*Jheng, or Diessa Liane Asidao, is a BBrC159 Certified Member and is also part of the COC Cheering Squad.
Sunday, April 20, 2008
Thursday, April 17, 2008
Maskom Lyf
Bday ngaun ni Ronald, at nais kong ishare sa inyo ang tinext nya ngaung araw na nakakatuwa naman.. hehe
studio tours..
several huge buks..
brain-whacking
terms..
millions of theories..
struggling thesis and
research..
lyf long productions..
rushing l8 nyt wrk..
ugly eyebags..
orgnzing evnts..
toxic lyfstyles..
constant lack of
sleep..
nose bleed final
exams..
heart stopping
results..
die hard friendships..
..dey col it
“MASKOM”
..i col it “LIFE”
Thursday, April 03, 2008
summer na, fourth year na
Yes, tapos na nga ang third year life natin, at next school year, officially fourth year na tayo. Lahat ng nakakausap ko, hindi makapaniwala na fourth year na tayo. Ambilis nga naman hindi ba, parang kahapon lang first year pa tayo... May nagmature ba saten? Haha, parang wala, mejo lang... hehe. Anjan pa rin ang kulitan, tawanan, asaran, ingay, away at marami pang emosyong kaakibat na ng pagiging RC3-1, na ngayon ay magiging RC4-1 na...
Ang huling pagsubok nga natin para sa taong ito ay ang thesis, na tinuldukan na nga nitong April 1 at 2. Nakakakaba sa umpisa, ngunit ayon naman sa karamihan, hindi ka na kakabahan sa mismong mock defense dahil puro recommendation naman ang ibibigay nila. Maraming naka-uno at 1.5, at ang pinakamababang nabigay ay dos. May mga nag-iba ng anggulo, may naretain, at may mag-iiba ng topic. Gayunpaman, tapos na ang lahat, at makakapagpahinga na rin.
Habang nagbabrowse ako ng friendster, nakita ko itong mga bulletin post ng ating mga kabrad:

| From: | |
| Date: | Tuesday, 1 April, 2008 4:46 PM |
| Subject: | paalam muna mga problema! |
| Message: | hay salamat ! tapos na lahat ng problema sa school! tapos na anmg kinakatakutan na thesis defence! next next sem na uli! gosh! 4th year na ako sa pasukan! |
| From: | |
| Date: | Wednesday, 2 April, 2008 9:06 PM |
| Subject: | awts uno sa mock dfence.. |
| Message: | 22o ba ito?.. hehehe... nung isang linggo lang eh endangered ang grupo namen eh.. mali mli kc un gnawa namen pero un mga inputs tama naman, nagkamali lang ng pinaglagyan.. hmm.. salamat na din sa prof namen at nalaman namen un tamang gagawin kya naman ok na un pagkonstruct ng paragraph ng thesis namen, at pinag diinan nya na mgbasa kme ng manual.. kya un.. hehehe.. salamat din at speed dating un napili ni sir at salamat sa nakaisip.. sana eh magawa naten ng maaus ung mga recommendation ng panel para makasali tau sa finalist ng best qualitative reseach next year!!! hahaha... aun.. congrats sa mga kagrupo ko.. geh.. |
| From: | |
| Date: | Wednesday, 2 April, 2008 9:10 PM |
| Subject: | insensitive.. |
| Message: | awts.. d namen agad naisip na may nasaktan pla sa ginawa nameng pag arkila ng.. hmm.. anu nga ba un??.. hmm... ayun!!.. power point presentation.. kc naman sbi nya pwd daw mgdala.. cguro nga naging insensitive kame, pero mahirap na kc buhay ngayon kaya dun na kme sa mas mura, tsaka kaibigan dn kc namen un nag alok eh.. aun,.. cguro nga naging insensitive kame.. hayyzz.. awts.. geh.. |
Etong pangatlong post na galing kay gary eh mukhang konektado sa text message kahapon ni Vernon na nagsasabing maging sensitive tayo sa mga sasabihin natin. Hmm... Ayoko na muna mangialam dito tutal buong 3-1 naman ang inadres ni Ver... Nako ha, hindi ako mxado makarelate nung una sa text message kasi naman buong klase and inadres, pero may konting clue galing dito kay Gary... Tama kaya sya? Abangan ang susunod na kabanata...
Anyway, bukas may mga papasok pa sa skul dahil magbibigay ng evaluation sheet ng grupo nila para sa thesis... At, good luck nga pala sa mga kabrad nating magsa-summer class ngayong bakasyon, sina Eca, Ronald, Heidi, atbp. na hindi ko alam...
Nga pala, nagspark ako ng 'sumkinda away' nitong nakaraan lang dahil sa pagpost ko ng reply ni daren kay DAMAGED sa friendster account ng klase.. Tignan nyo na lang.. Haha ang kulit ko daw kase bat ko pa pinost sa friendster ni DAMAGED yung reply ni daren, ayun tuloy pumutok ang butsi.. hehe Kakatawa naman yung mga naging reply nung iba nating klasmeyt... At, nga pala! Tignan nyo rin yung lumang comment bago yung kina Daren at DAMAGED, dahil may isang nagngangalang ZACK na nagcomment at nagpahiwatig ng pagnanasa nya sa kabaro nating si Edryan.. Haha basahin nyo kakatawa... At nung kinwento ko nga pala yun sa ilan sa ating mga kaklase, ayon kay Mart ay isa daw sa klase natin ang gumawa nun.. Hmm.. Tama kaya sya? Nako pag tinignan nyo ung friendster nung zack na yun eh tayo lang at si Kuya Jae ang friend nya. Eh sinu-sino lang ba sa ten ang close kay Kuya Jaerold na ngayon ay graduate na? Hmm... Somekinda clues...
Heto rin palang si Jheng eh kasama sa A Big Show ni Ogie Alcasid na ipapalabas sa GMA-7, nag-taping sya kahapon.. ayun... hehe
Yun lang, at happy vacation sa lahat!
Saturday, March 08, 2008
PUP College of Communication awarded LEVEL III Accreditation Status
After almost two years of hard work and preparation, the PUP College of Communication has finally reached the top as it bagged the AACCUP Level III Accreditation Status yesterday, March 7. The Accrediting Agency of Chartered Colleges and Universities in the Philippines (AACCUP) team of accreditors headed by Dr. Manuel Corpus gave the college one of the highest credit ratings in the history of the accrediting institution. Of the 77 programs accredited in PUP, COC is said to be one of the highest. Most importantly, the college has added another title besides Certified Outstanding College; it is now "The First Communication School in the Philippines to reach Level II Accreditation Status". Level III is described as a national level of accreditation, whereas Levels I and II are of college and university levels.
During yesterday's presentation which was the second phase of the Level III accreditation, the accreditors and even university officials, college deans, faculty, and guests were overwhelmed with the wonderful AVP of the college's history. And as the AVP on the college's remarkable achievements was shown, the college's faculty members were seen bursting into tears while watching. Truly, the college deserves to reach such recognition today.

Long Live COC!! The First Communication School in the Philippines to Reach Level III Accreditation Status!
Saturday, February 23, 2008
Sikreto ng COC
Mayroong nalamang sikreto ang klase tungkol sa COC. Well, mali kayo sa iniisip nyo. Hindi ito tungkol sa pagkakatanggal ni Prof. Harold Palad sa kolehiyo noong isang linggo dahil sa isyung sexual harassment. At lalong di rin ito tungkol sa kung sinu-sino ang may latest isyu sa klase. Ito ay tungkol sa sinasabi ng ating bagong propesor sa RTVF Production na si Maam Ruby Gapasin. Noon daw kasing tinanong sila ng mga taga-DOKYU ng ABC-5 kung ano daw ba ang sikreto ng PUP at magagaling. Alam nyo ba kung ano ang walang dalawang-isip at agad na isinagot ni Maam Ruby? "Pinababayaan namen," sagot nya. Hahaha! At ang sinagot ng mga ito ay, "Kaya pala, kasi pinababayaan din namin yung mga staff namin dito." Kung titingnan mo, ang ibig sabihin rito ay malaya kasi tayong mga PUPian pagdating sa mga ganitong bagay dahil na rin sa state university tayo. Ang ibang estudyante sa ibang unibersidad, hindi nabibigyan ng ganitong oportunidad dahil pinagbabawalan ng administrasyon nila. Imagine, bago ka makapagshoot o kaya ay makita sa TV o sumali sa ganitong uri ng contest eh kailangan pa ng sandamakmak na papeles na aasikasuhin sa skwela. Kaya hayun, naba-block ang creativity nila.
Anyway, due to persistent demand, meron tayong mga bagong blind items, na sure na sure akong alam nyo na... pero di alam ng iba. hehe..
Anyway, due to persistent demand, meron tayong mga bagong blind items, na sure na sure akong alam nyo na... pero di alam ng iba. hehe..
- Sino itong lalaking ito na nag-flylaloo na rin with colors sa engrandeng paglabas nya? At ang bali-balita, isang first year ang kanyang kadaupang-palad ngayon?
- Sino naman itong sinasabing 'mas lumanding' baklita dahil sa napaka-halatang pagka-crush nya umano sa talent nila sa short film? At, denial stage pa ito.
- Merong kumakalat ngayong isang tsismis na isang lalaki mula sa RC3-3 na may sex video umano sa Yahoo groups.
- At, sino itong bagong loveteam sa klase na tinatalo ang mga alaga kong sina Hazel at Bibat? At kung i-congratulate ng lahat ay sa lalaki lang at hindi sa babae? Ano ba yan, harsh... hehe
- Hulaan nyo kung sino ang dalawang lalaking ito na magkasunod na linggong umabsent dahil sa mga sakit nilang: Pigsa at LBM!!! hehe
Category / ies:
Blind Item,
Jokes,
News
Tuesday, January 22, 2008
Papuri at Produksyon
Nakatutuwang nabibigyan ng papuri ng mga propesor ang ating klase. Bagamat sinasabi nilang napaka-ingay natin, at ayon naman kay Sir Don noong first year ay may grupo-grupo na hindi maganda, marami ring nagsasabi na tayo ay matatalino, magagaling, gwapo't maganda. Siguro dala na rin ng pangalang dala-dala natin bilang first section.
E bakit ko nga ba sinabi yun? Hindi naman nagmamayabang, pero sinabi kasi ni Maam Jeanie (The Wise One para sakin) kanina na isa sa mga klaseng gusto nyang pasukan ang RC3-1. Pero teka, mukhang nagdalawang-isip sya sa naging takbo ng diskusyon namin kanina tungkol sa analysis ng poem na "Barbie Dolls". Ito ay tungkol sa feminism, at nang magbigay na ng reaksyon ang bawat isa, nakatawag-pansin ang kay Johara dahil sya ay umiyak. Ibinahagi nya ang mga dahilan kung bakit ganun na lang sya ka-conscious sa hitsura/pananamit nya. Hindi ko alam kung bakit pero habang kinukwento nya yun, napaluha ako. Siguro dahil nakiki-simpatya ako o dahil may isang bahagi sakin na kagaya nya.
Samantala, may mga pangalan na ang dalawang subsidiary ng BBrC159 Productions:
GROUP 1: SHUTTER Productions
GROUP 2: Quartrélāk Productions
Abangan na lamang natin ang mga outputs ng dalawang grupo. As of the moment, ang shoot ng SHUTTER ay sa February 2, 3, 5 at 6 samantalang February 8, 9, 10 at 11 naman sa Quartrélāk.

Tuesday, January 15, 2008
Edryan Scandal
Hehe... Pasikatin natin ng konti etong si kosang Edryan... [video by Tini]
Description: Praktis ni Ed sa DBC para sa Midterm sa Rizal.
Description: Praktis ni Ed sa DBC para sa Midterm sa Rizal.
Tuesday, January 08, 2008
new sa year
Sa unang araw ng pasukan sa bagong taon, marami-rami ring pagbabago ang sumalubong sa klase. Nariyan ang new looks, new assignments, new payments, at iba pang changes sa overall well-being ng bawat isa.
Kapansin-pansin ang bagong bangs sa buhok ni Archibald na ayon sa iba ay bagay sa kanya. Nagpa-cute lalo kay "Shem-Shem" Joralynn ang kanyang shorter at more stylish na hair. Kanina nga ay naka-headband pa sya at nakuntyawan sa oras ni Maam Jeanie dahil sa habitual na paghawi niya sa kanyang bangs pag nagbabasa. Pumuti rin at nagpakulay ng buhok si Heidi, samantalang si Arlene ay pumasok kaninang umaga na nakatirintas ang buong buhok ala "Alicia Keys" ika nga ni Ronald. Si Tracy ay may newfound fashion statement via "the necktie". Kung kahapon ay para syang si Andie Go ng Coffee Prince, kanina naman ay nagmistula syang si Avril Lavigne. Isang bagong Korean star din ang nabuhay dahil sa di inaasahang gupit na nakuha ni Patri Fe mula sa isang salon. Ayon sa kanya, hindi iyon ang dapat na gupit nya ngunit dahil sa pag-uusisa ng ina niya na gayahin ang gupit na nasa poster na nakadisplay sa salon, hayun at mas lalong lumitaw ang hitsura nyang parang Koreana.
Mukha namang mas bumuti na si Boots matapos ng cremation ng kanyang ama. Sa huling post nya sa kanyang mutliply blog, sinabi nyang may basbas na sya mula sa mga kamag-anak na pumunta sa Japan at mukhang ipu-pursue nya ang pagiging translator dun. Go Boots! You can do it! Say "Yosh!" hehe
Samantala, kung ang iba ay buong Xmas vacation nagpahinga, ang ilan ay umaalis pa rin upang asikasuhin ang requirement natin sa kay Sir Palad, at nito ngang Biyernes ay nag-miting na ang piling mga miyembro ng 2 grupo upang ito'y pag-usapan. Kahapon, inanunsyo na rin ng 2 grupo ang balak na singil na aabot sa P3,000-4,000 na makakabuo ng about P75,000-100,000 sa budget na paglalaaanan ang set design, original scoring, editing, recording ng OST, kuryente, honorariums/compensation, equipment, atbp. Kanina ay pinanood rin ang naging experimental shoot ng 2 grupo last year, at ang konklusyon ay parehong may mga mali, gayong hindi naman ganun kapanget, ngunit hindi ito inirerekomendang i-edit pa dahil sa mga butas.
Pero meron ding hindi bago, gaya ng tuluy-tuloy na konsultasyon para sa thesis kung saan may ilan pang hindi pa rin naaapprove ang mga topic. Kung hindi ako nagkakamali ay wala pang nakakatapos sa Chapter 1.

Thursday, December 27, 2007
CONDOLENCE to the SERMENO Family
The whole section sympathizes with the
death of Boots' father. May he rest in
peace. Be strong Boots! We're behind you.
12/27/07 12:05 pm
From: BOOTS GLOBE
Guyz,at last unli n q.
mrrplyan q n lht ng
nangumusta... Papa
passd away ds
morning. Naoperahan
xa khpon n ntnggal n
ung bala kya umuwi
aq khpon thnkng n ok
n. bt ds morning
bumigay n.
~chie,renz,mimi,lm,
ate
heyz,tinie,Eka,cha2
thnx s mga
pngu2musta ah..
~meanni jst red ur
cmnt ystrdy. Tnx
ah,ILUSM..Dnt wori
ne!S feb gthrng, ok n
q. ~yubiIMUSM,tnX 4
ol d ncouragemnt. Kt
gave me a grup hug.
¤wr stil fxn thngs 4 d
funeral. I'l b fine
ne..txt u guys pg aus
n lht. our fone lyns r
bc so jst txt me
ok..guys,evn my lj
frndz abroad. Thnx 4
ol d pryrs! God bless.

Wednesday, December 12, 2007
Steve Dailisan = Jumar Mendoza, Tipid = Gastos, Thesis = Tiis
Noong huling preparation ng accreditation, may isang grupo na naka-assign sa mga alumni ng COC. Si Jora ang nag-search kay Steve Dailisan, ang cum laude last last year at reporter na ngayon sa GMA. Ang isa sa mga lumabas sa search engine ay ang blog entry ni Kuya Jumar, ang dating Editor in Chief namin ni Jerome at Edryan sa Dakom. Na-curious syang basahin ito dahil ang nakalagay sa preview sa search engine ay ganito:
Samantala, unti-unti nang nabubuo ang preparasyon ng dalawang grupo para sa taping exercise sa Biyernes mula alas-6 hanggang alas-9 ng gabi sa carpark ng COC. Ang grupo ni Erica, walang ginastos, pero nag-ambagan pa rin ng tig-150 dahil plano pa rin nilang bumili. Pero ngayong Biyernes, mga hiram na equipment kay Fresh muna ang gagamitin. Sa grupo naman namin ni Joy, nag-ambagan ng tig-P200, pero ang nangyari, anlaki ng natipid kaya may maibibigay pa kaming konti sa mga talent. Heto ang naaalala ko sa mga nabili sa Raon (ung Japanese lantern, sa Ongpin binili):
JM: Meron po kayong Japanese lantern na pute?
Tindera: Walang Japanese dito, Chinese to. Chinatown to!
JM: Ang sabi po kasi samin dun sa tapat un daw po ang tawag. Eh puting Chinese lantern po?
Tindera: Hindi, hindi, wala kaming puti pula lang! Pang-patay ang puti!
JM: Ay sige po salamat.
E di ayun na nga at nakakatakot na si ale, at nang bumalik ako kina Mearah, Bez, Jora at Thea, nalaman kong galing na pala dun sina Jora at Thea kaya siguro nagalit dahil yun uli ang tanong.
Sa thesis naman, kahapon ay walang mga naaprubahan sa karamihan, liban sa grupo nina Liezl na ang na-approve na topic ay tungkol sa mga police negotiators sa hostage drama. Kaya heto, muli na namang magbe-brainstorm for the third time ang karamihan.
- the broadcaster, Steve Dailisan is regularly heard reporting for GMA news and ... so when we graduated, dailisan was with flying colors and i colorless. ...jumar.blogdrive.com - 48k - Cached
Samantala, unti-unti nang nabubuo ang preparasyon ng dalawang grupo para sa taping exercise sa Biyernes mula alas-6 hanggang alas-9 ng gabi sa carpark ng COC. Ang grupo ni Erica, walang ginastos, pero nag-ambagan pa rin ng tig-150 dahil plano pa rin nilang bumili. Pero ngayong Biyernes, mga hiram na equipment kay Fresh muna ang gagamitin. Sa grupo naman namin ni Joy, nag-ambagan ng tig-P200, pero ang nangyari, anlaki ng natipid kaya may maibibigay pa kaming konti sa mga talent. Heto ang naaalala ko sa mga nabili sa Raon (ung Japanese lantern, sa Ongpin binili):
- 3 Floodlight/Halogen na tig-500 watts -- P540 (P180 each)
- 30 meters ng electric cord para sa floodlight (tig-10m bwat isa) -- P600 (P20/meter)
- 3 switch para sa mga floodlight -- P60 (P20 each)
- 1 meter ng black rubber na ginamit pangkonek ng cord sa floodlight -- P20 ata
- labor ng setup ng floodlights -- P50
- 1 Sony miniDV tape -- P150
- 16" Japanese lantern na puti para sa softbox-- P250
JM: Meron po kayong Japanese lantern na pute?
Tindera: Walang Japanese dito, Chinese to. Chinatown to!
JM: Ang sabi po kasi samin dun sa tapat un daw po ang tawag. Eh puting Chinese lantern po?
Tindera: Hindi, hindi, wala kaming puti pula lang! Pang-patay ang puti!
JM: Ay sige po salamat.
E di ayun na nga at nakakatakot na si ale, at nang bumalik ako kina Mearah, Bez, Jora at Thea, nalaman kong galing na pala dun sina Jora at Thea kaya siguro nagalit dahil yun uli ang tanong.
Sa thesis naman, kahapon ay walang mga naaprubahan sa karamihan, liban sa grupo nina Liezl na ang na-approve na topic ay tungkol sa mga police negotiators sa hostage drama. Kaya heto, muli na namang magbe-brainstorm for the third time ang karamihan.
Category / ies:
Commentary,
Exclusive,
Feature,
News
Subscribe to:
Posts (Atom)
IT'S HERE: www.ONAKULEOM.tk