Thursday, October 30, 2008

THESIS DEFENS/ive

palaw ang sked sa thesis!ÜOct 30, '08 5:43 PM
for everyone

meron na sked ang thesis defense namin. go for defense na ang rc 4-1D. eto na ang pagkaksunud-sunod ng defense natin classmates:

  1. Jhuna's Group
  2. Jerome's Group
  3. Karla's Group
  4. Renz' Group
  5. Jhoera's Group
  6. Ronald's Group
  7. Glaiza's Group
  8. Edryan's Group
  9. Mearah's Group

hahahaha.. kabog..first week of january ang thesis defense namin at dito na nakasalalay lahat.. whew! eto naman ang schedule ng consultations in case mawala niyo classmate ang sked. :)

November 3, 13, 24 ; December 4:

  1. Edryan's Group
  2. Renz' Group
  3. Jhuna's Group

November 6, 17, 27 ; December 8:

  1. Jhoera's Group
  2. Karla's Group
  3. Glaiza's Group

November 10, 20 ; December 1, 11:

  1. Jerome's Group
  2. Mearah's Group
  3. Ronald's Group

GOODLUCK SA LAHAT NG BBRC159! KAYA NATIN TO!


Source: http://mearahgonzales.multiply.com/journal/item/133/133

--------------------------------------

Mukhang dadami na naman ang active sa blogging sa klase dahil nag-require si Sir Don ng personal diary, either handwritten or blog, about sa internship experiences natin. Nag-umpisa na nga, as of this writing, si Hazel. Ang mga nauna naman kahit walang sinabi si Sir Don ay sina Mearah at Jerome.

I was supposed to start my internship blog but I happened to cross by Multiply and found two related blogs by Jhuna Bell and Bezaleel. Hindi ko na lang ipe-paste dito, but the blogs seem to pertain to Renz.

At least sabi ni Mearah sa comments, let's just be happy. Thesis na, so let's stop bickering. Pero kung ako ang tatanungin, isa lang ang masasabi ko: walang perpektong tao. Kahit ako, kinainisan rin ng marami dahil sa mga gossip dito sa blog, at sa mga GM ko, haha. I'm just hoping that this conflict will be resolved, hindi yung basta avoidance lang, gaya nga ng sabi sa Peace Comm. :)


Wednesday, October 22, 2008

"BBrC159 will always be BBrC159!"

Heto na nga at ramdam na ang nalalabing sandali bago ang pagtatapos ng isang mahalagang yugto sa buhay ng buong BBrC159. Bagamat walang kasiguraduhan kung makukumpleto pa ang lahat sa pagitan ng kasalukuyan at ng araw ng graduation, umaasa akong mangyayari pa rin ito upang makapag-sama-sama pa ang lahat bago man lang tuluyang maghiwa-hiwalay. May mga nagpahiwatig na rin ng pagnanais na magdaos ng Christmas party outside ng skul.

Sa Multiply, kung saan nakahimlay ang BBrC159 Photo Center, gumawa si Jerome ng isang photo album tampok ang ilang larawan ng klase mula first year. Marami sa klase ang nag-comment dito at lahat ay mangiyak-ngiyak habang tinitignan ito dahil na rin sa tugtog na nilagay ni Jerome. Kaya't heto at ilalagay ko ang slideshow version ng ginawa nyang album.




Narito ang isang notable comment mula kay Mimi:

mearahgonzales wrote on Oct 18
wow.. see how our looks evolved..
how people changed..
ang mga close noon, ndi na close ngaun..
ang mga may gap noon okay na nagun..
before you were like this, but now everything has changed..
nothing is really constant in this world..
but what is constant for me are the memories that i will surely treasure..
parting ways is very near to come..
and seriously, i will miss all the jokes, laughters, all the brags, all the insults, the anger we feel for each other..
whew.. in just few months, we need to say goodbye..

BBRC 159 will always be BBRC159!



Tuesday, October 14, 2008

BBrC 4-1D: Last sem to go!

Two hundred five pesos. Yan ang tuition sa huling sem na ito ng ating klase. Graduating na tayo guys, and narito ang ating sked:

COM401 Internship - 7:30-10:30am - RM105
COM402 Thesis Writing and Defense - 7:30-9:00am - RM107

Ang sabi si Sir Don rin daw ang prof natin sa parehong subjects. Samantala, kasalukuyan pa rin tayong namomroblema sa Institutional videos na ginagawa natin as requirement sa DigiBroad under Dr. Malou Garcia. Maliban pa yan sa matagal na rin nating inumpisahang mga thesis, na ang ilan ay nakatengga pa rin habang ang ilan ay naka-uusad kahit pano.

Kaya natin to..

*Later ko isesend sa emails nyo yung softcopy ng certification of grades at endorsement letter for OJT. Ittry ko rin kumuha ng curriculum sheet.

Friday, October 03, 2008

hu's preggy?


It created talk in class when the group message circulated. But the question is, who's pregnant anyway? Let Gossip Guy give you some more clue. Well, there are many possibilites based on the the previous statements. It said, "guess hu's preggy", which may mean a lot of things. The preggy may come from almost anything: an irregular student enrolled in the class, a girl in the class with a boyfriend, a guy in the class with a girlfriend, a gay claiming to be one, or a professor. But one thing's for sure, the picture above is excluded. And the name is, Castaway.

You know you enjoy me coz you're reading.. xoxo Gossip Guy

Wednesday, October 01, 2008

PUP Cheering Competition 2008, Dinaya?

Ito ang isa sa mga kumakalat ngayon sa ilang bahagi ng unibersidad kung saan napabalita na ilang mga estudyante galing sa iba't ibang kolehiyo gaya ng College of Business (CB) at College of Arts (CA) ay nagtungo sa College of Physical Education and Sports (CPES) upang kwestiyunin ang mga ito sa pagiging parte ng panel na nag-judge sa nasabing kumpetisyon na ginanap noong September 29, Lunes. Ayon sa isang taga-PUP Pep Squad, nakita niya ang mga estudyante ng CPES na may sariling mga scoresheet gaya ng opisyal na panel of judges.

Matatandaan rin na nakasagutan dati ng COC Women's Volleyball team ang isang referee ng CPES sa huling laban nito katapat ang College of Cooperatives (CC) dahil sa diumano'y di patas na rulings. Narinig pa umano ang referee na ito pagkatapos ng laro na nagsabing hindi na siya magre-referee sa COC, subalit nitong championship game sa pagitan ng CPES at COC Men's Volleyball team ay nakita ang naturang referee na isa sa mga umpire ng laban. Parehong natalo sa mga naturang laban ang COC, bagamat overall second place ang COC Men's Volleyball team.

Ayon sa mga estudyante ng mga kolehiyong kumikwestiyon sa CPES, mas tatanggapin pa umano nila na College of Communication (COC) Pep Squad ang nanalo kaysa College of Office Administration and Business Teacher Education (COABTE). Kung titingnan raw kasi ang criteria, malaking porsyento ang "Level of Difficulty", at "Speed" kaysa sa linis ng performance, at nakuha umano ito ng COC Pep Squad. Ayon kay COC Pep Squad Captain Jheng, na isa ring BBrC159 gal, mayroon umanong 3-minute rule. Nang rebyuhin nga natin ang sariling video footage ng BBrC159, umabot ng saktong 4 minutes ang sa COABTE samantalang 3 minutes and 2 seconds naman ang sa COC. Second place ang nakuha ng COC.

Ang nakaka-stress pa sa mga taga COC Pep Squad ay nang matanggap ang invitation sa awarding (na ginanap nitong umaga ng Martes, September 30) na ang nakalagay ay "Champion" sila bagamat ang nanalo nga ay COABTE. Subalit dagdag ni Jheng, kahit may mga reklamo pa, mukhang hindi na rin naman makukuha ng COC ang kampeonato sakaling mapatunayan pa na sila nga ang dapat na nanalo.

Hmm.. May lutuan nga kayang naganap? Kayo na lang ang maghusga.


LOOKING FOR THE ONAKULEOM SITE?
IT'S HERE: www.ONAKULEOM.tk