Wednesday, July 25, 2007

Di parin pala tapos ang bitterness...


Bago ang lahat, congratulations sa atin dahil muli na naman tayong "humamig (mula sa dictionary ni Ronald)" ng awards kahapon sa SIKAT AWARDS 2007. Narito ang listahan:

[Broadcast Announcing Festival]

Archie Lenchico - Best Human Interest
Reporter, TV News Category

Christian Bibat - Best Voice Over for VJ
Category

Erica Ngui - Best Video Jock

[Kalikasan Awards]

Best Poster - RC 3-1D

Best Booth - RC 3-1D

3rd Best Music Video of the Year -
Magandang Bukas

Para sa 'kin patas lang ang nakuha nating mga awards lalo na sa music video dahil aminado naman ako na hindi superb ang videography at equipment natin. Di ba nga, may nauna tayong concept na iba sa final video natin? Which means to say, bawas na 'yung effort at perang inukol natin para sa final concept. Pero at least, content-wise, quality naman ang video natin especially the message it wants to convey to the audience. Ang isang ikinahihinayang ko ay hindi natin nakuha ang Best Production Number. Para sa akin kasi, dun natin binuhos ang lahat ng effort natin. Sabi ko pa nga sa mga nag-perform dati, since talo naman tayo as Music Video of the Year (fearless forecast ko), dito nalang natin ibuhos ang lahat sa production number... Worth the effort naman dahil kita sa audience na namangha sila nung gabing 'yun. Sabi pa nga ng hosts na sina Minggay at Erysh, "career" kung career talaga tayo.

Anyway, nag-bukas ako ng friendster at nakita ko ang bulletin post ng kaibigan ko sa 3-2 na si Carmela. Kagulat ang post nya:

From:
Date: Wednesday, 25 July, 2007 8:00 AM
Subject: BEST IN VIDEOGRAPHY!!!!!!!!! BBrC 3-2D!
Message: GuyZ ConGratz!!!!!!!!!!!!

best in videography tau!!!!!!

at alam natin.. kung ano ang dpat sa
atin pa tlga!!!!! kea wag na po kaung
malungkot.. =C

pagkakamali lng nila... inilihim nila
sa atin! dahil.. lam nilang
ipaglalaban natin ang karapatan natin!

pki spell nga po ang "ORIGINAL"?

sinabi bang kailangan gawa ng klase?!
kea pla tumahimik ang mga magagaling
na tae... este... tao pla..???

tao nga ba???
wahahahah!

ok.. lmg tlga sakin eh..
pero para makita ang mga kagrupo ko
na..

naghirap sa paggawa ng MUSIC VIDEO na
umiiyak at nalulungkot.. wow...

eh.. sana sinabi na lng na.. kailangan
ORIGINAL ang Lyrics!

na pwede pla.. gumamit ng Music na
araw2 maririnig mo sa radyo.. kahit
walang pahintulot?! huwaaat!

sus... pwede pla gumamit ng mga mini
clips na my permiso nga.. so ano
pinagkaiba nung sa amin?!!

tae... di kasi ako makapg blog!

Bsta GUYS!!!!!!!!! we know.. what WE
REALLY!!! deserve!!!!

babawi rtayo! and for sure.. KABOG
kau!!!!!!!!!

Sa bagay, ganyan din tayo minsan eh.. Although different issue yung sa kanila, at pinagtanggol ko sila sa previous posts dito. Naku, ayoko nang magdagdag ng comment dahil baka simulan pa ng away sa mga colleagues natin. Widely-read pa man din tong website naten, joke!

Basta kailangan nating magsikap para sa darating na Drama Festival. Sa totoo lang, napag-iiwanan na tayo ha... Wala tayong nakuha sa Human Exhibit, tapos humahakot ng awards ang ibang section gaya ng 3-2 at 3-3. Sana talaga magkaisa tayong lahat at magtulung-tulungan... OK? Aja!

No comments:

LOOKING FOR THE ONAKULEOM SITE?
IT'S HERE: www.ONAKULEOM.tk