Tuesday, October 10, 2006

BBrC 2-1D, "Karir Kung Karir"!

Tinaguriang "Karir Kung Karir" ng ilang estudyante ang BBrC 2-1D sa nakaraang Music Video Festival: Kalikasan Awards Night nitong Lunes, October 9, 2006. Sino ba naman ang hindi mapapasabi ng ganoon eh ang kanilang production number ay hitik na hitik. Nariyan ang bamboo music at handmime sa umpisa na nagsabing: "PUP COC Presents Magandang Bukas", na sinundan ng pag-awit nina Heidi Cabalo at Heleena Claire Pasumbal na siyang mga umawit ng kantang Magandang Bukas. Pagkatapos ay sinundan ito ng mga body statue na sinabayan ng mismong kanta sa CD. Maya-maya ay dumating na ang mga dancers para sa interpretative dance. At sa kanilang grand finale ay binuhat ang isang dancer na may mga telang nakapalibot sa kanya na winawagayway kasunod ng paglabas ng isang mala-Inang Kalikasan. Para sa buong detalye, narito at inyong panoorin:

No comments:

LOOKING FOR THE ONAKULEOM SITE?
IT'S HERE: www.ONAKULEOM.tk