Saturday, October 03, 2009

walang ligtas kay Ondoy

Nitong nakaraang Sabado at Linggo ay bumuhos ang napakaraming ulan galing kay Bagyong Ondoy. Sabi nga nila, ang bagyong ito ay katangi-tangi dahil halos bawat isa sa atin ay may kakilalang nasalanta nito. At kasama na dyan ang ating batch.

Sina Avee (Cainta, Rizal), Patri Fe (Montalban, Rizal), at Russel (Marikina) ang ilan sa mga nakumpirma kong tinamaan ng matinding baha. Nalimas ng putik ang kanilang mga gamit, at ilang araw ding walang maayos na tulog at kain. Si Russel ay pansamantala umanong nakatira sa Cubao, habang sina Patri ay naglinis na ng kanilang bahay.

Hindi naman daw naapektuhan sina Boots (Cainta), Tini (Bulacan), at Liezl (Pasig) nang aking makausap sa text. Si Liezl ay matagal nang nakalipat mula Pasig papuntang Makati, kaya ang pamilya na lamang nya ang nakaranas ng hanggang bewang na baha sa bahay nila sa Pinagbuhatan.

Wala akong kontak sa iba kaya wala akong balita masyado. Sorry guys. hehe. Sana lang nasa mabuti kayong kalagayang lahat. :)


Thursday, September 10, 2009

PUP Mabini Awards ng BBrC159, Inilunsad Na

Magandang balita mga kapatid! Ang konseptong ating binuo noon sa ating Broadcast Relations and Promotions subject ay pormal nang ipinatupad ng PUP. Para sa mga di nakaka-alam, isang final requirement noon ni Dr. Divine Pasumbal ang isang public relations project para sa PUP na aming gagawin. Ang orihinal na plano ay kami ang magsasagawa ng naturang proyekto, subalit dahil sa kawalan ng panahon ay minabuti na lamang na isumite namin ang proposal na naglalaman ng lahat ng aming research. Ang naisip naming parangal ay para sana sa mga media practitioner, isang Mabini Awards na maihahalintulad sa USTv Awards ng Uste at Gawad Plaridel ng UP. Nang ipasa sa Board of Regents ang proposal, nagustuhan nila ang proyekto at agad itong pinondohan. Subalit upang masaklaw ang mas malaking madla, minabuti nilang igawad rin ang parangal sa iba pang industriya gaya ng sining. Ang pinal na pangalang ginamit ay Gat Mabini Awards. Narito ang balita, na mula sa websayt ng PUP:

[Pinagmulan - http://www.pup.edu.ph/newscenter/?id=319]

Gat Mabini Awards Ilulunsad
Fil Viduya, PUP News, Volume VI, Isyu No. 15, Agosto 1-15, 2009

Inihayag ni President Dante G. Guevarra na magkakaloob ang Polytechnic University of the Philippines (PUP) ng Gat Apolinario Mabini Awards bilang pagkilala sa mga indibidwal na nagpamalas ng kakaibang galing at kakayanan sa kanilang ginagalawang propesyon.

Kabilang sa mga binanggit na propesyon ni Dr. Guevarra sa kanyang talumpati na ginawa sa PUP para sa pagdaraos ng ika-165 anibersaryo ng araw na kapanganakan ni Apolinario Mabini na ang gagawaran ay mula sa sektor ng media, batas, siyensiya, teknolohiya, at youth leadership.

Ipinakikita ni PUP President Dante G. Guevarra kay MMDA Chairman Bayani Fernando ang mga pagbabagong pisikal sa loob ng PUP mula ng inlipat dito ang lumang bahay ni Apolinario Mabini-DANNY PATA
Ipinakikita ni PUP President Dante G. Guevarra kay MMDA Chairman Bayani Fernando ang mga pagbabagong pisikal sa loob ng PUP mula ng inlipat dito ang lumang bahay ni Apolinario Mabini-DANNY PATA

Sinabi ng PUP president na layunin diumano ng bagong proyektong ito na gisingin ng PUP ang kamalayan at interes ng iba't-ibang propesyunal sa ideyalismo, patriotismo, nasyonalismo, at pagmamahal sa bansa ni Mabini, kinikilala bilang "Dakilang Paralitiko" at bayani ng bansa.

Binigyang-diin din ni Dr. Guevarra na napapanahon na upang palitan ang pagkilala kay Mabini bilang dakilang lumpo , "Mas angkop na siya'y kikilalanin natin bilang isang iskolar," paliwanag ni Guevarra, pangulo ng itinuturing na pinakamalaking unibersidad sa bansa.

Dinaluhan ng mga taga-PUP sa pangunguna ni Dr. Guevarra at iba pang matataas na opisyal ng kanyang administrasyon, ng Metro Manila Development Authority sa pamumuno ni Chairman Bayani F. Fernando, Jr. at ng National Historical Institute na pinangunahan naman ng kinatawan nito na si Dr. Ponciano A. Menguito ng Department of Education ang naturang okasyon.

Kabilang din sa dumalo sina Ms. Lydia Mabini Figueroa, malapit na kamag-anak ni Mabini, mga bise-presidente na sina Executive Vice President Victoria Naval, VP Samuel M. Salvador, VP Pastor B. Malaborbor, VP Juan C. Birion, VP Augustus F. Cezar, VP Marissa J. Legaspi, Executive Director Randolph Alcantara, mga iba pang director, dean, chairperson, faculty at mga estudyante.

Nagiging regular na pinagdarausan ang PUP ng mga aktibidad na may kaugnayan kay Mabini mula nang nalipat dito ang Mabini Shrine, ang bahay kung saan ipinanganak at tumira nang matagal si Mabini, ang tagapayo ni Gen. Emilio Aguinaldo sa panahon ng kanyang panunungkulan bilang pangulo ng revolutionary government.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Dr. Samuel Fernandez, PUP historian, na si Mabini diumano'y nagtataglay ng mataas na pinag-aralan, masipag na manunulat, awtor, abogado at siyang kauna-unahang prime minister ng unang republika ng bansa.

"Kabilang sa pinagkakakitaan niya nang nag-aaral siya ng abogasya ay pagtuturo ng Latin," pagbubunyag ni Dr. Fernandez na nagsasabi rin na napakahusay umano ni Mabini sa wikang banyagang ito.

Sina MMDA Chair Fernando at PUP President Guevarra habang nag-aalay ng bulaklak sa harap ng dambana ni Gat Mabini-DANNY PATA
Sina MMDA Chair Fernando at PUP President Guevarra habang nag-aalay ng bulaklak sa harap ng dambana ni Gat Mabini-DANNY PATA

Masigla namang ibinalita ni Chairman Fernando na tapos na ang konstruksiyon ng Mabini Shrine Office at "handa ko nang ilipat ang control at superbisyon sa PUP." Ipinabatid din nito na aalisin na niya ang mga MMDA personnel mula sa PUP "pero kapag kailangan ninyo ang tulong ko, madali ko silang pababalikan dito."

Binigyang-diin din niya na ang kailangan ng bansa ay political will para maipatupad and layunin ng mga batas na makalulunas sa ating mga problema.

Nanawagan naman si Mrs. Figueroa na gawing huwaran si Mabini at maging masigla sa pagtataguyod sa mga ideyalismo niya at maging aktibo sa pakikilahok sa napipintong eleksiyon sa 2010 upang magkaroon ng magagaling at mapapagkakatiwalaang liderato sa bansa tungo sa maunlad na sambayanang Pilipino.

Pinakulay naman ang programa ng PUP Serenata at KKK Band. Si Alvin Alcid ang nagsilbing emcee nito.


Bilang pagpupugay sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika, ipinasya ng patnugutan ng PUP NEWS na gawing medyum ang sariling wika sa lahat ng mga artikulong ilalathala sa buwan ng Agosto.


O diba? Isa na namang legacy ang ating naibahagi sa ating unibersidad. Mabuhay ang BBrC159! :)

Saturday, August 15, 2009

Condolences to Richard Christian Suruiz' family and friends

Hi guys!
Padaan..



Cge alis na ult
aq...

Fyi buhay aq.

-text message from Renz
12:09AM
August 15, 2009


Kung si Renz ay nagte-text na buhay pa sya, masaklap naman ang naging kapalaran ng ating minsang naging kaklase (sa Argumentation and Debate) na si Richard Christian Suruiz. Ayon sa Facebook status ni Prof. Kriztine Viray, pneumonia ang ikinamatay ni Suruiz.


Nakilala si Suruiz sa kolehiyo dahil sa pagiging direktor ng Pundido, ang dokumentaryong nanalo sa programang Dokyu ng ABC-5, isang student documentary-making competition. Ang grupo nila ang isa sa naglagay sa PUP sa mapa ng media industry at sa hanay ng mahuhusay na communication schools sa bansa.

Nito ngang nakaraang taon, nakasalubong pa namin siya sa loob ng ABS-CBN compound, kung saan siya umano huling nagtrabaho bago sumakabilang-buhay. Nakakalungkot na lamang isipin na maagang nawala sa mundo ang isang matalinong COCian. Marami pa sana siyang mai-aambag sa industriya ng broadcasting.

Condolences.

Photo courtesy of: PUP Public Affairs Office


Friday, August 14, 2009

Dito lang ako para sa inyo..

Alam kong busy
kau..padaan lng
s mga inbox
nyo..miss ko n
tlga kaung
lhat..ang mga
gm nyo,quotes
atbp..haha..maiiyk
n naman ak
nito..
M0rning mga dude..
Dito lang ak
para sa inyo..

-text message from AB
7:31am
August 14, 2009

lab you all

Guys,miss ko na
kau..pg
bumabalik ak ng
skul naalala ko
ung mga
memories
ntn..pkrmdm ko
tuloy ang tanda
ko na..hehe..just
want to say
imissyou
all..labyou
all..(n_T.

-text message from AB
10:31pm
August 13, 2009

Sunday, July 26, 2009

BBrC159 Job Updates

Source: facebook.com

Sa status update ni Archibald sa kanyang Facebook account nitong Martes, July 21, binanggit nya na ito ang kanyang unang araw ng trabaho bilang Researcher ng GMA Network, para sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho kung saan nagtatrabaho rin si Archie bilang Researcher.

At nito ngang Sabado, July 25, ay ang unang episode nya na kung saan makikita ang trinabahong segment ni Arci, na tungkol sa butt augmentation.

Congrats!

Sunday, July 19, 2009

BBrC159 supports Saloompah! (UPDATE)

Last time, we have featured Edryan's Saloompah business in this blog. And the latest update, as shared by Edryan, is a feature article about Saloompah on an Asian travel blog named My Traffic Lane. Below is a link to the article, although I must warn you that it has a few grammatical errors, hehe:


Images from the blog:


Saturday, July 18, 2009

Four one dash d

Rc 4-1 dash d*.
Namimis k na
kau, as in. Tsaka
nga pala mga
mare, ung grad
pic** nyo asa akin.
mhal ko kayo,
mliban kay 'he
who must not
be named' haha
gudnyt!

-text message from Jerome
1:48am
July 18, 2009

*Para sa hindi taga-BBrC159, kaya tinawag na 4-1 dash d ang section namin, dahil sa pa-bibong pagbaybay ng isang propesor sa pangalan ng aming klase. Imbes na "four dash one d" (4-1d) ang pronounciation nya, naging "four one dash d" (4 1-d). At pinapaulit-ulit nya pa yun every nw and then sa mga klase namin sa kanya.. Klasmeyts, pwede ko ba syang pangalanan dito? hehehe
**Ang grad pic na tinutukoy ni Jerome ay yung binayaran natin sa university cashier kasama ng memorabilia yearbook etc.. Ang picture ay kuha sa pag-akyat natin sa entablado. Wag nga lang masyadong excited dun sa gradpic, dahil panget yung kuha ng iba. Kamusta naman yung iba diba, picture mo dapat yun pero nasa gilid ka at yung kasunod mong graduate ang nasa gitna ng pic.. Hahaha

Wednesday, July 15, 2009

Kakamis

Helo rc 4-1!Wla
lang,naicp ko
lang
mgparamdam
sa inyo!Kakamis
pla pag alam mo
d na tau
mgkakasama
lhat tlga..Aun lng
ingat kau kung
asan man kau!!Ü

-text message from Patri Fe
4:28PM
July 15, 2009


Saturday, July 04, 2009

Condolences to Jerome & his family..

Source: facebook.com

Another sad news since Jheng's baby: it's Jerome's older brother. I can still remember when Jerome & I were busy with our last stint as Dakom editors, that he wasn't able to come to the presswork because he was in the hospital because of his brother.

According to Jerome, his brother died of acute respiratory distress syndrome. As of this moment, I believe the funeral is ongoing, and Jerome's close friends would be dropping by.

Our heartfelt condolences to you and your family Jerome.


Wednesday, July 01, 2009

BBrC159 supports Saloompah!

Cuztomized Handpainted Canvass Shoes, that's what Saloompah is all about. And the brainchild behind this is BBrC159 guy Edryan Lorenzo. From your own name, to cartoons, abstract, emo, and even faux designs, Saloompah can do it for you. Just send an email of your desired design and they can meet you up in three available places (Cubao / Sta. Lucia East Grand Mall / Ortigas Center).

With the price tag of only 700 pesos, Saloompah offers unique and colorful slip-ons for both sexes and doll shoes for girls.

For more information and to view samples of their sold shoes, you can visit their official site at saloompah.multiply.com

*BBrC159 gals have even rendered their services to our Saloompah guys as models for some of the shoes, such as Patri Fe Delasas, Mary Grace Perez, and Venus Rodriguez.

Thursday, June 04, 2009

Be safe, baby Sebastian.. :'(

Hindi ko pa alam ang buong detalye, at medyo huli na nang malaman ko. Isang malungkot na balita mga kapatid. Hindi lingid sa lahat sa atin ang dinadalang bata ni Jheng sa kanyang sinapupunan, at noon ngang gumraduate tayo noong May 8 ay kabuwanan na nya.

Subalit nitong lamang isang linggo, ipinanganak umanong patay na ang sanggol na pinangalanang si Sebastian. Nang maka-chat ko si Pham sa YM ay sinabi nyang hindi na ipina-autopsy ang bata, at mukhang patay na umano ang bata isang araw bago pa ito ipanganak.

Ipinapaabot ko at ng buong BBrC159 family ang pakikiramay nito sa pamilya ni Jheng at sa boyfriend nito. Tunay na isang malaking kawalan si baby Sebastian. Sabi nga ni Avee sa kanyang blog post (basahin dito), "anuman ang mangyari, kaibigan ko, kaya mo yan, andito lang ako.."

Stay strong Jheng. May God bless you and baby Sebastian.


Wednesday, June 03, 2009

Bely & Malaya: Newlyweds!!

Good news! Natuloy na po ang church wedding nina Prof. Malaya Abadilla at Prof. Bely Ygot noong May 27, 2009. At bilang surpresa ni Sir Bely, ginawan ko sila ng AVP para kay Maam Malaya, sa tulong ni Pamela Fernandez ng BBrC 4-5D. Narito at ipinost ko sa ating Video Center ang intro AVP ni Pamela at ang Surprise AVP ko para naman maishare sa iba ang nakakakilig nilang love story. Huwag kayong mag-alala na madedemanda ako ule ng libel dahil nagpaalam na ako sa kanila na ipo-post ko sa Youtube, hehe. Congrats ulit sa dalawa!

Bely & Malaya Nuptials (Introduction Video)
by Pamela Fernandez
*Original music for the video (Lucky by Jason Mraz / Colbie Caliet) was changed by Youtube due to a copyright claim by WMG



Bely & Malaya (Surprise Video)
by JM Nualla
*Ito ang video na nagpaiyak kay Maam Malaya.. :)


Thursday, May 28, 2009

BBrC159 Job Updates

Sa ngayon, sa ating BBrC159 graduates, sila ang mga alam kong may trabaho na related sa media. Nauna ko nang naipost dito na si Mearah ay isa nang DJ (aka Seksi Sabel) sa 93.9 i-FM, kapartner si Pakito Jones tuwing 6-9am weekdays. Si Erica naman, na naging writer sa ABS-CBN, ay pansamantalang tumigil dahil wala silang sinusweldo at tinanggal sa posisyon ang kanilang creative manager.

Nabanggit ko na rin dati na si Mart ay isa nang Executive Secretary ng Radio Mindanao Network (RMN) at i-FM. Parte ng trabaho nya ang pagiging isang media planner. Maliban diyan, nabalitaan ko rin na magtututro na rin diumano sya sa PUP bilang instructor na inalok umano sa kanya ni Sir Don. Hindi ko pa nga lamang nakukumpirma ito kay Mart.

Si Archie naman ay isa nang Researcher sa GMA-7, sa programang Kapuso Mo Jessica Soho. Ang kanyang unang segment, na ipinalabas noong May 23, ay tungkol sa Watwat Food Festival. Maari nyong mapanood ang episode dito. Ang segment ni Archie ay nasa timecode na 10:42 ng video.

Si Adrian ay kasalukuyang isang Co-host sa programang Magkaisa Para sa Bayan (commentary-public service-talk show), kung saan kami nag-OJT. Ginawa kasi siyang apprentice ng host nito na si Atty. Jay de Castro, na may mataas ring posisyon sa MWSS.

Hindi ko pa nakukumprima kay Joy kung ano na ang status niya sa Manila Bulletin, kung saan sya nag-apply. Kung di ako nagkakamali ay Editorial Assistant sya.

Samantala, ang ilan sa atin ay nagtatrabaho na rin, bagamat hindi gaanong related sa media. Nariyan si Hazel na isa nang Secretary/Executive Assistant sa isa sa mga opisina ng Malacañang, ngunit sa pagkakaalam ko ay production assistant pa rin ng Sunday TV Mass ng NBN. Si Pamela ay isang Sales Admin Supervisor sa Nutri-Asia. Ang iba na sa pagkakaalam ko ay nanatiling Call Center Agents (na trabaho na nila bago pa gumraduate) ay sina Jhuna Bell, Christine, at Tracy. Si Vernon naman ay kakaumpisa lang bilang Call Center Agent.


Monday, May 25, 2009

Update: Releasing of TOR and Diploma

Hi friends. Mukhang matatagalan ng konti bago natin tuluyang makuha ang mga papeles na magpapatunay na tayo'y mga ganap nang graduate ng kolehiyo. Iyan ay dahil ang inakala nating May 18 na pasahan ng clearance na kailangan sa pagproseso ng transcript of records (TOR) at diploma, ay para lamang pala sa mga nagsipagtapos na magbo-board exam. Dahil ang Mass Comm ay walang licensure exam (well, actually meron sa KBP, pero hindi in the whole media industry), first week of June pa daw nila pwedeng tanggapin ang processing ng papers natin. In the meantime, sa mga wala pang trabaho (gaya ko), mag-apply-apply na lang muna tayo.

Wednesday, May 13, 2009

Congratulations BBrC Section 1 Batch 2005-2009...

Nitong ika-8 ng Mayo, taong 2009, tuluyan na nga tayong nagtapos. Dito na pormal na isinara ang isa sa pinakamahahalagang yugto ng ating buhay. At sa klaseng ito, kung saan nabuo ang isang apat na taong kwento ng pagkakaibigan, pag-ibig, plastikan, iringan, kumpetisyon, talino, talento, pagkakaisa, at marami pang ibang humubog, nagbigay-aral, at naghanda sa bawat isa para sa mas malaking mundo sa labas ng unibersidad. Sabi nga sa Baccalaureate Mass, "Learn to learn."

At para alalahanin ang mga huling sandaling magkakasama, ilalagay ko rito ang mga naitala kong mensahe (text) ng mga kaklase natin para sa ating lahat:


08-May-09

8:41am
JEROME PHILLIP RICAMATA
Gud morning
classmates. Slmat s
4 n taong
pagsasama. Sbay
sbay n dn taung
tumawa, umiyak,
nangopya and more
haha. Nde q kau
mkklmtan. Tnx 4 d
best 4 yrs of my lyf.
Loveu guys.
Congrats!


2:33pm
JOZWEALTH GAPASIN
Sa lahat ng rc 4-1d
thank u s much! S
mga dti qng k tropa u
knw urselves, s mga
thsism8s q, s mga
ngng kclose q, s BEZ
Q, at s kaisa isahang
mnahal q s klse n 2, u
knw hu u r, a milion
thnks. S mga nilait q,
sory bt i jst wnt 2
unleash d best in u.
Sobra ma mimiz q
kau lhat. At d end of
d day, aq p dn Pnaka
MALINIS STING LHAT. P
gm po jozwealth 09156542878


5:47pm
RONALD LLABORE
& that c0ncludes my
c0llege lyf...

c0ngrats batch '09!

Tnx 4 d frndshp &
evrythng!

I'll xurli mis u all!

Ü


6:01pm
RENZ MELVIN VILLAGRACIA
This isn't the last!
Congrats everyone
fight!


8:25pm
CAMELLIA JOY SALLEGUE
Di q p mxado
maabsorb n gradu8 n
nga tau.Prang kelan
lng kc,nsa clasrum p
q at
nki2pgdaldalan.Congrats
rc
4-1d!Slamat,guys.No
gudbyes.Txt2 p rin
tau.-joy


8:52pm
ARCHIBALD FORMALES
Thank u Lord dahil
hndi umulan knina..
Thank u Lord dahil
nkagraduate na din
sa wakas..
Parang kelan lang
noh..

ForwandashD, thank
u so much sa 4 na
ta0ng tawanan sa
clasrum..
O diba, wlang umiyak
knina! Graduati0n na
nga lng laughing trip
parin.. Haha..

I will surely miss u all!
CONGRATULATIONS!
God bless us!

-archibald "arci"
formales-cook


9:21pm
LORMAN DANTES
we maybe now
signing off with our
student life, but
never with the
friendship that we
built for the past
4yrs.. thank u for the
laughters, tears,
blood nd sweat that
we've shared..ive
learnd so much from
u guys! thank u so
much! i love u all!ü


9:21pm
JHENG ASIDAO
TATANDA AT LLPAS DN
AQ,NGUNT MYRONG
AWITING IIWNAN S
INYONG ALAALA DHIL
MNSN,TAYOY NGKSMA.

salamat 4 being part
of my LIFE!
Prng keln lng,sexy p
q.nkkrmpa p q ng
hubd,ngaun,,puno n q
ng stretch mrks!
Hehe.
mamimiss q kau,,kc
cgurdong d n q
mgpprmdm
mxado..kc mggng
myman n kme ng ank
q.hehe

ingat lgi.
God is good..kya kng
anong career ang
tthkn,jan lgi SYA.
Just alwys keep ur
faith in Him!
And ur feet on d
ground.

:jenG:


9:45pm
MARY GRACE PEREZ
Nothing worthwhile
comes easy. It may
ionvolve tedious
effort & a long wait
for our dreams to
come true. It might
even cost us, but it's
always worth it.
4years in the making
just to wear that
black suit. And it has
been a beautiful
chapter worth
reading again.
Congrats. Seeyou
guys soon. God bless.



9:49pm
VENUS RODRIGUEZ
Congrats rc4-1d!Ü
hmm..iwan nyo na
q.Huhu.Daya! Hayy...
Nways,goodluck sa
knya knyang
career.See you
around! Ciao!
-->veNok


10:03pm
BOOTS SERMENO
.Omedet0u rc 4-1
dash d!!! ds s rili s it.

.mami2ss q ang
pggwa ng c0stumes..
:_;
pti ang pkkpgaway s
ibng colej.. mami2ss
q dn ang mga pnalo
ntng hirit... at xmpre
ang mga kabaklaan..
dhl bet q tlga yn..

.ths s 4 d 4 yrs of
rollerc0astr ride...
KAMPAI!

[haponesa] >_<
10:18pm

CHRISTIAN BIBAT
Nagpapasalamat ako
sa inyong lahat dahl
alm ko na lahat kay
ay may parte sa
kung anu ako
ngay0n.. Alam ko na
hnd man lahat kayo
ay palagian kong
nakakausap o
nkakasma pero sna
kaht papanu nptwa at
npasaya ko kau..sa
lahat ng mga nagng
tropa ko, salamat..lage lang
ak0ng and2 para
snyo.
Sa mga nagng
thesism8s k, ptwd
kung my pgkukulang
ako, slmat sa
pgintndi. Sa isa s
tinuring k0ng kapatid
na c j0zWealth,wlang
iwanan ha?
Edryan, pcnxa n kung
my mali man ak0ng
nagawa kya
nagkar0oN tau ng
gap...sa lahat dn ng
mga nakasmaAn ko
ng loob,patawarn nyo
q s nagwa k0ng mali.
Hazel, nagng parte ka
ng buhay
ko.salamat..wg k n
snang magalit skn..s
mga c0medians ng rc
4-1d, slmt at
napasaya nyo ang
klase. Heidi, ang
unang nagng crush
ko s klase,at ngayo'y
ang baBaeng
pinakamamahal ko,
slmt s lht ng
sakripisyo m skn..
Mrmi p ak0ng gs2ng
sbhn pero kulang ang
sPce. Paki g.m. nlang
sa iba,,
Mahalaga kaung lahat
sakin.


11:16pm
JEROME PHILLIP RICAMATA
Ive always searchd
for hapines from a
person, but d
though of having u
ol as frnds is a
greater happines
already. Tnx for d 4
years of laughter
and frndshp. Hope 2
see u all soar 2wrds
ur drms. I love u
guys. U rocked my
college lyf..

Jerome here moving
4ward.


11:33pm
VERNON CARLO PARRENO
Classmates, auko
mgdrama. gusto ko
lng mgpasalamat s
inyong lahat. Sa lahat
ng pnagsamahan
natin ng apat na
taon. Marami taung
natutunan s bawat
isa. Sana maging
mtagumpay kau s
lahat ng plano neo s
buhay. Congratz
satin rc 4-1d batch 2009!
Pls pass.
Tnx.-vernon (",)


09-May-09

10:15am
RONALD LLABORE
aun,ntpos na ang
kontrata q sa pup...

sa mga naging parte
ng 4yrs q s loob at
lbas ng coc at pup...
sa mga taong
nksalamuha
q,2mulong & in a
way,n2lungn q rn...

sa mga fans kong
pedicab & tryk
drvrs,profs &
s2jante na nlu2ngkot
sa pag-alis q sa
sintang paaraln dhl d
na nla aq mki2ta sa
u.i...

sa mga npagaan q
ang buhai kalej dhl sa
mga kalokohan q,lalu
na sa mga taong
nt2wa na kh8 d pq
ngp2twa...

sa mga taong pnakilig
aq at sa taong nging
sndalan q sa
panahong tnalikuran
aq ng ilang kaibgn q,u
knw hu u r...

4wandashdee,junggoys,
des4adas,palapow,
varsity,mga anak2n
q & BEST...

slmat sa lhat2...till
nxt tym,i luv u all & i'll
mis u...ü


11-May-09

12:53am
JOHN RUSSEL ALBA
Psenxa n ngaun lng
ngtxt..total ngaun q
lng
nrmdman..ah..guys..
congrats s atin..s
wakas nkagrad dn..pg
nksalubong nyo
aq..grit nyo nman
aq..c: kita kits s work!


At sa iba pang posts sa Multiply at sa blog na ito, tunay ngang naipahatid na ang mensahe sa bawat isa: HANGGANG SA MULING PAGKIKITA. Hindi isang paalam, kundi isang pangako, na kahit saan man tayo mapadpad, ano man ang ating gawin, dala-dala natin ang tatak-BBrC159.

Kudos sa ating lahat!


PS: Para sa kumpletong dokumentasyon ng graduation, pumunta lang sa bbrc159.multiply.com

UPDATE: Sa May 18 ang pasahan ng clearance para sa pagkumpleto ng requirements sa pagkuha ng Transcript of records at Diploma. Narito ang isang scan ng dummy diploma na nakuha natin noong graduation, na nagsasaad ng mga hakbang na nabanggit:


Saturday, May 02, 2009

Endings are Beginnings too...

Endings are Beginnings too...

0n May 8, 2009...though that day may signify the end of our college days...
but it will pave way for the beginning of our real lives...

i'm gonna miss laughing with my friends... they were my joy...
i'm gonna miss sitting beside JM in class... he's my confidante...
i'm gonna miss doing productions... i'll heard my calling...
i'm gonna miss smoking at the back of my campus... it became my habit...
i'm gonna miss my classmates... they were a part of my life...
i'm gonna miss my mentors... they believed in me...
i'm gonna miss going to COC everyday... it's my home...

but then again, everything ends...

May 9, 2009 will be a new day for all of us... may we all start it right!

Goodbye mates...
Goodluck!

-Brattyeca

Wednesday, April 29, 2009

four years of friendship.one section.BBRC159.

(Repost from Edryan's Multiply account)

Halos apat na taon din kami nagsamasama ng mga ito sa loob ng isang klasrum, apat na taon na punong puno ng mga masasaya, malulungkot at hindi makakalimutang mga pangyayari, madaming mga nagbagao sa amin, ngunit ang samahan na hindi matatawaran ay patuloy pa din na naroon at hindi nagbabago.

Maraming nabuong pagkakaibigan ang apat na taon naming pamamalagi sa aming kolehiyo, pagkakaibigan na hindi mapapantayan ng sino man, mga bagay na hindi malilimutan na nabuo sa nilumpon na apat na taon,ang mga tawanan ng bawat isa sa amin sa bawat pagpapatawa nila Ronald, Archibald at bezaleel ang mga biruan na animo’y walang pagsidlan sa sobrang dami,ang mga away bata na ni sa kisap ng mata ay tinatawanan na lamang namin ngayon.

Apat na taon, ng hirap at saya, hirap na sa araw araw ay kailangan mong magaral ng leksyon upang pumasa sa mga pagsusulit na ihahain ng iyong propesor, hirap na sa bawat pagpupuslit ng mga kopyahan na masasabing parte ng aming pagaaral bilang isang estudyante.

Masaya ako sa seksyon na aking napuntahan, seksyon lamang namin ang nakapagpaiyak ng propesor, nakapagpawalk-out ng propesor, nakasagot ng pabalang sa propesor, nakapagpasaya ng sobra sobra sa aming propesor at tanging estudyante lamang ng aming seksyon ang muntik ng makasuhan ng aming mahal na propesor.

Hinding hindi namin makakalimutan ang mga overnights naming sa eskuwelahan upang matapos lamang ang isang play at maitanghal ito ng buong galak, ang mga pagkataranta sa bawat productions o booth man na gagawin, ang mga ambagan na nagpapasimangot sa amin kapag masyado ng malaki sa laman ng bulsa namin upang ibigay, ang mga intermission numbers sa bawat gap ng eskuwelahan na pinamumunuan ni mearah, ni jozwealth at ng iba pa, habang walang tigil sa pagtawa sit racy, joy, michelle at tinie.

Ang mga meetings ng mga grupo na animo’y kung ano ang pinaguusapan, ang mga balita t tsismis na umikot sa paligid ng bawat isa sa amin.

Masasabi kong mapalad ako at napabilang ako sa seksyon na ito, masaya ako at nakilala ko ang 42 estudyante na magkakaiba ng ugali, at ang karanasan ko na matuto sa bawat isa sa kanila, magmula sa abanilla hanggang villalon.

Masaya ko na makatagpo ng mga tunay na kaibigan sa seksyon na ito, mga kaibigan na palaging nasa tabi ko pag may problema o masasayang mga pangyayari na naganap sa akin, mga tunay na kaibigan na handing tumulong kahit anong oras, masaya ako na makapagbahagi ng ngiti sa kanila at mga kwento

Kulang ang apat na taon sa aming lahat, ngunit ang lahat ng ito ay may katapusan. ngayon, mabibilang na lamang sa aming mga daliri ang araw na magkikita kita ang bawat isa sa amin, malapit na ang aming pagtatapos, at kagaya ng blog ni mujay, ang iba ay malalayo na sa amin, ang iba ay hindi na rin namin makikita sapagkat uuwi na ang mga ito sa probinsya, ang iba naman ay magiging abala na sa trabaho na kanilang pinasukan, pero ang mga bagay na hindi namin makakalimutan ay ang mga samahan na nagpatibay na aming pagkatao.

Wala na ang maagang pagising sa umaga, at paghahabol sa oras ng subject,ang mga assignments ang mga libro at bayarin, wala na ang mga tawanan na yumayanig sa tenga namin, itoy unti unti nang hihina pansamantala,wala na ang away bata, wala na ang mga productions na gahol naming ginagawa.


Sa buong RC 4-1D BATCH 2009,SALAMAT SA LAHAT.ALAMAT.

Ito ang ilan sa mga naipong larawan ng seksyon natin sa apt nation natin pagsasama.=’)

credits to archie lenchico and mimz gonzales for some of the pictures posted and jerome ricamata for the song.=))

(To see Edryan's Slideshow, click here>>)

Tuesday, April 28, 2009

Update: COC is Cluster B in Graduation Line-up

Yes, Cluster B tayo sa gaganaping PUP Commencement Exercises sa May 8, 2009 sa World Trade Center, Pasay City. Ibig sabihin, pang-hapon tayo, 1pm onwards. Ang init noh? May sinabi pa kasing dumating one hour earlier, e di tanghaling tapat yun.. haha

Cluster B:
College of Accountancy (CoA)
College of Communication (CoC)
College of Business (CB)
College of Architecture and Fine Arts (CAFA)
College of Engineering (CE)
College of Languages and Linguistics (CLL)


Sunday, April 26, 2009

Ang Bagong Kahulugan ng CoC: Certificate of Candidacy

Noong April 20 nga ay natuloy na ang pictorial ng BBrC students para sa PUP Yearbook na tinatawag na Memorabilia. Sa pangunguna ng Public Affairs Office (PAO), isa-isang kinunan nang naka-toga ang mga graduating students. Una sa pila ang ating klase, ang BBrC 4-1D. Salamat muli kina Jerome at Joseph ng PAO para sa oras na inilaan nila para makopya ko ang mga larawan natin na inyong makikita dito: http://bbrc159.multiply.com/photos/album/129/BBrC_4-1D_Graduating_Class_Pictorial_Raw_Unedited. Malamang graduate na tayo kapag nailabas ang yearbook, at edited na ang mga larawan.

Iyun din ang araw para sa pagsumite ng pink cards at photocopy ng 4th year 2nd sem class cards ng mga graduating with honors.

Narito ang mga dapat puntahan para magpapirma ng clearance form:
  • Library - sa Archives, second floor
  • Laboratory - E302; bago mapirmahan, kailangan intindihin/kabisaduhin ang nakasulat sa memo kung saan nakalagay ang mga panuntunan sa gaganaping commencement exercises
  • ROTC/CWTS -
  • P.E. - sa table sa tapat ng entrance ng gymnasium
  • Dean/Director - una muna sa adviser kung saan mag-aattach sya ng note na nagsasabing cleared ka na sa lahat ng financial obligations sa kolehiyo, pangalawa ay sa chairperson's office kung saan pipirmahan din ang note, at huli sa Dean's Office
  • Accounting/Student Services - bago ito mapirmahan, kailangan munang makapagbayad ng lahat ng fees
  • Internal Audit - hindi ito mapipirmahan hangga't walang pirma ang Accounting at walang Certificate of candidacy
  • Legal Office - hindi ito mapipirmahan hangga't walang pirma ang Internal Audit
  • Alumni - hindi ito mapipirmahan hangga't walang pirma ang
  • PAO - ipapakita muna ang resibo ng toga bago pirmahan
Ang mga kailangan namang bayaran bago mapirmahan ang Accounting ay ang mga sumusunod. Ang mga ito ay nahahati sa tatlong triplicate na resibo:

Unang Resibo:
Graduation Picture / Toga = P190
TOTAL = P190
Ikalawang Resibo:
Scannable Fee = P60
Transcript = P200
Certification = P50
TOTAL = 310
Ikatlong Resibo:
Diploma / Graduation = P700
Memorabilia (Yearbook) = P1200
TOTAL = P1900
*At may dagdag bayarin ding P300 para sa Alumni para:
OVERALL TOTAL = P2700

Ang ating mga kaklase ay nasa iba't ibang bahagi na ng clearance, at iba-ibang diskarte rin sila. Karamihan ay di sinunod ang order ng pirma sa clearance, depende sa kung ano ang available at mas efficient. Pero ang bottomline, lahat ay wala pang pirma sa Internal Audit at Legal Office, dahil naghahanap pa ang Accounting office ng Certificate of Candidacy (CoC) na manggagaling kay Maam Ruedas ng University Registrar's Office para mapirmahan. Ang huling ulat, ngayong araw na ilalabas ang CoCs, kaya naman kitakits.

**TOGA MEASUREMENT (April 22-30, 9AM-5PM, Room E204); wag kalimutang dalhin ang resibo ng toga.

Thursday, April 16, 2009

Pink Card > Clearance Form > Grad Pic

Gaya nga ng nabanggit sa naunang post, tunay na mahiwaga ang dalawang pink card. Bakit? Dahil sa huli kong pakikibalita sa ating mga kaklase, napag-alaman kong may mga kailangan ka pang gawin bago mapirmahan ang mga ito.

Una, ang sa Thesis Writing pink card, kung saan kailangan nakapagbayad na ng kalahati sa Graduation Party fee na may kabuuang halaga na P1300. May nakapagsabi pa nga sa akin na dahil hindi siya sasama, hindi umano perfect 1.0 ang ibinigay sa kanya. Ngunit sa huling napag-alaman ko, hindi na raw tuloy ang GradParty, pero yun umanong mga nagpa-lista na sasama ay kailangan magbayad ng P100 dahil na-reserve na yung venue.

Pangalawa, ang sa Internship pink card, kung saan kailangan naman magbayad ng P1000 scholarship donation na project ng COC Alumni Association. Sa huling ulat, nalaman kong 70% lang ng grade natin sa Internship ang galing sa OJT evaluation/documentation natin, habang ang 30% ay manggagaling sa laki ng ibinayad sa scholarship. Kung P800-P1000 daw ang ibinigay, flat 1.0 ang magiging grade, at pababa ito ng pababa kung mas maliit ang ibibigay. Ang sabi sa akin, kahit at least P300 daw ang kailangan ibayad para mapirmahan ang pink card.

Nakalulungkot, dahil kahit sa huling bahagi ng ating buhay-kolehiyo, may bahid pa rin ng pananamantala sa ating mga estudyante. Aaminin ko, makailang-beses akong bumigay sa mga bagay na gaya nito simula noong first year pa lang kami, dahil gusto kong matapos na lang ang problema. Subalit sa panahon ngayon na kapos kami sa pera, mas naiintindihan ko na ang sentimyento ng mga kaklase kong noon pa man ay iling na sa ganitong sistema.

Tila ba masyadong consequentialist ang mga taong ito. Naka-hilig sa mga katagang "the end justifies the means." Bagamat may maitutulong sa mga kapus-palad na estudyante ng kolehiyo ang pagdo-donate namin (kailangan makalikom ng 10 alumni na magdodonate ng tig-100, kaya P100 ang sinisingil), hindi naman yata kaaya-aya ang sapilitang paglikom nito mula sa aming mga estudyante rin naman, na ang ilan ay kapus-palad rin. Ironic pa, dahil close ang klase natin sa faculty. Sabi nga ng isang nakausap ko, hindi naman siguro magiging dahilan para hindi siya maka-graduate ang hindi pagbayad, dahil hindi naman ito bahagi ng Internship nya. If worse comes to worst, ika nga, papapuntahin umano nila sa school ang mga magulang nila upang magreklamo.

Sa isang bagong ulat na aking natanggap, ang ilan sa atin na kumuha ng pink card kanina ay nakuha na rin ang kanilang clearance form, hindi kagaya ng mga nauna. Ang clearance form kasi ang susunod na hakbang pagkatapos maisumite ang mga napirmahang pink card. Kailangan itong papirmahan sa iba't ibang opisina gaya ng P.E., Janitorial, Medical, Accounting, Legal, atbp. Bago umano mapirmahan ang Accounting, ay kukuha ng resibo sa Window 5 (sa dating ARO, tapat ng linear park). Nakalagay sa resibo ang mga dapat bayaran, bagamat wala pa umanong pinal na listahan nito. Ang napag-alaman kong breakdown ay ang mga ss: P600 graduation fee, P1200 diploma, at P100 Memorabilia (yearbook).

Anyway, ipapaalala ko na lang na sa April 20, Lunes, ay ang pictorial for graduation natin. Dapat nasa Public Affairs Office na ng 8am. Kapag hindi nakapagpa-picture sa araw na ito, pagkatapos pa umano ng graduation kayo pwedeng magpa-picture.

Samantala, sa May 6 naman ang ating Baccaleureate Mass.

Tuesday, April 07, 2009

Ang Mahiwagang Pink Card

Ok, so meron na pong ilan sa atin na nakapost na ang pangalan sa "Tentative List of Graduates", at kabilang na ang inyong lingkod roon. Nakausap ko rin si Heleena at nakuha na rin nya yung kanya, although hindi pa raw sya nagpapapirma. Anyway, kaming dalawa ni Pamela ang magkasama upang kunin ang aming mga pink card. Kung hindi nyo alam, sa Ground floor, South Wing kinukuha iyon, sa Window 1 exactly.

Sa Window 1 ay may dalawang pila. Yung nasa kaliwa ay para sa mga kumukuha ng pink card at approved application for graduation, habang ang nasa kanan ay para sa mga gumraduate na kumukuha ng kanilang diploma/transcript of records.

Bale may sariling office hours (1:30PM-4:30PM; 5:30PM-7:00PM) ang window 1 na yan, kaya naman naghintay pa ako hanggang 5:30PM dahil di ko inabot yung 4PM. Anyway, para hindi na kayo magka-problema ay ipasa nyo na rin sa window 1 ang mga deficiency (Form 137 or NSO-certified birth certificate) nyo pagkabigay ng pink card sa inyo. Kung sakali namang hindi nyo pa pwedeng maibigay ang mga ito, kailangan nyong magpasa ng promissory note kung saan mangangako kayong ipapasa ang deficiency sa isang takdang petsa. Ok lang kahit sa yellow paper nyo ito gawin, basta may maipasang promissory note na may pirma nyo.

Ang ibibigay sa inyo ng Window 1 ay ganito ang hitsura, isang application for graduation na dati nating finill-up-an, at ang dalawang pink card para sa dalawa nating subject:























Kung mapapansin nyo ay may pirma na yung pinka card na pinapakita ko sa inyo. Iyan ay dahil nakapagpa-pirma na kami ni Pham kay Sir Don. Pero actually, isang subject pa lang ang pwede mapirmahan nya (Thesis Writing), dahil ang gradesheet natin sa Internship ay na kay Mart pa.

Nga pala, kapag nag-fill-up na kayo ng pink card ay wag kalimutan ang instructions sa likod nito. Heto at ilalagay ko na rin dito sa blog natin:
  1. Fill all blanks except those for the final grade, the required signatures and dates.
  2. Submit the accomplished card to your respective instructor.
  3. Secure your instructor's signature acknowledging receipt of this card.
  4. Detach "student copy" duly signed by your instructo and keep it.
Well, yan yung nakalagay na instructions for the student, at meron pang instructions for the instructor. Siguro pag tinamad si Sir Don, baka sa atin na rin nya ipa-pirma kay Dean yung Dean's copy.

Pang-segue lang, dahil nabalitaan ko kay Pamela na si Mart ay may trabaho na rin, at sya ay isang Executive Secretary ng Station Manager ng 93.9 iFM. Ayan, sya na ang pangatlo sa klase (sumunod kay Mearah at Erica) na pasok na sa media. Well, kung may di pa ko nasasagp, pakibalitaan na lang ako, hehe.

Monday, April 06, 2009

LET'S SUPPORT PUPians IN NISSIN'S TALENT SEARCH>>

Mga kapatid, hinihingi namin ang inyong digital power para sa dalawa nating katoto na kasali sa NISSINDIVIDUALITY, isang talent search na binuo ng NISSIN. Hindi ko lang alam kung anong college si Jennifer, pero si Nikki ay collegemate natin sa COC, isa siyang incoming fourth year Journalism student. Wag nyo kalimutan i-verify sa email nyo ah, para ma-count yung vote nyo.. Kung marami kayong email, gamitin nyo lahat kasi 1 email is 1 vote.. Spread nyo yung message ah, kasi kailangan natin maunahan yung ibang top schools. Medyo unfair nga ang nangyari eh, kasi late nang naipost yung ibang entries gaya ng PUP kaya anlaki na ng lamang nung ibang schools.

Jennifer Marcelio, Dean's Lister Category
(click link below to vote)
http://www.nissindividuality.com/contestants.php?coid=86


Anne Dominique delos Santos, Musikero Category
(click link below to vote)
http://www.nissindividuality.com/contestants.php?coid=89


Sunday, March 29, 2009

BBrC159 is No. 1!

Yes mga kapatid, we made it! Napatunayan na naman nating tayo ang da best, sa pagtatapos ng huling Recognition Day ng ating college life. Sa anim na awards na para sa graduating students, lima dito ang nakuha natin:
  1. Most Outstanding Graduating Student: Mart Elias Carlo Marañon
  2. Most Active Graduating Student (Leadership Award): Jan Meynard Nualla (Broadcast Communication); Aiko Buduan (Journalism)
  3. Best Quantitative Research (tie with BBrC 4-1N): A Research-Based Communication Plan Popularizing Natural Gas Among Public Utility Jeepney Drivers in Metro Manila (Nualla/Valiente/Gapasin/Bibat/Ngui)
  4. Best Qualitative Research: Itutuloy... Research-Based Strategies in Reviving the Philippine Komiks Industry (Asidao/Formales/Llabore/Murillo/Pasumbal)
  5. Most Active Graduating Class: BBrC 4-1D
  6. Most Outstanding Graduating Class: BJ 4-1D
Bukod diyan, nabigyan din ng Award of Recognition ang institutional research ng klase, ang Socio-Economic Profile of COC Freshman Students for School Year 2008-2009 (Sallegue/Marañon/Abanilla/Fruto/Perez/Garcia/Villalon/Parreño/Cruz/Ong), at si Mart naman ang naging Top President's Lister. Ang saya hindi ba? Gayunpaman, congratulations din sa iba pang section at lahat tayong mga ga-graduate ngayong Mayo, dahil lahat tayo ay talagang nagsikap upang maabot ang puntong ito. Sayang nga lang at hindi nagpunta ang klase upang masaksihan ang karangalang ating natamo.

Meron ding ilang maliit na frustrations ang klase sa araw na ito. Hindi na naman kasi nakapag-apply ang klase para sa University Scholar certifications. Disinsana'y marami sana sa atin ang may President's at Dean's Listers.

Samantala, mukhang hindi pa rin malinaw kung ilan sa klase ang pupunta sa Graduation Party na gaganapin sa Astoria Hotel sa Ortigas sa April 24. Marami rin kasi ang nagsabing ayaw nilang pumunta. Iba-iba ang dahilan: dahil walang pera, dahil hindi naman kumpleto ang klase, dahil magpa-plastikan lang raw, atbp.

Siyangapala, naipasa na ang lahat ng gradesheet natin, kaya pwede nyo nang tignan kung nasa tentative list na kayo ng mga graduates. Kung naroon na kayo, pwede nyo nang kunin ang pink card sa Window 1 pagkatapos maipresenta ang inyong registration card na may tatak na "fully paid".

Advertisement: May panibagong video tayo sa YouTube para sa ating Vlogs category, at yun ay ang short clip ng naging intermission number ng Teatro Komunikado noong recognition day. Para sa iba pang videos, magpunta lang sa youtube.com/bbrc159. Pwede nyo ring silipin ang mga pictures ng event na yon sa bbrc159.multiply.com.


Saturday, March 07, 2009

GMA-7 visits COC

Here is a new upload on our Video Center, "Atty. Felipe Gozon at PUP COC's 7th Founding Anniversary". Another exclusive, this was the video used to introduce GMA Network's President, Chairman & CEO during the convocation of PUP College of Communication's 7th Founding Anniversary last July 29, 2008.

BBrC159. Giving you only the best.

Watch out for more, only here on BBrC159.


muntik nang di maka-graduate ang loko

Marahil ay hindi na lingid sa inyong mga sumusubaybay dito sa ating website na nagkaroon ng isyu tungkol sa pagkaka-upload natin sa mga video ni Dr. Ma. Lourdes DP Garcia sa YouTube. Hayaan ninyong bigyan ko kayo ng update sa mga naganap. Nang umabot sa kaalaman ni Dr. Malou ang mga nasabing video nitong Martes, Marso 3, agad umano syang nagbanta na magdedemanda siya ng libel. Sa tulong ng ilang mga COCian na nakasaksi rito, na-abisuhan kami at agad na rin naming isina-pribado ang mga video. Naku ha, hindi ko lubos akalain na ganun na lang ang iaabot ng kasikatan (anu raw?!) ng ating mga site dito sa World Wide Web.

Kinabukasan ay agad nang nakipagkita ang mga sangkot (JM, Edryan, Mearah) matapos ipatawag ni Dr. Malou sa Graduate School ng pasado alas-6 ng gabi. Naroon upang tumayong suporta at saksi sina Mart at Jerome. Bagamat saktong alas-7 ako dumating, nagsimula na si Maam Garcia sa pagpapaliwanag ng mga 'grounds' nya upang kami ay idemanda ng libel. Mukhang pinaghandaan nya ang mga sinabi nya sapagkat mayroon pa syang notebook, at isa-isa nyang sinabi (sa wikang Ingles) ang mga elemento ng libel gaya ng "hurting reputation" at "malice". May sinabi pa syang "ignorance of the law excuses no one". Dinagdag nya pa na bilang isang doctor, hindi lang umano nasira ang kanyang pangalan kundi maging ng unibersidad. Pinagtatawanan umano sya ng kanyang mga "detractors".

Bilang pagtatanggol, sinabi nina Edryan na ang mga lyrics na nakita sa videos ay typographical error, at hindi lang naiintindihan ng mga nakanood na ang mga kinanta ni Maam Garcia ay katuwaan lamang namin sa klase. Dinagdag ko naman na ang mga katagang Sto. Niñong Gala ay expression lamang naming magkakaibigan sa klase, at ang website na iyon ay mga video ng aming klase. Noong una kasi ay inakala ni Maam Garcia na ginawan umano namin sya ng sarili nyang website sa Youtube, ngunit hindi naman ito totoo kaya agad kaming nagpaliwanag. Sinabi namin na kung may intensyon kaming siraan sya, disinsana'y hindi namin nilagay ang aming pangalan sa credits, o kaya naman ay hindi sa Youtube ng klase namin inupload kundi sa isang untraceable na site.

Samantala, tinanong kami ni Maam Garcia kung sino sa tingin namin ang mga "detractor" na gustong sumira sa kanya, kaya negatibo ang pinapakitang reaksyon sa mga video nya, na sa isang banda ay ipinagmamalaki din pala nya dahil sya lang ang propesora sa PUP na may video sa Youtube, kaya iniisip nya rin na talagang mayroon lamang syang detractors na gusto siyang siraan. Ginatungan pa ito ni Mearah nang sabihin nyang baka kasi pinag-uusapan na ang umano'y pagbabalik nya bilang dean ng COC.

Upang solusyunan ang nangyari, nagpagawa si Maam Garcia ng kasunduan kung saan ay "stipulated" ang mga nagawa namin, at maliban dito ay gagawa kami ng isang video na ipo-post rin sa YouTube, na magpapabango sa kanyang pangalan. Isinuhestiyon ang mga testimonya mula sa iba't ibang taga-unibersidad na magsasabing tama ang mga itinuro ni Maam Garcia sa pagbigkas ng salitang "Psychology".

Marso 6 nang bumalik sina Mearah, Edryan, Jerome at Mart upang muling ipresenta ang mga ipinagawa nya, at sa wakas, maayos na ang lahat.

Ang lesson: tsaka gumawa ng kalokohan pagkatapos gumraduate.. joke! haha

Samantala, sa mga nag-oOJT pa sa inyo, ayoko mang bawasan ang momentum ninyo subalit, ayon sa ating source, mayroon na umano tayong grade sa Internship, at 1.25 ang lahat. Ang mga ipapasa nating documents, ay formality na lamang umano. Kaya wag nyo na siguro masyadong karirin ang pagdo-document.


Sunday, February 01, 2009

one step closer to graduation

---------THESIS---------
Yes mga kapatid, dahil sa pagtatapos ng defense period, mas malapit na tayo sa pinaka-aasam na graduation ng lahat. Sa miting kay Sir Don sa huling araw ng defense ng klase (January 28), pina-alala nya na bagamat tapos na ang defense, gawin na natin agad ang mga recommendations na pinapadagdag ng panel sa kanya-kanyang mga thesis dahil baka mawala ang momentum pag nagpahinga. Dagdag pa nya, huwag basta-basta gawin ang mga changes nang hindi ikinokonsulta sa kanya bilang adviser, lalo na kapag halimbawang contradicting ang suggestion ng dalawa sa inyong panelists. Heto at ia-outline ko na ang huling steps para sa thesis natin:
  1. Pagkatapos maidagdag ang mga recommendations ng panel (nang may approval ng adviser), isa-isang ipakita sa panel ang manuscript, lalong-lalo na ang mga specific changes na sinabi nila. Kailangang dala rin sa pagpapacheck sa panel ang manuscript na may notes nila upang mapatunayan na nasunod ang changes na sinabi nila, o kung hindi man, maipaliwanag kung bakit hindi nasunod. Dapat may dalang limang approval sheet (o higit pa) para papirmahan dahil isa itong dokumento kaya kailangang authentic ang mga pirma kapag ipina-bookbind. Unahin ang mga miyembro ng panel bago ang chair.
  2. Ilalagay ng adviser ang grade sa mga approval sheet. Tandaan: ang grade na nakalagay sa manuscript ay ang grade ng defense, hindi ito ang grade na nasa class card dahil ang nasa class card ay may kasama pang ibang grade, gaya ng peer evaluation.
  3. Maaari na ngayong ipa-edit ang buong manuscript pagkatapos ma-approve ng panel at mapirmahan ng adviser (o maaari ring ipa-edit muna bago ipa-check sa panel).
  4. Ipa-bookbind na ang bagong manuscript na may limang kopya: isa sa adviser, isa sa National Library, isa sa kolehiyo, isa sa PUP main library at isa para sa grupo. Iba ang kaso kapag institutional research dahil lima ang panel nito, at iba rin ang kaso kung ayaw magpakopya ng grupo o gusto ng grupo ng kopya bawat isa. Dapat ay kumpleto na ang laman ng ipapa-bookbind mula acknowledgements, appendices, curriculum vitae, etc. kabilang ang original na pirmadong approval sheet. Kulay maroon ang kulay ng cover ng manuscript para sa Broadcast Communciation students.
  5. Agad ipadala ang mga kopya sa dapat padalhan.
  6. Kailangan ring magsubmit ang klase ng documentation ng defense at compilation ng abstract ng lahat ng thesis ng klase. Ito ay nakalagay sa clearbook, kung saan una ang abstract ng unang grupo tapos ang pictures nila sa sunod na page, and so on.
  7. Kapag naisumite na ang thesis, pipirmahan na ng adviser ang pink card for graduation.
TANDAAN: Isa-submit ang grades sa registrar bago mag-March 14 kaya kailangang i-submit ang thesis sa unang linggo ng Marso.

Pagkatapos banggitin ni Sir Don ang prosesong ito, nagbigay sya ng clue sa mga grade ng mga thesis ng klase:
  • tatlong grupo ang unanimous 1.0
  • dalawang grupo ang 1.25
  • dalawang grupo ang 1.5
  • isang grupo ang 1.75
  • isang grupo ang wala pang grade

---------CLASS ACHIEVEMENTS---------

Ipinaalala rin ni Sir Don na mamimili rin si Sir Don ng isasali sa Best Quantitative Research at Best Qualitative Research. Sinabi rin niya na hindi porke't unanimous uno ay isasali na, dahil may criteria rin na "impact". Kapag magpapa-pirma na ng manuscript ang grupo kay Sir Don, doon niya sasabihin kung isasali niya ang grupo sa contest.

Samantala, binanggit rin ni Sir Don ang tungkol sa search for the Most Outstanding Graduating Class (MOGC) at Most Active Graduating Class (MAGC). Para sa MOGC, point system ang labanan, kung saan, binibilang ang mga accomplishments ng klase, gaya ng mga sumusunod:
  • college seminar/activity (0.5 point)
  • university-wide seminar/activity (1 point)
  • national seminar/activity (5 points)
  • international seminar/activity (10 points)
  • number of scholars
  • number of dean's lister, president's lister
  • membership to organizations
  • creative works
  • cumulative score ng grades ng lahat ng thesis ng klase
Para naman sa MAGC, pinagbobotohan ito ng lahat ng faculty. Kaya naman klasmeyts, manliligaw na kayo ng faculty, hahaha!

Maliban dito, mayroon ding hinahanap na Most Outstanding Graduating Student (MOGS). At nag-sigawan ang lahat para kay Mart! hahaha

Samantala, nananawagan si Mart sa lahat na magpasa na rin ng photocopy ng achievements na nakalagay sa long brown envelope (na una ko nang ginawa, hehe).


---------PRACTICUM---------
Gaya ng naunang nasabi sa blog na ito, OK kay Sir Don ang 150 Radio : 150 TV at ang 100 Radio : 100 TV : 100 other media na distribution of hours sa practicum. Para sa practicum, kailangang maipasa ang mga necessary documents sa March 10. Tig-iisang long plain folder dapat bawat media (TV/Radio/etc) at ilalagay ang mga ito sa isang black expandable envelope. Ang mga laman ng bawat folder ay:
  • evaluation in "sealed" white envelope (may pirma ng supervisor sa seal)
  • photocopy of internship certification
  • KBP ID (kung meron)
  • OJT ID
  • daily time record (time card or photocopied logbook)
  • journal (online journal to be printed)
  • communications (endorsement letters)
  • curriculum vitae/resumé
  • pictures during work (intern must be shown, not just the establishment)
  • creative outputs (i.e. script, recordings, etc.); if not applicable, pictures are ok

---------GRADUATION BALL---------
Magsu-survey ang COC Alumni Association sa mga graduating students kung gusto nilang mag-GradBall. Tatlong taon na raw kasi nang huling mag-GradBall ang kolehiyo. Kapag lumabas sa survey na oo, maghahanap ng hotel para sa event. Ang tantya ni Sir Don ay mga P1200 dahil ganoon ang nagastos noong nakaraang GradBall habang P700 sa nauna pa doon. Dito na rin magbobotohan para sa mga magiging officers ng bagong batch ng Alumni Association.
LOOKING FOR THE ONAKULEOM SITE?
IT'S HERE: www.ONAKULEOM.tk