Tuesday, August 07, 2007

Celebrity Duets (Philippine Version)

Napakaraming interesanteng kuwento talaga ang di ko nailalagay dito, kung bakit ba kasi nauso ang salitang busy-busyhan. Hindi ko na nga nailagay dito ang buong kwento sa likod ng pagsali ni Maam Pebre sa Deal or No Deal eh, pano kasi tong si Arlene di pa rin binibigay yung pic na kuha ko kay Maam. Yun pang hidwaan nung nakaraan sa pagitan ni Ronald at yung first year na bakla. Actually sa Intra/Inter pa lang eh madami nang kwento sa dami ba naman ng activities doon. Idagdag mo pa ang mga kabaliwang naiisip ng mga kaklase natin (pati ata ako, hehe) para lang huwag magklase sa PolGov, at ang mahabang linya ng mga natutulog sa World Lit. At heto pa, ang walang pakundangang paninirang-puri ni Sta. Maria sa mga kaklase natin gaya ni Jozwealth pati na ang suking si Johara. Maalala ko pa yung sermon ni Maam Malaya dahil konti ang nagpasa ng script (kasama ako, misinterpretation/misinformation kasi eh..). At siyempre, ang kritikal na Shakespeare play na buti na lang ay na-move sa Huwebes imbes na kahapon.

Samantala, kahapon ay nag-announce si Heleena at nag-alok na sumama sa taping ng Celebrity Duets sa studio 3 ng GMA-7. Siyempre react ang lahat, pero in the end, may mga hindi pa rin sumama (kabilang ako). Ang alam kong mga sumama ay ang grupo ni Jora at ang grupo ni Ronald. Bagama't hindi ko alam ang buong detalye eh nag-aabang na lang ako na may mabuting pusong magbibigay sa kin ng kopya ng mga pix na nakuha nila sa taping (Renz, pinaparinggan kita). Ang show na ayon sa aking research ay hindi masyadong nag-hit sa U.S. ay konsepto ni Simon Cowell ng American Idol. Ito ang ipapalit sa Pinoy Pop Superstar (na usap-usapan ay dahil hindi sumisikat ang winners) at ang maghu-host ay sina Regine at Ogie. Kabilang sa mga celebrities sina Ana Theresa Licaros (Bb. Pilipinas Universe 2007), Tessa Prieto Valdez (fashion icon, socialite at columnist), Tim Yap (TV host, events organizer at entrepreneur), Dr. Manny Calayan (cosmetic surgeon), Jessica Rodriguez (entrepreneur at talent manager), Wyngard Tracy (talent manager), Frederick Peralta (fashion designer), at Dr. Hayden Kho Jr. (Belo Medical Group). Every week ay may makaka-duet silang singer at ang narinig ko kina Jora ay andun sina Kyla, Jaya, at Pilita nung taping. Nakita rin nila doon sina Lucy Torres at Wilma Doesnt na nagte-taping sa kabilang studio ng A Sweet Life. Ang mananalo daw ay makakakuha ng P1M pero ang kalahati ay mapupunta sa charity.

Magsisimula ang Celebrity Duets Philippine Edition sa August 11.

PS: Nagbalik na si Venus at plano na niyang mag-aral ulit. Sa 'kin nya nga pinapaayos yung letter nya eh, at hanggang ngayon di pa narereceive. Sana mabasa mo to..

No comments:

LOOKING FOR THE ONAKULEOM SITE?
IT'S HERE: www.ONAKULEOM.tk