Friday, September 26, 2008

kumpisal, volleyball

Ngayong araw nagtapos ang finals ng men's volleyball sa PUP Intramurals 2008 kung saan ang magkalaban sa championship ay ang COC at CPES. Hindi maikakailang tambak ang COC sa CPES dahilan na rin sa ang sports ay bahagi na talaga ng pang-araw-araw nilang pamumuhay kaya gaya ng sinabi ng mga COCians, "COC manalo matalo ok lang, ang CPES pag natalo nakakahiya".

Nakakalungkot nga lang at kahit ipinrusisyon pa ito ni Captain Arci Cook mula bahay hanggang San Juan pabalik ng Quiapo Church (joke un), sadyang ipinagkaloob na ng Diyos ang 2nd place sa COC team. Kahit papano, ayon nga sa GM ni Arci, hindi man sila ang nag-emerge na pinakamagaling, sila naman ang pinakamasayang team. At naipakita rin nila mula umpisa ng intrams hanggang sa championship na may masasabi rin ang COC pagdating sa sports.

Naging mainit rin syempre ang verbal battle ng mga COCians at CPESians na nagsilbing mga audience ng laban. Pagkatapos ng laban, nagkaroon pa nga ng away sa pagitan ng isang lalaking taga-CB at mga COCians na babae matapos mapikon ang taga-CB sa mga patutsada ng naturang COCians. Mabuti na lamang at nakausap naman ng maayos ni Papa Jack ang lalaki. Subalit ang isa sa naka-away na si Mearah ay di nakuntento at inabangan sa labas ng PUP gym ang lalaki na hindi na nakita. Sa kwento ni Mearah, sumenyas umano ang lalaking ito ng mga bastos na gesture gaya ng aktong nagb-'BJ'.

Samantala, bago ang naturang volleyball game sa PUP gym ay may ilan sa atin ang nanatili muna sa COC upang tapusin ang klase sa Ecology kung saan nakakitaan ng katatawanan sina Liezl (sa paraan ng pagsasalita, na hawig kay Malou Garcia) at Thea (na ang Tagalog umano ng plankton ay seaweed).

At bilang pagtatapos sa entry na ito, kahapon nga ay natuloy ang miting ng Shutter Productions ukol sa mga isyung bumabalot dito, lalo na ang nawalang Php 9000 sa budget, na inamin na ng ating kaklase matapos ibulgar ni Mearah. Bagamat ako ay wala sa naturang miting dahil sa isang forum na aking pinuntahan, ikinwento na lamang sa akin ang ilan sa mga pangyayari na kung saan ay nagkaroon nga ng iyakan at kung anu-ano pa. Magkakaroon pa uli ng miting sa Lunes para naman sa financial statement.

Narito ang isang blog post kanina mula sa Multiply ni Bezaleel tungkol dito:

Nakakatayo-balahibong "KUMPISAL"Sep 26, '08 10:33 PM
for everyone
Well, ayon... The " 9200" nakawan case has been closed.Kilala na ang kumuha ng pera...

Actually, alam ko na kilala ko na yung suspect before pa maisambulat iyon...

PERO, iba pa din ang feeling na manggaling iyon straight from the horses mouth!

nakakakilabot! after umamin, I was in great shock!

Lahat, tumahimik! Lahat, nagulat! Lahat, di mapakali!

Lahat, gusto magpakamatay on the spot!

Siyempre, daloy ang luha, sipon at pawis nung araw na yon!

Matagal bago mag-sink in sa bawat isa ang kumpisal na nangyari..

Pero at least, naging masaya ang pagtatapos ng araw...

nagmeeting sa GS.. kung ano anong sermon ang kinain...

Madami ding flying saucer na kinain, at kuwentuhang nakakatakot na

umabot sa usapang kabastusan at mapabulalas si GARY DAMGO

na umaabot siya minsan ng 10 TIMES A DAY na pagpapasarap!

Alam niya na yun! Grabe nagulat ang mga nakarinig at natawa!

Ako bumanat na hanggang 3 times a day lang ako, pero everyday! hahahahaha!

Siyempre joke yun noh! Nakakapanghina ng tuhod!

Di ko kaya ang ganun! Nakaka-over fatigue yun! hahahaha!

ayun... hanggang dito na lamang...

Nagmamahal,

BEE FABULOUS!


At kahapon naman ay ito ang ipinost ni Mearah sa kanyang Multiply:


paalam sayo "kaibigan"Sep 25, '08 9:49 PM
for everyone

kaibigan nga bang dapat ituring ang isang tulad mong puro lihim? kaibigan nga ba ang nararapat na tawag sa isang tulad mong dahilan kung bakit ako'y umani ng paninira mula sa ibang tao? na halos murahin ako ng mga kaklase natin nang dahil sa napakalaking kasalanang nagawa mo? gumagawa ako ng akdang ito para may tala ako sa kung anung nangyari sa buhay ko at para may balikan sa panahong nakalimutan ko n ang nangyari lalo ka na. hindi ko inasahan na sa lahat ng mga kaibigan ko ikaw ang gagawa nito sakin. mdami kang dinamay na ibang tao at hindi mo man lang naisip na maaari mong masira ang relasyon ng dalawang pamilya? ikaw na kaibigan lamang ng totoong kamag-anak. magpasalamat ka at madaming taong malawak ang pagiisip at may mabubuting puso. magpasalamat ka at may awa pa kong nraramdaman sayo. magpasalamat ka at hanggang sa ganito ko lang pinaparamdam sayo ang poot na nararamdaman ko. galit ako sayo. galit na galit ako sayo. hindi mo alam kung gano kasakit at kasama ang ginawa mo sakin sa buong grupo ng production. ikaw! ikaw na miyembro ng grupo ang trumaydor sa aming lahat. ikaw na walang puso. oo wala kang puso! sa loob ng pitong buwan, nagawa mong matulog ng mahimbing. sa loob ng pitong buwan nagawa mong makitungo na parang wala kang alam. sa loob ng pitong buwan nagawa mong itago ang tunay na ikaw. hindi ko na magagawang isipin pa ang masasaya nating pagsasama. ikaw ay bahagi na lang ng masama kong nkaraan. nawa'y magtagumpay ka at makuhang muli ang tiwala ng buong klase. huwag mong hayaang ang mga taong natitira sayo ay mwala. wag mong hayaang pati pamilya mo mawala sayo. magbago ka na sana. magbago ka na.

magpapasalamat pa din ako pagkakaibigan n ibinahagi mo. ngunit hindi na tamang tawagin ka pang kaibigan. hindi na. paalam sayo.





Tuesday, September 23, 2008

an all-new blind item: harder and better


We have rehashed our blind item segment and now we're introducing to you, Mr. Gossip Guy, your one and only source to the most scandalous lives of PUP Maskom's elite. So, Old Sta. Mesa Dwellers, are you ready? Here we go.

This final year in the top section seems to be the moment of revelations for everyone. After Funny J intentionally/unintentionally spread the news about him one-by-one to almost all, he seems to be having fun continually playing around, switching toys.

Enormous M and others may have been acquited, but a stringer told Gossip Guy that Coach D and Peculiar M are not done yet. Hmm, looks like revenge is synonymous to punishment after all. Careful, girls.

Jaded M is on the works of gathering his former mates to finally settle their issue once and for all. Will the truth be friendly enough to come out, or will Suspected D and Enormous M eat their own tittle-tattles? I guess Solid J and others are not satisfied with keeping the secret so better spit them out and repent.

And what is this old "seemingly solved" mystery in the last few years, that appears to be not so true after all? Our reliable source told Gossip Guy that Indecent J and Muddled R have actually done it four times already on different occasions. Hmm, are you really enjoying or what?

On a slumber party, Gossip Guy discovers some personality dysfunctions from Towering C and Solid J, which according to Fluent P is based on her observations upon them. So that explains it, how Towering C secretly and unreasonably despises Fervent H, and how Solid J is insecure on pretty things.

Better get going before I reveal their identities..

You know you enjoy me.. xoxo Gossip Guy

Sunday, September 07, 2008

"Enipses" - mga tuldok ng dagok

Sadyang napaka-kontrobersyal, at pasok na pasok sa elemento ng isang news item na pagiging "odd" ang mga susunod mong mababasa. Iyan ay sa kadahilanang ang kababalik pa lamang na ex-dean/propesora sa Digital Broadcast Production na si Dr. Ma. Lourdes "Malou" Garcia ay may bago na namang salitang itinuro sa aming klase. At syempre, ang ating record-keeper na si Mart ay siguradong naitala iyan sa kanyang logbook na puno ng mga ekstraordinaryong salita at linya ng aming mga propesor (minsan hihiramin ko nga yun kay Mart para maipublish dito, hehe).

Ang lahat ay nagsimula nang mag-umpisang mag-'sermon'/'litanya'/'kung anuman ang tawag dun' si Malou tungkol sa aming requirement sa kanya na AVP para sa PUP Graduate School, sa halip na makapagpatuloy na sa reporting ang aming mga kaklase. At hayun nga at umabot na sa bahagi ng scripwriting kung saan narito ang ilan sa mga nasabi nya (hindi nga lang eksakto pero ito yung laman ng sinabi nya):

"Sha paggawa shkript ng dokyu, halimbawa may shashabihin shi Dr. Shoriano, ishushulat mo, Dr. Shoriano taposh lalagyan mo ng enipses."

Hindi lahat ay nakuha agad ang sinabi nyang enipses, pero nang sabihin nyang:

"Yun yung tatlong tuldok [enipses]..."

Aba "shempre", hagulgol at patagong tawa ang bumalot sa lahat. Kamusta naman ang buhay ni Jerome dahil dyan. Aba'y sa umpisa pa lang ng klase ng araw na yun eh tawa na sya ng tawa kay Malou dahil sa mga "sh" at "ch" nito gaya ng "chumorow (tomorrow)", "chuday (today)" atbp. At nun ngang binanggit na ni Malou ang enipses, na by the way ay may pronounciation na "inepsis", agad na tinanong ni jerome ang spelling nito. Kaawa-awang Jerome, naluha sa sobrang pigil ng tawa nang marinig na iba ang speling sa pronounciation ng enipses..

. . .

DIGIBROAD. BROADJOURN. BROADCAST MEDIA RELATIONS&PROMOTION. FILM AESTHETICS. THESIS. ECOLOGY. Mga tuldok ng dagok, hindi dahil ayaw namin ang mga subject na ito, kundi dahil nararamdaman na ng lahat ang parehong karanasan ng mga fourth year last year. Aba'y nagsasabay-sabay na ang mga requirements sa mga to, at wag ka, lahat eh bigaten.. Institutional video para sa Digibroad, dokyu para sa BroadJourn, isang event na io-organize at ipi-pitch sa media para sa BroadRelations, ang wlang katapusang thesis, at ang paningit pang ecology report/tests/film review. Isama mo pa yung nalalapit na ring analysis sa Commtech at Peace Comm. At ang pinaka-kinaiinisan ngayon ng lahat, ang FAB (Film Aesthetics Bureau) na may mga kinokontrahang detalye ng lahat:

* limang grupo kada section na super dame kaya 30 ang entries; syempre, mas mahal ang gastos dahil mas konti ang miyembro; ang gusto ng karamihan, kahit 2 grupo na lang kada section
* limang OST kada entry na iba-ibang version
* isang film poster kada entry
* prosthetics/makeup/costume fashion show ng mga entries
* at isang film quiz bee para sa mga first-third year students

O diba, san kapa? Super dame.. At ang sabi lang ni Dean sa lahat ng hinaing sa kanya: Be creative and resourceful. Geez..

. . .

Ano kayang nangyari sa pag-uusap ni Sir Don at ng Junggoys, na di naman kaila sa klase na siyang tinukoy ni Sir Don na siyang nasa likod ng poison letter sa kanya? Hmm.. Anyway, ang mahalaga eh mukhang maayos na sila.

Ano pa kayang kontrobersya ang lalabas habang papalapit ang graduation maliban sa mga "out" ceremonies? Hay.. Sabi nga namen nung minsang nagkukwentuhan, try mo nalang imaginin pag si koya ang nag-"out", disaster yon. Haha. Seeyah.


LOOKING FOR THE ONAKULEOM SITE?
IT'S HERE: www.ONAKULEOM.tk