(Repost from Edryan's Multiply account)
Halos apat na taon din kami nagsamasama ng mga ito sa loob ng isang klasrum, apat na taon na punong puno ng mga masasaya, malulungkot at hindi makakalimutang mga pangyayari, madaming mga nagbagao sa amin, ngunit ang samahan na hindi matatawaran ay patuloy pa din na naroon at hindi nagbabago.
Maraming nabuong pagkakaibigan ang apat na taon naming pamamalagi sa aming kolehiyo, pagkakaibigan na hindi mapapantayan ng sino man, mga bagay na hindi malilimutan na nabuo sa nilumpon na apat na taon,ang mga tawanan ng bawat isa sa amin sa bawat pagpapatawa nila Ronald, Archibald at bezaleel ang mga biruan na animo’y walang pagsidlan sa sobrang dami,ang mga away bata na ni sa kisap ng mata ay tinatawanan na lamang namin ngayon.
Apat na taon, ng hirap at saya, hirap na sa araw araw ay kailangan mong magaral ng leksyon upang pumasa sa mga pagsusulit na ihahain ng iyong propesor, hirap na sa bawat pagpupuslit ng mga kopyahan na masasabing parte ng aming pagaaral bilang isang estudyante.
Masaya ako sa seksyon na aking napuntahan, seksyon lamang namin ang nakapagpaiyak ng propesor, nakapagpawalk-out ng propesor, nakasagot ng pabalang sa propesor, nakapagpasaya ng sobra sobra sa aming propesor at tanging estudyante lamang ng aming seksyon ang muntik ng makasuhan ng aming mahal na propesor.
Hinding hindi namin makakalimutan ang mga overnights naming sa eskuwelahan upang matapos lamang ang isang play at maitanghal ito ng buong galak, ang mga pagkataranta sa bawat productions o booth man na gagawin, ang mga ambagan na nagpapasimangot sa amin kapag masyado ng malaki sa laman ng bulsa namin upang ibigay, ang mga intermission numbers sa bawat gap ng eskuwelahan na pinamumunuan ni mearah, ni jozwealth at ng iba pa, habang walang tigil sa pagtawa sit racy, joy, michelle at tinie.
Ang mga meetings ng mga grupo na animo’y kung ano ang pinaguusapan, ang mga balita t tsismis na umikot sa paligid ng bawat isa sa amin.
Masasabi kong mapalad ako at napabilang ako sa seksyon na ito, masaya ako at nakilala ko ang 42 estudyante na magkakaiba ng ugali, at ang karanasan ko na matuto sa bawat isa sa kanila, magmula sa abanilla hanggang villalon.
Masaya ko na makatagpo ng mga tunay na kaibigan sa seksyon na ito, mga kaibigan na palaging nasa tabi ko pag may problema o masasayang mga pangyayari na naganap sa akin, mga tunay na kaibigan na handing tumulong kahit anong oras, masaya ako na makapagbahagi ng ngiti sa kanila at mga kwento
Kulang ang apat na taon sa aming lahat, ngunit ang lahat ng ito ay may katapusan. ngayon, mabibilang na lamang sa aming mga daliri ang araw na magkikita kita ang bawat isa sa amin, malapit na ang aming pagtatapos, at kagaya ng blog ni mujay, ang iba ay malalayo na sa amin, ang iba ay hindi na rin namin makikita sapagkat uuwi na ang mga ito sa probinsya, ang iba naman ay magiging abala na sa trabaho na kanilang pinasukan, pero ang mga bagay na hindi namin makakalimutan ay ang mga samahan na nagpatibay na aming pagkatao.
Wala na ang maagang pagising sa umaga, at paghahabol sa oras ng subject,ang mga assignments ang mga libro at bayarin, wala na ang mga tawanan na yumayanig sa tenga namin, itoy unti unti nang hihina pansamantala,wala na ang away bata, wala na ang mga productions na gahol naming ginagawa.
Sa buong RC 4-1D BATCH 2009,SALAMAT SA LAHAT.ALAMAT.
Ito ang ilan sa mga naipong larawan ng seksyon natin sa apt nation natin pagsasama.=’)
credits to archie lenchico and mimz gonzales for some of the pictures posted and jerome ricamata for the song.=))
(To see Edryan's Slideshow, click here>>)
No comments:
Post a Comment