Tuesday, January 22, 2008

Papuri at Produksyon

Nakatutuwang nabibigyan ng papuri ng mga propesor ang ating klase. Bagamat sinasabi nilang napaka-ingay natin, at ayon naman kay Sir Don noong first year ay may grupo-grupo na hindi maganda, marami ring nagsasabi na tayo ay matatalino, magagaling, gwapo't maganda. Siguro dala na rin ng pangalang dala-dala natin bilang first section.

E bakit ko nga ba sinabi yun? Hindi naman nagmamayabang, pero sinabi kasi ni Maam Jeanie (The Wise One para sakin) kanina na isa sa mga klaseng gusto nyang pasukan ang RC3-1. Pero teka, mukhang nagdalawang-isip sya sa naging takbo ng diskusyon namin kanina tungkol sa analysis ng poem na "Barbie Dolls". Ito ay tungkol sa feminism, at nang magbigay na ng reaksyon ang bawat isa, nakatawag-pansin ang kay Johara dahil sya ay umiyak. Ibinahagi nya ang mga dahilan kung bakit ganun na lang sya ka-conscious sa hitsura/pananamit nya. Hindi ko alam kung bakit pero habang kinukwento nya yun, napaluha ako. Siguro dahil nakiki-simpatya ako o dahil may isang bahagi sakin na kagaya nya.

Samantala, may mga pangalan na ang dalawang subsidiary ng BBrC159 Productions:

GROUP 1: SHUTTER Productions
GROUP 2: Quartrélāk Productions

Abangan na lamang natin ang mga outputs ng dalawang grupo. As of the moment, ang shoot ng SHUTTER ay sa February 2, 3, 5 at 6 samantalang February 8, 9, 10 at 11 naman sa Quartrélāk.


No comments:

LOOKING FOR THE ONAKULEOM SITE?
IT'S HERE: www.ONAKULEOM.tk