Wednesday, April 29, 2009

four years of friendship.one section.BBRC159.

(Repost from Edryan's Multiply account)

Halos apat na taon din kami nagsamasama ng mga ito sa loob ng isang klasrum, apat na taon na punong puno ng mga masasaya, malulungkot at hindi makakalimutang mga pangyayari, madaming mga nagbagao sa amin, ngunit ang samahan na hindi matatawaran ay patuloy pa din na naroon at hindi nagbabago.

Maraming nabuong pagkakaibigan ang apat na taon naming pamamalagi sa aming kolehiyo, pagkakaibigan na hindi mapapantayan ng sino man, mga bagay na hindi malilimutan na nabuo sa nilumpon na apat na taon,ang mga tawanan ng bawat isa sa amin sa bawat pagpapatawa nila Ronald, Archibald at bezaleel ang mga biruan na animo’y walang pagsidlan sa sobrang dami,ang mga away bata na ni sa kisap ng mata ay tinatawanan na lamang namin ngayon.

Apat na taon, ng hirap at saya, hirap na sa araw araw ay kailangan mong magaral ng leksyon upang pumasa sa mga pagsusulit na ihahain ng iyong propesor, hirap na sa bawat pagpupuslit ng mga kopyahan na masasabing parte ng aming pagaaral bilang isang estudyante.

Masaya ako sa seksyon na aking napuntahan, seksyon lamang namin ang nakapagpaiyak ng propesor, nakapagpawalk-out ng propesor, nakasagot ng pabalang sa propesor, nakapagpasaya ng sobra sobra sa aming propesor at tanging estudyante lamang ng aming seksyon ang muntik ng makasuhan ng aming mahal na propesor.

Hinding hindi namin makakalimutan ang mga overnights naming sa eskuwelahan upang matapos lamang ang isang play at maitanghal ito ng buong galak, ang mga pagkataranta sa bawat productions o booth man na gagawin, ang mga ambagan na nagpapasimangot sa amin kapag masyado ng malaki sa laman ng bulsa namin upang ibigay, ang mga intermission numbers sa bawat gap ng eskuwelahan na pinamumunuan ni mearah, ni jozwealth at ng iba pa, habang walang tigil sa pagtawa sit racy, joy, michelle at tinie.

Ang mga meetings ng mga grupo na animo’y kung ano ang pinaguusapan, ang mga balita t tsismis na umikot sa paligid ng bawat isa sa amin.

Masasabi kong mapalad ako at napabilang ako sa seksyon na ito, masaya ako at nakilala ko ang 42 estudyante na magkakaiba ng ugali, at ang karanasan ko na matuto sa bawat isa sa kanila, magmula sa abanilla hanggang villalon.

Masaya ko na makatagpo ng mga tunay na kaibigan sa seksyon na ito, mga kaibigan na palaging nasa tabi ko pag may problema o masasayang mga pangyayari na naganap sa akin, mga tunay na kaibigan na handing tumulong kahit anong oras, masaya ako na makapagbahagi ng ngiti sa kanila at mga kwento

Kulang ang apat na taon sa aming lahat, ngunit ang lahat ng ito ay may katapusan. ngayon, mabibilang na lamang sa aming mga daliri ang araw na magkikita kita ang bawat isa sa amin, malapit na ang aming pagtatapos, at kagaya ng blog ni mujay, ang iba ay malalayo na sa amin, ang iba ay hindi na rin namin makikita sapagkat uuwi na ang mga ito sa probinsya, ang iba naman ay magiging abala na sa trabaho na kanilang pinasukan, pero ang mga bagay na hindi namin makakalimutan ay ang mga samahan na nagpatibay na aming pagkatao.

Wala na ang maagang pagising sa umaga, at paghahabol sa oras ng subject,ang mga assignments ang mga libro at bayarin, wala na ang mga tawanan na yumayanig sa tenga namin, itoy unti unti nang hihina pansamantala,wala na ang away bata, wala na ang mga productions na gahol naming ginagawa.


Sa buong RC 4-1D BATCH 2009,SALAMAT SA LAHAT.ALAMAT.

Ito ang ilan sa mga naipong larawan ng seksyon natin sa apt nation natin pagsasama.=’)

credits to archie lenchico and mimz gonzales for some of the pictures posted and jerome ricamata for the song.=))

(To see Edryan's Slideshow, click here>>)

Tuesday, April 28, 2009

Update: COC is Cluster B in Graduation Line-up

Yes, Cluster B tayo sa gaganaping PUP Commencement Exercises sa May 8, 2009 sa World Trade Center, Pasay City. Ibig sabihin, pang-hapon tayo, 1pm onwards. Ang init noh? May sinabi pa kasing dumating one hour earlier, e di tanghaling tapat yun.. haha

Cluster B:
College of Accountancy (CoA)
College of Communication (CoC)
College of Business (CB)
College of Architecture and Fine Arts (CAFA)
College of Engineering (CE)
College of Languages and Linguistics (CLL)


Sunday, April 26, 2009

Ang Bagong Kahulugan ng CoC: Certificate of Candidacy

Noong April 20 nga ay natuloy na ang pictorial ng BBrC students para sa PUP Yearbook na tinatawag na Memorabilia. Sa pangunguna ng Public Affairs Office (PAO), isa-isang kinunan nang naka-toga ang mga graduating students. Una sa pila ang ating klase, ang BBrC 4-1D. Salamat muli kina Jerome at Joseph ng PAO para sa oras na inilaan nila para makopya ko ang mga larawan natin na inyong makikita dito: http://bbrc159.multiply.com/photos/album/129/BBrC_4-1D_Graduating_Class_Pictorial_Raw_Unedited. Malamang graduate na tayo kapag nailabas ang yearbook, at edited na ang mga larawan.

Iyun din ang araw para sa pagsumite ng pink cards at photocopy ng 4th year 2nd sem class cards ng mga graduating with honors.

Narito ang mga dapat puntahan para magpapirma ng clearance form:
  • Library - sa Archives, second floor
  • Laboratory - E302; bago mapirmahan, kailangan intindihin/kabisaduhin ang nakasulat sa memo kung saan nakalagay ang mga panuntunan sa gaganaping commencement exercises
  • ROTC/CWTS -
  • P.E. - sa table sa tapat ng entrance ng gymnasium
  • Dean/Director - una muna sa adviser kung saan mag-aattach sya ng note na nagsasabing cleared ka na sa lahat ng financial obligations sa kolehiyo, pangalawa ay sa chairperson's office kung saan pipirmahan din ang note, at huli sa Dean's Office
  • Accounting/Student Services - bago ito mapirmahan, kailangan munang makapagbayad ng lahat ng fees
  • Internal Audit - hindi ito mapipirmahan hangga't walang pirma ang Accounting at walang Certificate of candidacy
  • Legal Office - hindi ito mapipirmahan hangga't walang pirma ang Internal Audit
  • Alumni - hindi ito mapipirmahan hangga't walang pirma ang
  • PAO - ipapakita muna ang resibo ng toga bago pirmahan
Ang mga kailangan namang bayaran bago mapirmahan ang Accounting ay ang mga sumusunod. Ang mga ito ay nahahati sa tatlong triplicate na resibo:

Unang Resibo:
Graduation Picture / Toga = P190
TOTAL = P190
Ikalawang Resibo:
Scannable Fee = P60
Transcript = P200
Certification = P50
TOTAL = 310
Ikatlong Resibo:
Diploma / Graduation = P700
Memorabilia (Yearbook) = P1200
TOTAL = P1900
*At may dagdag bayarin ding P300 para sa Alumni para:
OVERALL TOTAL = P2700

Ang ating mga kaklase ay nasa iba't ibang bahagi na ng clearance, at iba-ibang diskarte rin sila. Karamihan ay di sinunod ang order ng pirma sa clearance, depende sa kung ano ang available at mas efficient. Pero ang bottomline, lahat ay wala pang pirma sa Internal Audit at Legal Office, dahil naghahanap pa ang Accounting office ng Certificate of Candidacy (CoC) na manggagaling kay Maam Ruedas ng University Registrar's Office para mapirmahan. Ang huling ulat, ngayong araw na ilalabas ang CoCs, kaya naman kitakits.

**TOGA MEASUREMENT (April 22-30, 9AM-5PM, Room E204); wag kalimutang dalhin ang resibo ng toga.

Thursday, April 16, 2009

Pink Card > Clearance Form > Grad Pic

Gaya nga ng nabanggit sa naunang post, tunay na mahiwaga ang dalawang pink card. Bakit? Dahil sa huli kong pakikibalita sa ating mga kaklase, napag-alaman kong may mga kailangan ka pang gawin bago mapirmahan ang mga ito.

Una, ang sa Thesis Writing pink card, kung saan kailangan nakapagbayad na ng kalahati sa Graduation Party fee na may kabuuang halaga na P1300. May nakapagsabi pa nga sa akin na dahil hindi siya sasama, hindi umano perfect 1.0 ang ibinigay sa kanya. Ngunit sa huling napag-alaman ko, hindi na raw tuloy ang GradParty, pero yun umanong mga nagpa-lista na sasama ay kailangan magbayad ng P100 dahil na-reserve na yung venue.

Pangalawa, ang sa Internship pink card, kung saan kailangan naman magbayad ng P1000 scholarship donation na project ng COC Alumni Association. Sa huling ulat, nalaman kong 70% lang ng grade natin sa Internship ang galing sa OJT evaluation/documentation natin, habang ang 30% ay manggagaling sa laki ng ibinayad sa scholarship. Kung P800-P1000 daw ang ibinigay, flat 1.0 ang magiging grade, at pababa ito ng pababa kung mas maliit ang ibibigay. Ang sabi sa akin, kahit at least P300 daw ang kailangan ibayad para mapirmahan ang pink card.

Nakalulungkot, dahil kahit sa huling bahagi ng ating buhay-kolehiyo, may bahid pa rin ng pananamantala sa ating mga estudyante. Aaminin ko, makailang-beses akong bumigay sa mga bagay na gaya nito simula noong first year pa lang kami, dahil gusto kong matapos na lang ang problema. Subalit sa panahon ngayon na kapos kami sa pera, mas naiintindihan ko na ang sentimyento ng mga kaklase kong noon pa man ay iling na sa ganitong sistema.

Tila ba masyadong consequentialist ang mga taong ito. Naka-hilig sa mga katagang "the end justifies the means." Bagamat may maitutulong sa mga kapus-palad na estudyante ng kolehiyo ang pagdo-donate namin (kailangan makalikom ng 10 alumni na magdodonate ng tig-100, kaya P100 ang sinisingil), hindi naman yata kaaya-aya ang sapilitang paglikom nito mula sa aming mga estudyante rin naman, na ang ilan ay kapus-palad rin. Ironic pa, dahil close ang klase natin sa faculty. Sabi nga ng isang nakausap ko, hindi naman siguro magiging dahilan para hindi siya maka-graduate ang hindi pagbayad, dahil hindi naman ito bahagi ng Internship nya. If worse comes to worst, ika nga, papapuntahin umano nila sa school ang mga magulang nila upang magreklamo.

Sa isang bagong ulat na aking natanggap, ang ilan sa atin na kumuha ng pink card kanina ay nakuha na rin ang kanilang clearance form, hindi kagaya ng mga nauna. Ang clearance form kasi ang susunod na hakbang pagkatapos maisumite ang mga napirmahang pink card. Kailangan itong papirmahan sa iba't ibang opisina gaya ng P.E., Janitorial, Medical, Accounting, Legal, atbp. Bago umano mapirmahan ang Accounting, ay kukuha ng resibo sa Window 5 (sa dating ARO, tapat ng linear park). Nakalagay sa resibo ang mga dapat bayaran, bagamat wala pa umanong pinal na listahan nito. Ang napag-alaman kong breakdown ay ang mga ss: P600 graduation fee, P1200 diploma, at P100 Memorabilia (yearbook).

Anyway, ipapaalala ko na lang na sa April 20, Lunes, ay ang pictorial for graduation natin. Dapat nasa Public Affairs Office na ng 8am. Kapag hindi nakapagpa-picture sa araw na ito, pagkatapos pa umano ng graduation kayo pwedeng magpa-picture.

Samantala, sa May 6 naman ang ating Baccaleureate Mass.

Tuesday, April 07, 2009

Ang Mahiwagang Pink Card

Ok, so meron na pong ilan sa atin na nakapost na ang pangalan sa "Tentative List of Graduates", at kabilang na ang inyong lingkod roon. Nakausap ko rin si Heleena at nakuha na rin nya yung kanya, although hindi pa raw sya nagpapapirma. Anyway, kaming dalawa ni Pamela ang magkasama upang kunin ang aming mga pink card. Kung hindi nyo alam, sa Ground floor, South Wing kinukuha iyon, sa Window 1 exactly.

Sa Window 1 ay may dalawang pila. Yung nasa kaliwa ay para sa mga kumukuha ng pink card at approved application for graduation, habang ang nasa kanan ay para sa mga gumraduate na kumukuha ng kanilang diploma/transcript of records.

Bale may sariling office hours (1:30PM-4:30PM; 5:30PM-7:00PM) ang window 1 na yan, kaya naman naghintay pa ako hanggang 5:30PM dahil di ko inabot yung 4PM. Anyway, para hindi na kayo magka-problema ay ipasa nyo na rin sa window 1 ang mga deficiency (Form 137 or NSO-certified birth certificate) nyo pagkabigay ng pink card sa inyo. Kung sakali namang hindi nyo pa pwedeng maibigay ang mga ito, kailangan nyong magpasa ng promissory note kung saan mangangako kayong ipapasa ang deficiency sa isang takdang petsa. Ok lang kahit sa yellow paper nyo ito gawin, basta may maipasang promissory note na may pirma nyo.

Ang ibibigay sa inyo ng Window 1 ay ganito ang hitsura, isang application for graduation na dati nating finill-up-an, at ang dalawang pink card para sa dalawa nating subject:























Kung mapapansin nyo ay may pirma na yung pinka card na pinapakita ko sa inyo. Iyan ay dahil nakapagpa-pirma na kami ni Pham kay Sir Don. Pero actually, isang subject pa lang ang pwede mapirmahan nya (Thesis Writing), dahil ang gradesheet natin sa Internship ay na kay Mart pa.

Nga pala, kapag nag-fill-up na kayo ng pink card ay wag kalimutan ang instructions sa likod nito. Heto at ilalagay ko na rin dito sa blog natin:
  1. Fill all blanks except those for the final grade, the required signatures and dates.
  2. Submit the accomplished card to your respective instructor.
  3. Secure your instructor's signature acknowledging receipt of this card.
  4. Detach "student copy" duly signed by your instructo and keep it.
Well, yan yung nakalagay na instructions for the student, at meron pang instructions for the instructor. Siguro pag tinamad si Sir Don, baka sa atin na rin nya ipa-pirma kay Dean yung Dean's copy.

Pang-segue lang, dahil nabalitaan ko kay Pamela na si Mart ay may trabaho na rin, at sya ay isang Executive Secretary ng Station Manager ng 93.9 iFM. Ayan, sya na ang pangatlo sa klase (sumunod kay Mearah at Erica) na pasok na sa media. Well, kung may di pa ko nasasagp, pakibalitaan na lang ako, hehe.

Monday, April 06, 2009

LET'S SUPPORT PUPians IN NISSIN'S TALENT SEARCH>>

Mga kapatid, hinihingi namin ang inyong digital power para sa dalawa nating katoto na kasali sa NISSINDIVIDUALITY, isang talent search na binuo ng NISSIN. Hindi ko lang alam kung anong college si Jennifer, pero si Nikki ay collegemate natin sa COC, isa siyang incoming fourth year Journalism student. Wag nyo kalimutan i-verify sa email nyo ah, para ma-count yung vote nyo.. Kung marami kayong email, gamitin nyo lahat kasi 1 email is 1 vote.. Spread nyo yung message ah, kasi kailangan natin maunahan yung ibang top schools. Medyo unfair nga ang nangyari eh, kasi late nang naipost yung ibang entries gaya ng PUP kaya anlaki na ng lamang nung ibang schools.

Jennifer Marcelio, Dean's Lister Category
(click link below to vote)
http://www.nissindividuality.com/contestants.php?coid=86


Anne Dominique delos Santos, Musikero Category
(click link below to vote)
http://www.nissindividuality.com/contestants.php?coid=89


LOOKING FOR THE ONAKULEOM SITE?
IT'S HERE: www.ONAKULEOM.tk