Nakakalungkot nga lang at kahit ipinrusisyon pa ito ni Captain Arci Cook mula bahay hanggang San Juan pabalik ng Quiapo Church (joke un), sadyang ipinagkaloob na ng Diyos ang 2nd place sa COC team. Kahit papano, ayon nga sa GM ni Arci, hindi man sila ang nag-emerge na pinakamagaling, sila naman ang pinakamasayang team. At naipakita rin nila mula umpisa ng intrams hanggang sa championship na may masasabi rin ang COC pagdating sa sports.
Naging mainit rin syempre ang verbal battle ng mga COCians at CPESians na nagsilbing mga audience ng laban. Pagkatapos ng laban, nagkaroon pa nga ng away sa pagitan ng isang lalaking taga-CB at mga COCians na babae matapos mapikon ang taga-CB sa mga patutsada ng naturang COCians. Mabuti na lamang at nakausap naman ng maayos ni Papa Jack ang lalaki. Subalit ang isa sa naka-away na si Mearah ay di nakuntento at inabangan sa labas ng PUP gym ang lalaki na hindi na nakita. Sa kwento ni Mearah, sumenyas umano ang lalaking ito ng mga bastos na gesture gaya ng aktong nagb-'BJ'.
Samantala, bago ang naturang volleyball game sa PUP gym ay may ilan sa atin ang nanatili muna sa COC upang tapusin ang klase sa Ecology kung saan nakakitaan ng katatawanan sina Liezl (sa paraan ng pagsasalita, na hawig kay Malou Garcia) at Thea (na ang Tagalog umano ng plankton ay seaweed).
At bilang pagtatapos sa entry na ito, kahapon nga ay natuloy ang miting ng Shutter Productions ukol sa mga isyung bumabalot dito, lalo na ang nawalang Php 9000 sa budget, na inamin na ng ating kaklase matapos ibulgar ni Mearah. Bagamat ako ay wala sa naturang miting dahil sa isang forum na aking pinuntahan, ikinwento na lamang sa akin ang ilan sa mga pangyayari na kung saan ay nagkaroon nga ng iyakan at kung anu-ano pa. Magkakaroon pa uli ng miting sa Lunes para naman sa financial statement.
Narito ang isang blog post kanina mula sa Multiply ni Bezaleel tungkol dito:
Nakakatayo-balahibong "KUMPISAL" | for everyone |
Actually, alam ko na kilala ko na yung suspect before pa maisambulat iyon...
PERO, iba pa din ang feeling na manggaling iyon straight from the horses mouth!
nakakakilabot! after umamin, I was in great shock!
Lahat, tumahimik! Lahat, nagulat! Lahat, di mapakali!
Lahat, gusto magpakamatay on the spot!
Siyempre, daloy ang luha, sipon at pawis nung araw na yon!
Matagal bago mag-sink in sa bawat isa ang kumpisal na nangyari..
Pero at least, naging masaya ang pagtatapos ng araw...
nagmeeting sa GS.. kung ano anong sermon ang kinain...
Madami ding flying saucer na kinain, at kuwentuhang nakakatakot na
umabot sa usapang kabastusan at mapabulalas si GARY DAMGO
na umaabot siya minsan ng 10 TIMES A DAY na pagpapasarap!
Alam niya na yun! Grabe nagulat ang mga nakarinig at natawa!
Ako bumanat na hanggang 3 times a day lang ako, pero everyday! hahahahaha!
Siyempre joke yun noh! Nakakapanghina ng tuhod!
Di ko kaya ang ganun! Nakaka-over fatigue yun! hahahaha!
ayun... hanggang dito na lamang...
Nagmamahal,
BEE FABULOUS!
At kahapon naman ay ito ang ipinost ni Mearah sa kanyang Multiply:
paalam sayo "kaibigan" | for everyone |
kaibigan nga bang dapat ituring ang isang tulad mong puro lihim? kaibigan nga ba ang nararapat na tawag sa isang tulad mong dahilan kung bakit ako'y umani ng paninira mula sa ibang tao? na halos murahin ako ng mga kaklase natin nang dahil sa napakalaking kasalanang nagawa mo? gumagawa ako ng akdang ito para may tala ako sa kung anung nangyari sa buhay ko at para may balikan sa panahong nakalimutan ko n ang nangyari lalo ka na. hindi ko inasahan na sa lahat ng mga kaibigan ko ikaw ang gagawa nito sakin. mdami kang dinamay na ibang tao at hindi mo man lang naisip na maaari mong masira ang relasyon ng dalawang pamilya? ikaw na kaibigan lamang ng totoong kamag-anak. magpasalamat ka at madaming taong malawak ang pagiisip at may mabubuting puso. magpasalamat ka at may awa pa kong nraramdaman sayo. magpasalamat ka at hanggang sa ganito ko lang pinaparamdam sayo ang poot na nararamdaman ko. galit ako sayo. galit na galit ako sayo. hindi mo alam kung gano kasakit at kasama ang ginawa mo sakin sa buong grupo ng production. ikaw! ikaw na miyembro ng grupo ang trumaydor sa aming lahat. ikaw na walang puso. oo wala kang puso! sa loob ng pitong buwan, nagawa mong matulog ng mahimbing. sa loob ng pitong buwan nagawa mong makitungo na parang wala kang alam. sa loob ng pitong buwan nagawa mong itago ang tunay na ikaw. hindi ko na magagawang isipin pa ang masasaya nating pagsasama. ikaw ay bahagi na lang ng masama kong nkaraan. nawa'y magtagumpay ka at makuhang muli ang tiwala ng buong klase. huwag mong hayaang ang mga taong natitira sayo ay mwala. wag mong hayaang pati pamilya mo mawala sayo. magbago ka na sana. magbago ka na.
magpapasalamat pa din ako pagkakaibigan n ibinahagi mo. ngunit hindi na tamang tawagin ka pang kaibigan. hindi na. paalam sayo.
No comments:
Post a Comment