Sunday, February 01, 2009

one step closer to graduation

---------THESIS---------
Yes mga kapatid, dahil sa pagtatapos ng defense period, mas malapit na tayo sa pinaka-aasam na graduation ng lahat. Sa miting kay Sir Don sa huling araw ng defense ng klase (January 28), pina-alala nya na bagamat tapos na ang defense, gawin na natin agad ang mga recommendations na pinapadagdag ng panel sa kanya-kanyang mga thesis dahil baka mawala ang momentum pag nagpahinga. Dagdag pa nya, huwag basta-basta gawin ang mga changes nang hindi ikinokonsulta sa kanya bilang adviser, lalo na kapag halimbawang contradicting ang suggestion ng dalawa sa inyong panelists. Heto at ia-outline ko na ang huling steps para sa thesis natin:
  1. Pagkatapos maidagdag ang mga recommendations ng panel (nang may approval ng adviser), isa-isang ipakita sa panel ang manuscript, lalong-lalo na ang mga specific changes na sinabi nila. Kailangang dala rin sa pagpapacheck sa panel ang manuscript na may notes nila upang mapatunayan na nasunod ang changes na sinabi nila, o kung hindi man, maipaliwanag kung bakit hindi nasunod. Dapat may dalang limang approval sheet (o higit pa) para papirmahan dahil isa itong dokumento kaya kailangang authentic ang mga pirma kapag ipina-bookbind. Unahin ang mga miyembro ng panel bago ang chair.
  2. Ilalagay ng adviser ang grade sa mga approval sheet. Tandaan: ang grade na nakalagay sa manuscript ay ang grade ng defense, hindi ito ang grade na nasa class card dahil ang nasa class card ay may kasama pang ibang grade, gaya ng peer evaluation.
  3. Maaari na ngayong ipa-edit ang buong manuscript pagkatapos ma-approve ng panel at mapirmahan ng adviser (o maaari ring ipa-edit muna bago ipa-check sa panel).
  4. Ipa-bookbind na ang bagong manuscript na may limang kopya: isa sa adviser, isa sa National Library, isa sa kolehiyo, isa sa PUP main library at isa para sa grupo. Iba ang kaso kapag institutional research dahil lima ang panel nito, at iba rin ang kaso kung ayaw magpakopya ng grupo o gusto ng grupo ng kopya bawat isa. Dapat ay kumpleto na ang laman ng ipapa-bookbind mula acknowledgements, appendices, curriculum vitae, etc. kabilang ang original na pirmadong approval sheet. Kulay maroon ang kulay ng cover ng manuscript para sa Broadcast Communciation students.
  5. Agad ipadala ang mga kopya sa dapat padalhan.
  6. Kailangan ring magsubmit ang klase ng documentation ng defense at compilation ng abstract ng lahat ng thesis ng klase. Ito ay nakalagay sa clearbook, kung saan una ang abstract ng unang grupo tapos ang pictures nila sa sunod na page, and so on.
  7. Kapag naisumite na ang thesis, pipirmahan na ng adviser ang pink card for graduation.
TANDAAN: Isa-submit ang grades sa registrar bago mag-March 14 kaya kailangang i-submit ang thesis sa unang linggo ng Marso.

Pagkatapos banggitin ni Sir Don ang prosesong ito, nagbigay sya ng clue sa mga grade ng mga thesis ng klase:
  • tatlong grupo ang unanimous 1.0
  • dalawang grupo ang 1.25
  • dalawang grupo ang 1.5
  • isang grupo ang 1.75
  • isang grupo ang wala pang grade

---------CLASS ACHIEVEMENTS---------

Ipinaalala rin ni Sir Don na mamimili rin si Sir Don ng isasali sa Best Quantitative Research at Best Qualitative Research. Sinabi rin niya na hindi porke't unanimous uno ay isasali na, dahil may criteria rin na "impact". Kapag magpapa-pirma na ng manuscript ang grupo kay Sir Don, doon niya sasabihin kung isasali niya ang grupo sa contest.

Samantala, binanggit rin ni Sir Don ang tungkol sa search for the Most Outstanding Graduating Class (MOGC) at Most Active Graduating Class (MAGC). Para sa MOGC, point system ang labanan, kung saan, binibilang ang mga accomplishments ng klase, gaya ng mga sumusunod:
  • college seminar/activity (0.5 point)
  • university-wide seminar/activity (1 point)
  • national seminar/activity (5 points)
  • international seminar/activity (10 points)
  • number of scholars
  • number of dean's lister, president's lister
  • membership to organizations
  • creative works
  • cumulative score ng grades ng lahat ng thesis ng klase
Para naman sa MAGC, pinagbobotohan ito ng lahat ng faculty. Kaya naman klasmeyts, manliligaw na kayo ng faculty, hahaha!

Maliban dito, mayroon ding hinahanap na Most Outstanding Graduating Student (MOGS). At nag-sigawan ang lahat para kay Mart! hahaha

Samantala, nananawagan si Mart sa lahat na magpasa na rin ng photocopy ng achievements na nakalagay sa long brown envelope (na una ko nang ginawa, hehe).


---------PRACTICUM---------
Gaya ng naunang nasabi sa blog na ito, OK kay Sir Don ang 150 Radio : 150 TV at ang 100 Radio : 100 TV : 100 other media na distribution of hours sa practicum. Para sa practicum, kailangang maipasa ang mga necessary documents sa March 10. Tig-iisang long plain folder dapat bawat media (TV/Radio/etc) at ilalagay ang mga ito sa isang black expandable envelope. Ang mga laman ng bawat folder ay:
  • evaluation in "sealed" white envelope (may pirma ng supervisor sa seal)
  • photocopy of internship certification
  • KBP ID (kung meron)
  • OJT ID
  • daily time record (time card or photocopied logbook)
  • journal (online journal to be printed)
  • communications (endorsement letters)
  • curriculum vitae/resumé
  • pictures during work (intern must be shown, not just the establishment)
  • creative outputs (i.e. script, recordings, etc.); if not applicable, pictures are ok

---------GRADUATION BALL---------
Magsu-survey ang COC Alumni Association sa mga graduating students kung gusto nilang mag-GradBall. Tatlong taon na raw kasi nang huling mag-GradBall ang kolehiyo. Kapag lumabas sa survey na oo, maghahanap ng hotel para sa event. Ang tantya ni Sir Don ay mga P1200 dahil ganoon ang nagastos noong nakaraang GradBall habang P700 sa nauna pa doon. Dito na rin magbobotohan para sa mga magiging officers ng bagong batch ng Alumni Association.
LOOKING FOR THE ONAKULEOM SITE?
IT'S HERE: www.ONAKULEOM.tk