Wednesday, October 01, 2008

PUP Cheering Competition 2008, Dinaya?

Ito ang isa sa mga kumakalat ngayon sa ilang bahagi ng unibersidad kung saan napabalita na ilang mga estudyante galing sa iba't ibang kolehiyo gaya ng College of Business (CB) at College of Arts (CA) ay nagtungo sa College of Physical Education and Sports (CPES) upang kwestiyunin ang mga ito sa pagiging parte ng panel na nag-judge sa nasabing kumpetisyon na ginanap noong September 29, Lunes. Ayon sa isang taga-PUP Pep Squad, nakita niya ang mga estudyante ng CPES na may sariling mga scoresheet gaya ng opisyal na panel of judges.

Matatandaan rin na nakasagutan dati ng COC Women's Volleyball team ang isang referee ng CPES sa huling laban nito katapat ang College of Cooperatives (CC) dahil sa diumano'y di patas na rulings. Narinig pa umano ang referee na ito pagkatapos ng laro na nagsabing hindi na siya magre-referee sa COC, subalit nitong championship game sa pagitan ng CPES at COC Men's Volleyball team ay nakita ang naturang referee na isa sa mga umpire ng laban. Parehong natalo sa mga naturang laban ang COC, bagamat overall second place ang COC Men's Volleyball team.

Ayon sa mga estudyante ng mga kolehiyong kumikwestiyon sa CPES, mas tatanggapin pa umano nila na College of Communication (COC) Pep Squad ang nanalo kaysa College of Office Administration and Business Teacher Education (COABTE). Kung titingnan raw kasi ang criteria, malaking porsyento ang "Level of Difficulty", at "Speed" kaysa sa linis ng performance, at nakuha umano ito ng COC Pep Squad. Ayon kay COC Pep Squad Captain Jheng, na isa ring BBrC159 gal, mayroon umanong 3-minute rule. Nang rebyuhin nga natin ang sariling video footage ng BBrC159, umabot ng saktong 4 minutes ang sa COABTE samantalang 3 minutes and 2 seconds naman ang sa COC. Second place ang nakuha ng COC.

Ang nakaka-stress pa sa mga taga COC Pep Squad ay nang matanggap ang invitation sa awarding (na ginanap nitong umaga ng Martes, September 30) na ang nakalagay ay "Champion" sila bagamat ang nanalo nga ay COABTE. Subalit dagdag ni Jheng, kahit may mga reklamo pa, mukhang hindi na rin naman makukuha ng COC ang kampeonato sakaling mapatunayan pa na sila nga ang dapat na nanalo.

Hmm.. May lutuan nga kayang naganap? Kayo na lang ang maghusga.


No comments:

LOOKING FOR THE ONAKULEOM SITE?
IT'S HERE: www.ONAKULEOM.tk