*Bago niyo ipagpatuloy ang pagbasa, mangyari po lamang na basahin niyo muna ang nakasaad sa aming website disclaimer upang maiwasan ang anumang problema.
Gaya nga ng nakuwento ko sa horror feature na pinamagatang Si Isabel at Ang COC Accreditation, matagal-tagal kaming magtatrabaho sa DBC office; at kaakibat nito ang pag-ADAPT namin sa mga tawagin na lamang nating "mood swings" ni Chairperson Edna Bernabe. Marahil kung kukwentahin namin, mula isa hanggang tatlong "eksena" ang nagaganap sa DBC office kada araw (huwag na nating isama yung pag nasa klase niya kami kasi masyadong marami), at siyempre si Maam Edna ang bida.
Iba't-ibang "shooting" na ang nakita namin na pinagbidahan ni Maam. Nariyan ang pinagalitan niya ang dalawang estudyanteng magpapapirma para makapag-OU mula sa pagiging irregular. Meron ding yung kinumpronta niya ang isang estudyanteng nagreklamo umano kay Kuya Hans na ayaw daw pirmahan ni Maam yung letter niya (eh kasi naman, andami naming ginagawa dito sa office noh, tapos yung babaeng yun e makikisawsaw pa).
Higit sa lahat, meron ding pagkakataon na napapagalitan din kami ni Maam. Kung minsan, dahil sa mga problema sa ginagawa namin sa accreditation. Kung minsan rin, dahil naman sa sobra namin pag-iingay sa loob ng opisina. "mga anak, pakihinaan niyo naman ang boses niyo.. EH MAS MALAKAS PA KAYO SA 'KIN MAGSALITA! BAKA ISIPIN NG MGA PUMAPASOK DITO EH NAGLILIWALIW LANG KAYO DITO!!" Na-gets mo yung pagkakasulat? Ganun talaga yun, kumbaga sa ringtone, ascending tone ang boses ni Maam. Sa umpisa, medyo malumanay pa pero bigla na lang tataas ito at lahat kami ay matatahimik. Kaya nga ang naging taguri namin sa kanya ay "Darna" dahil sa madalas niyang pagda-"Darna". Pati nga si Maam Maya eh alam rin pala ang tungkol sa term na iyon? Akalain mo?!
Ang iba nga sa amin, pag nararamdaman na na magda-Darna na si Maam ay agad silang mag-ge-graceful exit para di madamay sa kung anuman ang mangyari. Kahit si Maam ay aminado sa kanyang pagsa-salita. Sabi pa nga niya, "Sa sobrang takot, napapa-ihi 'yung estudyante".
Siguro kailangan lang talaga nating intindihin si Maam Edna. Napakarami na niyang iniisip, napakarami niyang nakakasalamuha na tao araw-araw, at napakarami niyang dapat gawin at asikasuhin na tiyak na napaka-"stressful" sa kahit sino mang tao. Isipin natin na minsan, hindi lang dahil may mood swing siya kaya siya galit magsalita, kundi dahil sa talaga namang may mali 'yung pinagsasabihan niya. Kaya sana, kung meron mang masama ang loob kay Maam, ilagay muna natin ang sarili natin sa posisyon niya para mas maintindihan natin kung bakit siya ganoon.