naoperahan
xa khpon n ntnggal n
ung bala kya umuwi
aq khpon thnkng n ok
n. bt ds morning
bumigay n.
~chie,renz,mimi,lm,
ate
heyz,tinie,Eka,cha2
thnx s mga
pngu2musta ah..
~meanni jst red ur
cmnt ystrdy. Tnx
ah,ILUSM..Dnt wori
ne!S feb gthrng, ok n
q. ~yubiIMUSM,tnX 4
ol d ncouragemnt. Kt
gave me a grup hug.
¤wr stil fxn thngs 4 d
funeral. I'l b fine
ne..txt u guys pg aus
n lht. our fone lyns r
bc so jst txt me
ok..guys,evn my lj
frndz abroad. Thnx 4
ol d pryrs! God bless.

Saturday, October 20, 2007

Ang Pagbabago ng Kulay ng RC 3-1

Siyam na araw makalipas ang napaka-memorable na araw na iyon, heto at isinusulat ko ang mga emosyon at alaalang ibinunga nito, di lamang sa akin kundi sa buong klase. Marahil hanggang ngayon, ang ilan sa atin ay di parin maka-'get over' sa mga naganap (isa nako dun) dahil sa sobrang pagka-overwhelm.

Hindi ko man kabisado ang eksaktong mga araw ng kaganapan, pero alam ko ang mga hirap na pinagdaanan natin bago ang playdate. Mula sa halos dalawampung konsepto, bumaba ito papuntang tatlo, hanggang sa isa na lang ang natira. Tatlong set ng writers ang dumaan sa konseptong ito. Si Joy na umabot sa puntong napaiyak dahil sa hirap na dinanas sa script, na siyang sinalo nina Glaiza at Shaidel, sa tulong ng ibang taga-share ng idea na sina Mearah, Bhey, Jerome, atbp. Ngunit sa bandang huli, hawig ng nangyari sa music video natin (naka-ilang konsepto pero sa pinaka-simple bumagsak), bumagsak ang play sa kamay nina Mart at Eca, ang dalawang marahil, para sa akin, ay di gaanong gusto ng klase. Naramdaman ko ito nang aminin namin ni Laeng ang gayong plano. Tila ba pinersonal sina Mart, ngunit ramdam ko rin ang pagka-tabla nang iharap ni Erica ang konsepto nila na siyang ikinatahimik ng lahat. Marahil, namangha sila.

Kasabay ng trabahong ito ang responsibilidad na kaakibat ng Youth Camp, na isang malaking factor sa pagbagal ng usad ng play. Mula sa financial contribution, oras, effort, concern, lahat ng ito ay nahati sa pagitan ng youth camp at ng play. Noong mga unang linggo ng Setyembre, halos walang pakialam ang lahat sa play, dahil matagal pa nga raw naman, at mas malapit na ang youth camp. Fine. Doon nagsimula ang hirap para sa amin sa side ng play production. Inumpisahan ng booth na iilan lang ang gumawa, at halos kalahati pa ata ng budget ang na-consume. Sinabayan ng auditions na umabot ng isang buong araw, at diretsong praktis pagkatapos ng ilang araw. At ilang araw ding na-move ang pictorial dahil sa audition at youth camp. Maging ang script ay tuluy-tuloy na nirevise, imagine, right before ng play, nagdadagdag-bawas pa ng linya? Sosi diba? hehe. Aside from that, nawalan rin tayo ng sponsor dahil sa delays na yan, kesyo kailangan daw kasi ng title at synopsis ng play, na wala pa during the time na naghahanap si Bibat.

Ang pinaka-kritikal rin sigurong parte ng produksyong ito ay ang OVERNIGHT. At di lang basta overnight, TATLONG magkakasunod na OVERNIGHT, right before the play. Lalo na ang overnight pagkatapos ng TDR kung saan kinailangan ng mga major revisions sa set at script. History-making na naman ata tayo dahil tayo lang ang may production staff (direks, pm, sm, actors, etc) na mga walang ligo during the play. O diba, pinanindigan nating tungkol sa basura ang play naten, dahil pati tayo eh literal na amoy basura.

May mga part siguro sa mga sinabi ko ngayon ang na-digest at ang ilan ay nai-elaborate, pero ang importanteng punto siguro dito ay ito: nagbago ang klase. Nagbago ang RC3-1. Ang mga magkakagalit, nagtulungan; ang maaarte, tumino (although hindi lahat); ang mga dating di tumutulong, lumabas; at sa huli, nagtrabaho ang produksyon bilang isang buong klase. Na-justify natin ang tunay na meaning ng isang play production: isang collaborative effort ng lahat ng bumubuo nito.

Sana, sa mga susunod na produksyon natin, ipakita natin na natuto na tayo. Heto siguro ang ilang mga pointers, hindi ko sure kung mag-aagree kayo, pero suggestion ko lang to:
  1. Prioritize the production. Hindi porke may iba kayong responsibilidad, ise-set aside nyo na ang produksyon. Kung tutuusin, dapat ito ang unahin dahil isa itong practicum para sa atin. Hands on, kumbaga. Nagkakaroon tayo ng grasp kung pano ba talaga gumawa sa isang tunay na produksyon, di kagaya ng mga pure lectures o ng project/written requirements. Dito natin natututunan ang tamang values sa trabaho.
  2. Know your limits. Ok lang ang mag-suggest, pero ang masusunod pa rin ay ang head, dahil sya ang may command responsibility. Pag panget ang produksyon dahil sa suggestion mo, hindi ikaw ang sisisihin, kundi ang head, dahil tinanggap nya ang suggestion mo. Kaya wag sana magtampo kung hindi lahat ng sa tingin mo ay dapat, ang nasusunod. Respeto na rin siguro para sa nasa posisyon. At isa pa, ayon nga sa kasabihan, "Ayusin mo muna ang trabaho mo bago mo ayusin ang trabaho ng iba." Kung ano ang posisyon mo, matuto kang lumugar.
  3. Vote wisely. Ito siguro ang isang mahalagang aspeto na nakakalimutan natin. Minsan kasi, nilalagay natin ang isang tao sa isang posisyon para sa katuwaan, o di kaya naman dahil may personal kayong galit sa taong mas karapat-dapat sana sa posisyong iyon. May nangyayari pa ngang nagkaka-overlapping ng trabaho dahil ang taong nilagay mo sa isang posisyon ay mas nagfa-function sa ibang posisyon.
  4. Mag-ipon. Wag tayong gumastos masyado kung alam nating may pera tayo ngayon. Yan ang isang problema ng Pinoy, nagfo-focus sa short-term goals at hindi sa long-term, kay a ang nangyayari, gaya sa klase natin, pag may produksyon at biglaang kailangan ng malaking halaga, walang mailabas dahil ipinambili ng luho ang sobra sa pera nya dati. Tandaan niyo, mas malaki na ang gagastusin natin sa mga susunod na produksyon. Siguro naman nababalitaan niyo yung mga tig-P5000 na contribution sa produksyon ng BAWAT subject ng fourth year nitong sem? Idea lang yan kung gano kalaki ang magagastos natin in the future.
  5. Confront. Siguro imposible mangyari to, pero susubukan ko pa rin i-impart, dahil tinuro rin naman to sa Intra-Inter, na "the best way to solve your conflict is to talk about the conflict with the persons involved." Alam kong marami sa atin ang may mga inhibitions sa ibang kapwa kaklase, at ang unethical na nangyayari ay nasasabi ito sa ibang tao at hindi sa mismong tao, kaya ang labas, backfighting/tsismis. At sana, wag tayong mag-judge. Sabi nga sa La ABaKaDa Filipina, "hindi lahat ng nakikita mo ay totoo." Wag sana tayo basta mainis sa klasmeyt dahil irritated lang tayo sa kanya, i-analyze muna ang sitwasyon at matutong maging open-minded at understanding. In short, wag mag-maldita.
  6. Cling to Him. Feeling ko nga, kaya di naging successful overall ang youth camp dahil in the first place, di sya spiritual. And same with the play. Ramdam ko nung prayer natin before the actual play, nasa Claro ang presensya ng Diyos. Hinipo nya ang puso ng bawat isa sa atin pati ang nanood. Imagine, tayo lang ata ang play na hindi dinaot ng audience, considering na mapandaot ang maskom. Oppositely, tayo lang ang nakapagpatawa, nakapagpa-kaba, at nakapagpaiyak ng audience, all in a single play.
Tatlong taon na tayong magkakasama, at may isang taon pa para patunayan natin na ang Section 1 ay nagkakaisa. Nasimulan na natin, sana maipagpatuloy pa. Sana tuluyan nating mapaganda ang kulay ng RC3-1.

Thursday, August 16, 2007

A Supposed to be Wake-Up Call

I would like to believe that there is no actual perfect section, but it's what the students' hearts have that make their section seamless. As for us, I feel it's way different. Factions, competition, conflicts, insecurities, opportunists, and personal problems continue to divide the class and in short, push away from unity.

Perhaps strong leadership is one thing needed to discipline such class of intellectual people. Most of our classmates agree that because everyone in the class is smart, there is definitely a clash of ideas and opinions that tend to separate us from each other. As Pamela and I both believe that it's very hard to tame this seemingly shrewish groups within the group. Heidi was definitely the best caretaker to handle this lion. She has this sense of authority, unlike me and Pamela.

We have a team of entertainers, a team of academic people, a team of 'billiards', a team of pretty ladies, a team of gimmickeros, a team of simple people, and others who go solo. Maybe a class of over fifty uniquely smart individuals is too large to be united, or is it not?

The Babaylan Festival is memorable because everyone was quite united then. Magandang Bukas was the start and is an evidence of the growing division. The following year, our Majika proved to be a flop on the backstage despite its victory in the college. The Promise was another issue most especially from the conceptualization stage, where the ones to be put on exhibit were terribly discussed and disputed. Those 'intellectual' people appeared to have insulted most of the class because of overpowering the decision-making. The supposed-to-be election became a pinpoint activity by the few. Not everyone may know this, but those who were initially chosen but replaced were disappointed, because they were already asked by Pamela to be put on exhibit. They felt insulted.

Now that the Drama Fest is fast approaching, it is a burden to Pamela on how she will put together these pieces of puzzle scattered in a ghost town. I empathize her feelings that she is being disregarded as a president. It's the same with what I felt when i was on her position. There are those who do not consult with her nor the class and make actions that according to them, are necessary if we want to triumph in the college. I myself am divided with this issue. Pam has a point, the others have too. But the bottom line is, there is no unity.

Dear God, please touch the hearts of everyone of us.

Friday, December 08, 2006

BABALA: Mga Delingkwenteng Propesor

Isa itong panawagan sa lahat ng mga estudyante.

Noong kami ay mga first year pa lamang (BBrC 1-1D Batch 2005-2006) ay nagkaroon kami ng isang propesor sa aming unang semestre sa subject na EN110 o Study and Thinking Skills in English. Siya ay si Sylvia Basilio. Sa totoo lang, walang bumagsak sa amin sa kanya. Maayos naman ang pagtuturo niya. Pinabili niya lang kami ng librong "Fundamentals of Research and Business Correspondence". Pero nitong araw na ito lamang ay nabasa namin sa dyaryo sa pamamagitan ni Tracy, ang tungkol sa kanya. Narito ang bahaging iyon ng dyaryo:


Mabuti na lamang at hindi niya ginawa sa amin ang ginawa niya sa mga estudyanteng nagreklamo sa BITAG. Sana'y maayos na nila ang gusot na iyan.

Sa amin namang ikalawang semestre bilang first year, sa subject na MT123 o College Algebra, naging propesor namin si Merlyn Sevilla, isang matandang babaeng maputi na pula ang buhok at laging may pamaypay. Agad namin siyang kinakitaan ng kakaibahan dahil sa kanyang ibinabaong pito -- oo, pito/sipol/whistle. Kapag may maingay, pumipito siya ng malakas. Ayos lang sana iyon sa amin dahil nakakatawa naman.

Mayroon din siyang libro na nabibili sa National Book Store, at ang sabi niya, pag bumili kami nito, siguradong pasado na kami sa kanyang klase. Pero ang nangyari, nang matapos ang semestre at makuha namin ang aming mga class cards, lubos kaming nagulat. Ang karamihan ay nakakuha ng 2.0, ang ilan ay 2.25 at 3.0, at may isang na-WITHDRAWN kahit na ni minsan ay hindi siya umabsent. Marami ang napaiyak dahil hindi na sila nakapag-scholarship at nasira ang pangarap nilang makapagtapos ng may honors. Dahil dito, gumawa kami ng isang petisyon laban kay Propesora Merlyn Sevilla. Hindi na namin siya nahagilap dahil ayon sa kanya, nasa Hong Kong na siya noong mga panahong iyon. At ngayong kami ay mga second year na (BBrC 2-1D Batch 2006-2007), muli na naman namin siyang nakita na umaaligid sa kampus ng MasKom. Ipinagdarasal ko na lang na huwag mangyari sa mga kapwa namin estudyante ang nangyari sa amin.

Mayroon pa kaming isang pinagsususpetsahang propesor. Siya ang aming propesor ngayon sa subject na HU110 o Introduction to Humanities. Ang pangalan niya ay Fe Agpaoa. Kakaiba rin siya sapagka't hindi siya pumapayag na may magsuot ng hindi manggas. Pakiramdam niya ata ay Dekada '80 pa rin hanggang ngayon. Hindi ba niya alam na nakasaad sa Student Handbook, partikular na sa Section II - Social Norms Article 1: "Every PUP student is given the liberty to dress up according to his individual taste but he is urged to adhere to the conventions of proper grooming."? Isa pang napaka-kwestiyunable niyang patakaran ay nang sabihin niyang maaari at maaaring hindi siya mag-check ng attendance base sa kanyang gusto. Hindi ba't hindi iyon patas? Siguradong malaki ang magiging epekto nun sa pagiging patas ng grado namin. Ayon na rin sa aming mga nakausap dito sa kolehiyo, inireklamo na rin umano siya dati dahil sa mga kwestiyunable niyang mga polisiya. Umaasa na lamang akong hindi humantong sa petisyon ang takbo ng kanyang pagtuturo sa amin.

Narito at inihain ko sa inyo ang tatlong halimbawa ng ibang mukha ng mga guro. Ang isa, naging maayos ang pakitungo sa amin ngunit sa iba naman ay nagka-problema; ang ikalawa, direkta kaming sinamantala at inabuso ang aming pagiging mga freshmen; ang ikatlo, isang nag-uumpisa pa lamang naming makilala at malaman kung hindi ba kami magkaka-gusot. Ang mga ito'y ilan lamang sa maraming halimbawa ng mga tinatawag na DELINGKWENTEng propesor. Iba pa 'yan sa napakaraming reklamong natatanggap ng PUP Student Publication, ang The Catalyst, sa kanilang kolum na TED PYLON, na siyang nagsisiwalat ng mga modus operandi ng mga delingkwenteng propesor na iyan. Kaya't sa mga kapwa namin estudyante, pinapa-alalahanan namin kayo na maging mapagmatyag at bukas ang isip sa mga ginagawa ng inyong mga itinuturing na ikalawang ina upang hindi kayo maloko. Kung sakali mang may mangyari sa inyong ganitong sitwasyon, huwag matakot at umaksyon. Kung mayroon silang kapit, humingi ng tulong sa iba, gaya ng pagsumbong sa BITAG o anumang organisasyon.


Sunday, December 03, 2006

Message from the DBC Chairperson

The Department of Broadcast Communication is striving very hard and trying its very best to contribute significantly for the success of COC Level III Accreditation.

I would like to thank all the committed and dedicated faculty members, as well as the very dynamic and energetic BBrC students, who are my source of strength and inspiration…

With God on our side, nothing is impossible!

DBC and BBrC,

GO FOR LEVEL III!!


Chairperson Edna T. Bernabe

LOOKING FOR THE ONAKULEOM SITE?
IT'S HERE: www.ONAKULEOM.tk