Tuesday, January 08, 2008

new sa year

Sa unang araw ng pasukan sa bagong taon, marami-rami ring pagbabago ang sumalubong sa klase. Nariyan ang new looks, new assignments, new payments, at iba pang changes sa overall well-being ng bawat isa.

Kapansin-pansin ang bagong bangs sa buhok ni Archibald na ayon sa iba ay bagay sa kanya. Nagpa-cute lalo kay "Shem-Shem" Joralynn ang kanyang shorter at more stylish na hair. Kanina nga ay naka-headband pa sya at nakuntyawan sa oras ni Maam Jeanie dahil sa habitual na paghawi niya sa kanyang bangs pag nagbabasa. Pumuti rin at nagpakulay ng buhok si Heidi, samantalang si Arlene ay pumasok kaninang umaga na nakatirintas ang buong buhok ala "Alicia Keys" ika nga ni Ronald. Si Tracy ay may newfound fashion statement via "the necktie". Kung kahapon ay para syang si Andie Go ng Coffee Prince, kanina naman ay nagmistula syang si Avril Lavigne. Isang bagong Korean star din ang nabuhay dahil sa di inaasahang gupit na nakuha ni Patri Fe mula sa isang salon. Ayon sa kanya, hindi iyon ang dapat na gupit nya ngunit dahil sa pag-uusisa ng ina niya na gayahin ang gupit na nasa poster na nakadisplay sa salon, hayun at mas lalong lumitaw ang hitsura nyang parang Koreana.

Mukha namang mas bumuti na si Boots matapos ng cremation ng kanyang ama. Sa huling post nya sa kanyang mutliply blog, sinabi nyang may basbas na sya mula sa mga kamag-anak na pumunta sa Japan at mukhang ipu-pursue nya ang pagiging translator dun. Go Boots! You can do it! Say "Yosh!" hehe

Samantala, kung ang iba ay buong Xmas vacation nagpahinga, ang ilan ay umaalis pa rin upang asikasuhin ang requirement natin sa kay Sir Palad, at nito ngang Biyernes ay nag-miting na ang piling mga miyembro ng 2 grupo upang ito'y pag-usapan. Kahapon, inanunsyo na rin ng 2 grupo ang balak na singil na aabot sa P3,000-4,000 na makakabuo ng about P75,000-100,000 sa budget na paglalaaanan ang set design, original scoring, editing, recording ng OST, kuryente, honorariums/compensation, equipment, atbp. Kanina ay pinanood rin ang naging experimental shoot ng 2 grupo last year, at ang konklusyon ay parehong may mga mali, gayong hindi naman ganun kapanget, ngunit hindi ito inirerekomendang i-edit pa dahil sa mga butas.

Pero meron ding hindi bago, gaya ng tuluy-tuloy na konsultasyon para sa thesis kung saan may ilan pang hindi pa rin naaapprove ang mga topic. Kung hindi ako nagkakamali ay wala pang nakakatapos sa Chapter 1.


No comments:

LOOKING FOR THE ONAKULEOM SITE?
IT'S HERE: www.ONAKULEOM.tk