Showing posts with label Announcement. Show all posts
Showing posts with label Announcement. Show all posts

Monday, April 06, 2009

LET'S SUPPORT PUPians IN NISSIN'S TALENT SEARCH>>

Mga kapatid, hinihingi namin ang inyong digital power para sa dalawa nating katoto na kasali sa NISSINDIVIDUALITY, isang talent search na binuo ng NISSIN. Hindi ko lang alam kung anong college si Jennifer, pero si Nikki ay collegemate natin sa COC, isa siyang incoming fourth year Journalism student. Wag nyo kalimutan i-verify sa email nyo ah, para ma-count yung vote nyo.. Kung marami kayong email, gamitin nyo lahat kasi 1 email is 1 vote.. Spread nyo yung message ah, kasi kailangan natin maunahan yung ibang top schools. Medyo unfair nga ang nangyari eh, kasi late nang naipost yung ibang entries gaya ng PUP kaya anlaki na ng lamang nung ibang schools.

Jennifer Marcelio, Dean's Lister Category
(click link below to vote)
http://www.nissindividuality.com/contestants.php?coid=86


Anne Dominique delos Santos, Musikero Category
(click link below to vote)
http://www.nissindividuality.com/contestants.php?coid=89


Sunday, March 29, 2009

BBrC159 is No. 1!

Yes mga kapatid, we made it! Napatunayan na naman nating tayo ang da best, sa pagtatapos ng huling Recognition Day ng ating college life. Sa anim na awards na para sa graduating students, lima dito ang nakuha natin:
  1. Most Outstanding Graduating Student: Mart Elias Carlo Marañon
  2. Most Active Graduating Student (Leadership Award): Jan Meynard Nualla (Broadcast Communication); Aiko Buduan (Journalism)
  3. Best Quantitative Research (tie with BBrC 4-1N): A Research-Based Communication Plan Popularizing Natural Gas Among Public Utility Jeepney Drivers in Metro Manila (Nualla/Valiente/Gapasin/Bibat/Ngui)
  4. Best Qualitative Research: Itutuloy... Research-Based Strategies in Reviving the Philippine Komiks Industry (Asidao/Formales/Llabore/Murillo/Pasumbal)
  5. Most Active Graduating Class: BBrC 4-1D
  6. Most Outstanding Graduating Class: BJ 4-1D
Bukod diyan, nabigyan din ng Award of Recognition ang institutional research ng klase, ang Socio-Economic Profile of COC Freshman Students for School Year 2008-2009 (Sallegue/Marañon/Abanilla/Fruto/Perez/Garcia/Villalon/Parreño/Cruz/Ong), at si Mart naman ang naging Top President's Lister. Ang saya hindi ba? Gayunpaman, congratulations din sa iba pang section at lahat tayong mga ga-graduate ngayong Mayo, dahil lahat tayo ay talagang nagsikap upang maabot ang puntong ito. Sayang nga lang at hindi nagpunta ang klase upang masaksihan ang karangalang ating natamo.

Meron ding ilang maliit na frustrations ang klase sa araw na ito. Hindi na naman kasi nakapag-apply ang klase para sa University Scholar certifications. Disinsana'y marami sana sa atin ang may President's at Dean's Listers.

Samantala, mukhang hindi pa rin malinaw kung ilan sa klase ang pupunta sa Graduation Party na gaganapin sa Astoria Hotel sa Ortigas sa April 24. Marami rin kasi ang nagsabing ayaw nilang pumunta. Iba-iba ang dahilan: dahil walang pera, dahil hindi naman kumpleto ang klase, dahil magpa-plastikan lang raw, atbp.

Siyangapala, naipasa na ang lahat ng gradesheet natin, kaya pwede nyo nang tignan kung nasa tentative list na kayo ng mga graduates. Kung naroon na kayo, pwede nyo nang kunin ang pink card sa Window 1 pagkatapos maipresenta ang inyong registration card na may tatak na "fully paid".

Advertisement: May panibagong video tayo sa YouTube para sa ating Vlogs category, at yun ay ang short clip ng naging intermission number ng Teatro Komunikado noong recognition day. Para sa iba pang videos, magpunta lang sa youtube.com/bbrc159. Pwede nyo ring silipin ang mga pictures ng event na yon sa bbrc159.multiply.com.


Sunday, February 01, 2009

one step closer to graduation

---------THESIS---------
Yes mga kapatid, dahil sa pagtatapos ng defense period, mas malapit na tayo sa pinaka-aasam na graduation ng lahat. Sa miting kay Sir Don sa huling araw ng defense ng klase (January 28), pina-alala nya na bagamat tapos na ang defense, gawin na natin agad ang mga recommendations na pinapadagdag ng panel sa kanya-kanyang mga thesis dahil baka mawala ang momentum pag nagpahinga. Dagdag pa nya, huwag basta-basta gawin ang mga changes nang hindi ikinokonsulta sa kanya bilang adviser, lalo na kapag halimbawang contradicting ang suggestion ng dalawa sa inyong panelists. Heto at ia-outline ko na ang huling steps para sa thesis natin:
  1. Pagkatapos maidagdag ang mga recommendations ng panel (nang may approval ng adviser), isa-isang ipakita sa panel ang manuscript, lalong-lalo na ang mga specific changes na sinabi nila. Kailangang dala rin sa pagpapacheck sa panel ang manuscript na may notes nila upang mapatunayan na nasunod ang changes na sinabi nila, o kung hindi man, maipaliwanag kung bakit hindi nasunod. Dapat may dalang limang approval sheet (o higit pa) para papirmahan dahil isa itong dokumento kaya kailangang authentic ang mga pirma kapag ipina-bookbind. Unahin ang mga miyembro ng panel bago ang chair.
  2. Ilalagay ng adviser ang grade sa mga approval sheet. Tandaan: ang grade na nakalagay sa manuscript ay ang grade ng defense, hindi ito ang grade na nasa class card dahil ang nasa class card ay may kasama pang ibang grade, gaya ng peer evaluation.
  3. Maaari na ngayong ipa-edit ang buong manuscript pagkatapos ma-approve ng panel at mapirmahan ng adviser (o maaari ring ipa-edit muna bago ipa-check sa panel).
  4. Ipa-bookbind na ang bagong manuscript na may limang kopya: isa sa adviser, isa sa National Library, isa sa kolehiyo, isa sa PUP main library at isa para sa grupo. Iba ang kaso kapag institutional research dahil lima ang panel nito, at iba rin ang kaso kung ayaw magpakopya ng grupo o gusto ng grupo ng kopya bawat isa. Dapat ay kumpleto na ang laman ng ipapa-bookbind mula acknowledgements, appendices, curriculum vitae, etc. kabilang ang original na pirmadong approval sheet. Kulay maroon ang kulay ng cover ng manuscript para sa Broadcast Communciation students.
  5. Agad ipadala ang mga kopya sa dapat padalhan.
  6. Kailangan ring magsubmit ang klase ng documentation ng defense at compilation ng abstract ng lahat ng thesis ng klase. Ito ay nakalagay sa clearbook, kung saan una ang abstract ng unang grupo tapos ang pictures nila sa sunod na page, and so on.
  7. Kapag naisumite na ang thesis, pipirmahan na ng adviser ang pink card for graduation.
TANDAAN: Isa-submit ang grades sa registrar bago mag-March 14 kaya kailangang i-submit ang thesis sa unang linggo ng Marso.

Pagkatapos banggitin ni Sir Don ang prosesong ito, nagbigay sya ng clue sa mga grade ng mga thesis ng klase:
  • tatlong grupo ang unanimous 1.0
  • dalawang grupo ang 1.25
  • dalawang grupo ang 1.5
  • isang grupo ang 1.75
  • isang grupo ang wala pang grade

---------CLASS ACHIEVEMENTS---------

Ipinaalala rin ni Sir Don na mamimili rin si Sir Don ng isasali sa Best Quantitative Research at Best Qualitative Research. Sinabi rin niya na hindi porke't unanimous uno ay isasali na, dahil may criteria rin na "impact". Kapag magpapa-pirma na ng manuscript ang grupo kay Sir Don, doon niya sasabihin kung isasali niya ang grupo sa contest.

Samantala, binanggit rin ni Sir Don ang tungkol sa search for the Most Outstanding Graduating Class (MOGC) at Most Active Graduating Class (MAGC). Para sa MOGC, point system ang labanan, kung saan, binibilang ang mga accomplishments ng klase, gaya ng mga sumusunod:
  • college seminar/activity (0.5 point)
  • university-wide seminar/activity (1 point)
  • national seminar/activity (5 points)
  • international seminar/activity (10 points)
  • number of scholars
  • number of dean's lister, president's lister
  • membership to organizations
  • creative works
  • cumulative score ng grades ng lahat ng thesis ng klase
Para naman sa MAGC, pinagbobotohan ito ng lahat ng faculty. Kaya naman klasmeyts, manliligaw na kayo ng faculty, hahaha!

Maliban dito, mayroon ding hinahanap na Most Outstanding Graduating Student (MOGS). At nag-sigawan ang lahat para kay Mart! hahaha

Samantala, nananawagan si Mart sa lahat na magpasa na rin ng photocopy ng achievements na nakalagay sa long brown envelope (na una ko nang ginawa, hehe).


---------PRACTICUM---------
Gaya ng naunang nasabi sa blog na ito, OK kay Sir Don ang 150 Radio : 150 TV at ang 100 Radio : 100 TV : 100 other media na distribution of hours sa practicum. Para sa practicum, kailangang maipasa ang mga necessary documents sa March 10. Tig-iisang long plain folder dapat bawat media (TV/Radio/etc) at ilalagay ang mga ito sa isang black expandable envelope. Ang mga laman ng bawat folder ay:
  • evaluation in "sealed" white envelope (may pirma ng supervisor sa seal)
  • photocopy of internship certification
  • KBP ID (kung meron)
  • OJT ID
  • daily time record (time card or photocopied logbook)
  • journal (online journal to be printed)
  • communications (endorsement letters)
  • curriculum vitae/resumé
  • pictures during work (intern must be shown, not just the establishment)
  • creative outputs (i.e. script, recordings, etc.); if not applicable, pictures are ok

---------GRADUATION BALL---------
Magsu-survey ang COC Alumni Association sa mga graduating students kung gusto nilang mag-GradBall. Tatlong taon na raw kasi nang huling mag-GradBall ang kolehiyo. Kapag lumabas sa survey na oo, maghahanap ng hotel para sa event. Ang tantya ni Sir Don ay mga P1200 dahil ganoon ang nagastos noong nakaraang GradBall habang P700 sa nauna pa doon. Dito na rin magbobotohan para sa mga magiging officers ng bagong batch ng Alumni Association.

Thursday, October 30, 2008

THESIS DEFENS/ive

palaw ang sked sa thesis!ÜOct 30, '08 5:43 PM
for everyone

meron na sked ang thesis defense namin. go for defense na ang rc 4-1D. eto na ang pagkaksunud-sunod ng defense natin classmates:

  1. Jhuna's Group
  2. Jerome's Group
  3. Karla's Group
  4. Renz' Group
  5. Jhoera's Group
  6. Ronald's Group
  7. Glaiza's Group
  8. Edryan's Group
  9. Mearah's Group

hahahaha.. kabog..first week of january ang thesis defense namin at dito na nakasalalay lahat.. whew! eto naman ang schedule ng consultations in case mawala niyo classmate ang sked. :)

November 3, 13, 24 ; December 4:

  1. Edryan's Group
  2. Renz' Group
  3. Jhuna's Group

November 6, 17, 27 ; December 8:

  1. Jhoera's Group
  2. Karla's Group
  3. Glaiza's Group

November 10, 20 ; December 1, 11:

  1. Jerome's Group
  2. Mearah's Group
  3. Ronald's Group

GOODLUCK SA LAHAT NG BBRC159! KAYA NATIN TO!


Source: http://mearahgonzales.multiply.com/journal/item/133/133

--------------------------------------

Mukhang dadami na naman ang active sa blogging sa klase dahil nag-require si Sir Don ng personal diary, either handwritten or blog, about sa internship experiences natin. Nag-umpisa na nga, as of this writing, si Hazel. Ang mga nauna naman kahit walang sinabi si Sir Don ay sina Mearah at Jerome.

I was supposed to start my internship blog but I happened to cross by Multiply and found two related blogs by Jhuna Bell and Bezaleel. Hindi ko na lang ipe-paste dito, but the blogs seem to pertain to Renz.

At least sabi ni Mearah sa comments, let's just be happy. Thesis na, so let's stop bickering. Pero kung ako ang tatanungin, isa lang ang masasabi ko: walang perpektong tao. Kahit ako, kinainisan rin ng marami dahil sa mga gossip dito sa blog, at sa mga GM ko, haha. I'm just hoping that this conflict will be resolved, hindi yung basta avoidance lang, gaya nga ng sabi sa Peace Comm. :)


Sunday, July 20, 2008

RC IV-1D Sked, 1st Sem, 2008-2009 (Updated)

Narito ang ating latest sked, at may isa pa lang namang change. Un ay sa subject na Broadcast Relations and Promotions kay Dr. Divine Pasumbal.

MONDAY/THURSDAY

RC202 :: Communication Technology, Trends & Breakthroughs
:: 7:30AM-9:00AM :: RM107
:: Prof. Racidon Bernarte
RC401 :: Film Aesthetics
:: 9:00AM-10:30AM :: RM203
:: Dr. Robert Soriano
RC404 :: Digital Broadcast Production
:: 10:30AM-12:00PM :: RM111
:: Dr. Ma. Lourdes DP Garcia
COM403 :: Peace Communication
:: 1:30PM-3:00PM :: RM110
:: Prof. Milagros dela Costa

TUESDAY/FRIDAY

RC403 :: Broadcast Journalism
:: 9:00AM-10:30AM :: RM201
:: Prof. Anna Ruby Gapasin
RC203 :: Broadcast Relations & Promotions
:: 12:00PM-1:30PM :: AVR
:: Dr. Divina Pasumbal
NS230 :: Ecology
:: 1:30PM-3:00PM :: RM106
:: Prof. Adrian Guinto

Tuesday, May 06, 2008

BBrC159 Invades Campus 99.5

From:
Date: Tuesday, 6 May, 2008 9:48 PM
Subject: BBrC159 Invades Campus FM 99.5
Message:
This 12-3am is the start of the on-air training of the Campus Aircheckers, and BBrC159 gal Hazel Elizes is one of them.
Congrats Hazel!


We'll try to record this and post here so watch out!

Thursday, May 01, 2008

PUP Enrollment Schedule (Updated & Official)

Here is the new schedule, and perhaps final and official since it is from the faculty bulletin of COC.

May 12 - Second year
May 13 - Third year
May 14 - Fourth year
May 15 - Irregular First year/Second year
May 16 - Irregular Third year/Fourth year
May 20 to June 6 - First year
June 9 -
Start of Classes


Meanwhile, here is the old schedule posted on this blog (04/10/08 8:21AM):

This is from a text message claiming that it is the latest official schedule for the 1st Semester of School Year 2008-2009, although there is no clear schedule posted on the university's official website.

May 12-23
First Year

May26-27
Second Year

May 28-29
Third Year

May 30-June 2
Fourth Year

June 3-4
Fifth Year & Late Enrollees

Saturday, October 20, 2007

ONAKULEOM on the Web

Once more, BBrC159 is making history with its roster of surprises here in the Internet world:
  • The Website. www.ONAKULEOM.tk is probably the first of its kind in COC. A site containing all info (pix, teasers, synopsis) about RC 3-1's Official Entry to the 2007 Drama Festival.
  • The Play. Again, we'll be broadcasting the entire play on the net, complete with English subtitles.
  • The Teasers. We're having a series of teasers to present while waiting to post the play on March 2008*. Here's an example:


  • The Mini-Plays. Along with the teasers, we'll also be posting the mini-plays our class has presented, the highlight of which is the Kabuki.
*Wondering why the broadcast is too late? Because honestly, I'm hoping for recognitions in the Sikat Awards that is why I'm going to put those citations, if ever we get any, in the video we're going to upload.

Tuesday, May 22, 2007

First Stop: ENROLMENT

Before we officially become the new batch of BBrC 3-1D, here are some basic things that we will undertake on tomorrow's Third Year Enrolment for the College of Communication:
  1. Requirements: Ballpen, Registration form, Major class cards of Second Year 2nd Sem. (CommRes), P.E. class card, P440 (expected tuition fee), P20 mandatory payment for The Communicator and extra money for emergency.
  2. Filling Up the R.O. Form.
  3. Payment to the Cashier.
  4. Validation.
  5. Printing of New Registration Card.
For this first semester, we have a uniform schedule for the week which is 7:30 AM to 3 PM. In the meanwhile, here is what I remember of the sked (this is not quite accurate, I'll just update this):

MO/TH
7:30-9:00AM Drama and Theater Arts
9:00-10:30AM Multimedia Graphics
10:30-12:00PM---------------------BREAK------------------------
12:00-1:30PM R-TV-Film Scriptwriting
1:30-3:00PM General Statistics
TU/FR
7:30-9:00AM Inter/Intra Communication
9:00-10:30AM AD-PR Studies
10:30-12:00PM World Literature
12:00-1:30PM ----------------------BREAK------------------------
1:30-3:00PM Constitution


Good luck to us pipz!

Monday, March 12, 2007

Friday, December 08, 2006

BABALA: Mga Delingkwenteng Propesor

Isa itong panawagan sa lahat ng mga estudyante.

Noong kami ay mga first year pa lamang (BBrC 1-1D Batch 2005-2006) ay nagkaroon kami ng isang propesor sa aming unang semestre sa subject na EN110 o Study and Thinking Skills in English. Siya ay si Sylvia Basilio. Sa totoo lang, walang bumagsak sa amin sa kanya. Maayos naman ang pagtuturo niya. Pinabili niya lang kami ng librong "Fundamentals of Research and Business Correspondence". Pero nitong araw na ito lamang ay nabasa namin sa dyaryo sa pamamagitan ni Tracy, ang tungkol sa kanya. Narito ang bahaging iyon ng dyaryo:


Mabuti na lamang at hindi niya ginawa sa amin ang ginawa niya sa mga estudyanteng nagreklamo sa BITAG. Sana'y maayos na nila ang gusot na iyan.

Sa amin namang ikalawang semestre bilang first year, sa subject na MT123 o College Algebra, naging propesor namin si Merlyn Sevilla, isang matandang babaeng maputi na pula ang buhok at laging may pamaypay. Agad namin siyang kinakitaan ng kakaibahan dahil sa kanyang ibinabaong pito -- oo, pito/sipol/whistle. Kapag may maingay, pumipito siya ng malakas. Ayos lang sana iyon sa amin dahil nakakatawa naman.

Mayroon din siyang libro na nabibili sa National Book Store, at ang sabi niya, pag bumili kami nito, siguradong pasado na kami sa kanyang klase. Pero ang nangyari, nang matapos ang semestre at makuha namin ang aming mga class cards, lubos kaming nagulat. Ang karamihan ay nakakuha ng 2.0, ang ilan ay 2.25 at 3.0, at may isang na-WITHDRAWN kahit na ni minsan ay hindi siya umabsent. Marami ang napaiyak dahil hindi na sila nakapag-scholarship at nasira ang pangarap nilang makapagtapos ng may honors. Dahil dito, gumawa kami ng isang petisyon laban kay Propesora Merlyn Sevilla. Hindi na namin siya nahagilap dahil ayon sa kanya, nasa Hong Kong na siya noong mga panahong iyon. At ngayong kami ay mga second year na (BBrC 2-1D Batch 2006-2007), muli na naman namin siyang nakita na umaaligid sa kampus ng MasKom. Ipinagdarasal ko na lang na huwag mangyari sa mga kapwa namin estudyante ang nangyari sa amin.

Mayroon pa kaming isang pinagsususpetsahang propesor. Siya ang aming propesor ngayon sa subject na HU110 o Introduction to Humanities. Ang pangalan niya ay Fe Agpaoa. Kakaiba rin siya sapagka't hindi siya pumapayag na may magsuot ng hindi manggas. Pakiramdam niya ata ay Dekada '80 pa rin hanggang ngayon. Hindi ba niya alam na nakasaad sa Student Handbook, partikular na sa Section II - Social Norms Article 1: "Every PUP student is given the liberty to dress up according to his individual taste but he is urged to adhere to the conventions of proper grooming."? Isa pang napaka-kwestiyunable niyang patakaran ay nang sabihin niyang maaari at maaaring hindi siya mag-check ng attendance base sa kanyang gusto. Hindi ba't hindi iyon patas? Siguradong malaki ang magiging epekto nun sa pagiging patas ng grado namin. Ayon na rin sa aming mga nakausap dito sa kolehiyo, inireklamo na rin umano siya dati dahil sa mga kwestiyunable niyang mga polisiya. Umaasa na lamang akong hindi humantong sa petisyon ang takbo ng kanyang pagtuturo sa amin.

Narito at inihain ko sa inyo ang tatlong halimbawa ng ibang mukha ng mga guro. Ang isa, naging maayos ang pakitungo sa amin ngunit sa iba naman ay nagka-problema; ang ikalawa, direkta kaming sinamantala at inabuso ang aming pagiging mga freshmen; ang ikatlo, isang nag-uumpisa pa lamang naming makilala at malaman kung hindi ba kami magkaka-gusot. Ang mga ito'y ilan lamang sa maraming halimbawa ng mga tinatawag na DELINGKWENTEng propesor. Iba pa 'yan sa napakaraming reklamong natatanggap ng PUP Student Publication, ang The Catalyst, sa kanilang kolum na TED PYLON, na siyang nagsisiwalat ng mga modus operandi ng mga delingkwenteng propesor na iyan. Kaya't sa mga kapwa namin estudyante, pinapa-alalahanan namin kayo na maging mapagmatyag at bukas ang isip sa mga ginagawa ng inyong mga itinuturing na ikalawang ina upang hindi kayo maloko. Kung sakali mang may mangyari sa inyong ganitong sitwasyon, huwag matakot at umaksyon. Kung mayroon silang kapit, humingi ng tulong sa iba, gaya ng pagsumbong sa BITAG o anumang organisasyon.


Sunday, December 03, 2006

Message from the DBC Chairperson

The Department of Broadcast Communication is striving very hard and trying its very best to contribute significantly for the success of COC Level III Accreditation.

I would like to thank all the committed and dedicated faculty members, as well as the very dynamic and energetic BBrC students, who are my source of strength and inspiration…

With God on our side, nothing is impossible!

DBC and BBrC,

GO FOR LEVEL III!!


Chairperson Edna T. Bernabe

LOOKING FOR THE ONAKULEOM SITE?
IT'S HERE: www.ONAKULEOM.tk