Opo, dalawang good news ang pasok sa ating blog dahil dalawa sa ating katoto ang pasok na sa mundo ng media. Opo, hindi basta OJT, as in pasok sa banga na. At mukhang ang dalawang taong ito ay may maipagpapasalamat nang malaki sa ating dear Mart. Tila ba naging Fairy Godmother, este Godfather, itong si Mart, dahil in unexpected ways, sya ang isa sa naging daan ng pagkakapasok nila.
Unahin natin itong si Erica "Eca" Ngui, ang mahusay na writer ng klase. Actually, isa ako sa mga unang naniwala sa kakayahan nitong taong 'to, na halos naka-away ko pa ang buong klase para lang ipaglaban ang talento nya sa pagsulat. At ang bunga? Best Original Story, at Second Best Play ang isinulat niyang ONAKULEOM (kasama ni Mart) sa naging Drama Festival 2007.
Nito lamang Huwebes ay nagpunta sya ng COC upang magpasa ng requirements kay Sir Danny Deopante nang makasalubong si Maam Mila dela Costa. May mga kuneksyon kasi si Maam Mila sa ABS-CBN, kaya pabiro nyang pinaalala dito kung maipapasok na raw ba sya nitong trainee sa Star Cinema (matagal na nyang pangarap makapagsulat sa Star). At ang naging sagot ni Maam Mila ay taliwas sa kanyang inaasahan: ano daw sa tingin niya kung ipasok daw siyang writer-brainstormer sa ABS-CBN? Hayun na nga, at ini-reto sya sa isang Wally Ching (tama ba spelling ko? haha) na creative manager ng isang upcoming ABS-CBN TV series, kung saan may isang vacant slot sa pool of writers/brainstormers. Tinanong na rin kasi beforehand ni Maam Mila si Mart kung sino sa tingin nya ang magaling magsulat sa klase, at ang binigay nyang pangalan ay si Eca at Jerome, pero dahil babae ang hinahanap, si Eca ang last choice. Ngayong araw nga ay nagsimula na si Eca.
Si Mearah "Mimi" Gonzales ay kilala sa klase at maging sa buong kolehiyo bilang isa sa pinaka-outspoken na estudyante ng MassComm. Madaldal, malakas magpatawa at mang-alaska, walang sinasanto kahit prof, at sadya ring talentado sa maraming bagay gaya ng pag-arte (with tears 'yan), pagsayaw (nag-showdown na sila ni Boots before), at pagkanta (impersonating Sharon, atbp).
Sa isang text message mula kay Jerome kumalat sa klase ang magandang balita ng pagkakapasok ni Mimi sa i-FM 93.9, ang maka-masang FM station ng RMN, kung saan nag-OJT rin sya sa AM arm nitong DZXL. Pero ang pagkakapunta niya sa i-FM ay dahil naman kay Mart, na nag-alok sa kanyang mag-audition dahil may opening sila para sa DJ. Kasama si Darmo, nagtungo siya ngayong hapon para mag-audition (basahin ang buong kwento sa blog nya), at pag-uwi nya, kinontak sya at nalaman na nyang susubukan sya sa ere ng isang buwan (4am-8am everyday).
Naku, dalawa pa lang yan. Aabangan natin kung sino sa klase ang susunod. Huwag niyo kaming bibiguin klasmeyts! Soar high! :)