Tuesday, December 12, 2006
Jerome's best joke
-Klang-Klang
Hehehe. Cool diba? Nasa blog ko rin 'yan! Isa muling pagpupugay sa kadakilaan ni Jerome sa paglikha ng natatanging joke na ito. :)
accreditation accomplished; now let's go for MOGC! :)
These past few weeks had brought overwhelming pressure to many (not all) COC students, especially those who helped with the accreditation. Several diligent students from our class even sacrificed attendance and activities from classes in other subjects for the sake of helping out our class adviser with those 'nosebleeding' (?) stuffs, as well as carrying the burden that our adviser alone just won't be able to handle. Truly, they (I'm one of them, actually. Although my help wasn't as good as theirs. Haha.) deserve the applause and touching words given by Prof. Bernabe this morning. Plus, isn't it extremely nice to think that all our efforts paid off? Wow! Level 3! So cool.
But still, I don't know what AACCUP stands for.
Just... Let me try. Please don't laugh too hard.
1) Accreditation of Accreditors of Concerned Colleges and Universities in the Philippines? Nah.. That was dumb.
2) Accreditation and Assessment of Cool Colleges and Universities in the Philippines? Yikes. Dumb again. Cute though... Right?
Okay, I'll stop. This is getting too embarrassing. Haha.
Now let's move on to MOGC. Just this morning, Prof. Bernabe informed us that our class is in the running towards becoming the Most Outstanding Graduating Class - or MOGC. My views on that? I think we definitely need to be more united, as well as cooperative with the projects that our class will be tackling in the future. Yes, we are one happy bunch, but let's face it! In a way, we are still demarcated.
We still have two years to show our worth of becoming the Most Outstanding Graduating Class, and I wholeheartedly believe that we can rock this one if only we'll all join hands. :)
As a conclusion, let me share a very commonly used maxim taken from The Three Musketeers - "All for one, and one for all!"
Yehey. We rock! \m/
Friday, December 08, 2006
BABALA: Mga Delingkwenteng Propesor
Noong kami ay mga first year pa lamang (BBrC 1-1D Batch 2005-2006) ay nagkaroon kami ng isang propesor sa aming unang semestre sa subject na EN110 o Study and Thinking Skills in English. Siya ay si Sylvia Basilio. Sa totoo lang, walang bumagsak sa amin sa kanya. Maayos naman ang pagtuturo niya. Pinabili niya lang kami ng librong "Fundamentals of Research and Business Correspondence". Pero nitong araw na ito lamang ay nabasa namin sa dyaryo sa pamamagitan ni Tracy, ang tungkol sa kanya. Narito ang bahaging iyon ng dyaryo:
Mabuti na lamang at hindi niya ginawa sa amin ang ginawa niya sa mga estudyanteng nagreklamo sa BITAG. Sana'y maayos na nila ang gusot na iyan.
Sa amin namang ikalawang semestre bilang first year, sa subject na MT123 o College Algebra, naging propesor namin si Merlyn Sevilla, isang matandang babaeng maputi na pula ang buhok at laging may pamaypay. Agad namin siyang kinakitaan ng kakaibahan dahil sa kanyang ibinabaong pito -- oo, pito/sipol/whistle. Kapag may maingay, pumipito siya ng malakas. Ayos lang sana iyon sa amin dahil nakakatawa naman.
Mayroon din siyang libro na nabibili sa National Book Store, at ang sabi niya, pag bumili kami nito, siguradong pasado na kami sa kanyang klase. Pero ang nangyari, nang matapos ang semestre at makuha namin ang aming mga class cards, lubos kaming nagulat. Ang karamihan ay nakakuha ng 2.0, ang ilan ay 2.25 at 3.0, at may isang na-WITHDRAWN kahit na ni minsan ay hindi siya umabsent. Marami ang napaiyak dahil hindi na sila nakapag-scholarship at nasira ang pangarap nilang makapagtapos ng may honors. Dahil dito, gumawa kami ng isang petisyon laban kay Propesora Merlyn Sevilla. Hindi na namin siya nahagilap dahil ayon sa kanya, nasa Hong Kong na siya noong mga panahong iyon. At ngayong kami ay mga second year na (BBrC 2-1D Batch 2006-2007), muli na naman namin siyang nakita na umaaligid sa kampus ng MasKom. Ipinagdarasal ko na lang na huwag mangyari sa mga kapwa namin estudyante ang nangyari sa amin.
Mayroon pa kaming isang pinagsususpetsahang propesor. Siya ang aming propesor ngayon sa subject na HU110 o Introduction to Humanities. Ang pangalan niya ay Fe Agpaoa. Kakaiba rin siya sapagka't hindi siya pumapayag na may magsuot ng hindi manggas. Pakiramdam niya ata ay Dekada '80 pa rin hanggang ngayon. Hindi ba niya alam na nakasaad sa Student Handbook, partikular na sa Section II - Social Norms Article 1: "Every PUP student is given the liberty to dress up according to his individual taste but he is urged to adhere to the conventions of proper grooming."? Isa pang napaka-kwestiyunable niyang patakaran ay nang sabihin niyang maaari at maaaring hindi siya mag-check ng attendance base sa kanyang gusto. Hindi ba't hindi iyon patas? Siguradong malaki ang magiging epekto nun sa pagiging patas ng grado namin. Ayon na rin sa aming mga nakausap dito sa kolehiyo, inireklamo na rin umano siya dati dahil sa mga kwestiyunable niyang mga polisiya. Umaasa na lamang akong hindi humantong sa petisyon ang takbo ng kanyang pagtuturo sa amin.
Narito at inihain ko sa inyo ang tatlong halimbawa ng ibang mukha ng mga guro. Ang isa, naging maayos ang pakitungo sa amin ngunit sa iba naman ay nagka-problema; ang ikalawa, direkta kaming sinamantala at inabuso ang aming pagiging mga freshmen; ang ikatlo, isang nag-uumpisa pa lamang naming makilala at malaman kung hindi ba kami magkaka-gusot. Ang mga ito'y ilan lamang sa maraming halimbawa ng mga tinatawag na DELINGKWENTEng propesor. Iba pa 'yan sa napakaraming reklamong natatanggap ng PUP Student Publication, ang The Catalyst, sa kanilang kolum na TED PYLON, na siyang nagsisiwalat ng mga modus operandi ng mga delingkwenteng propesor na iyan. Kaya't sa mga kapwa namin estudyante, pinapa-alalahanan namin kayo na maging mapagmatyag at bukas ang isip sa mga ginagawa ng inyong mga itinuturing na ikalawang ina upang hindi kayo maloko. Kung sakali mang may mangyari sa inyong ganitong sitwasyon, huwag matakot at umaksyon. Kung mayroon silang kapit, humingi ng tulong sa iba, gaya ng pagsumbong sa BITAG o anumang organisasyon.
Thursday, December 07, 2006
Kaplastikan sa COC: Akalain Mo?!
Nang mag-umpisa ang AACCUP Visit noong Lunes, December 4, para sa College of Communication Level III Accreditation, napuno ng iba't ibang anyo ng tawagin na lamang nating kaplastikan sa paligid. Sa bungad pa lang ng COC makikita ang mga stall ng mga kalahok sa Ad Expo, isang proyekto ng mga third year BBrC students. Pagpasok pa lang, punung-puno ng tarpauline ang paligid, na masyado yatang uso sa COC, palibhasa ngayon lang ata natutong magpa-tarp. Kulang na lang ata eh pati sa CR lagyan ng VMGO. (Nga pala, naalala ko yung sinabi ni Doc Soriano na MVGO daw dapat ang itawag dun... tama ba?) Napaka-redundant na nga yata eh, na nariyan na ang DBC at DOJ bulletin board, tapos tinabihan pa ng isang sosyaling mechanical tarpaulin na meron ding VMGO gaya ng sa bulletin board. Konting lakad mo pa eh makikita mo naman ang display ng Movers & Motions na may mensaheng nakasulat na bumabati sa mga accreditors (TRIVIA: ang iba pang tawag ng mga klasmeyt natin sa accreditors ay -- ACCREDITATIONERS; at ACCREDITATORS; o diba?).
Nagkwento pa nga si Inay Edna sa mga saloobin nya sa mga bagay na yan eh, at ang tumatak na salita sa amin ay -- SUPERFICIAL. Nung sabihin nya yun, everything else followed. May punto nga naman si Inay. Biruin mo, nandyan ang mga accreditors at magchecheck ng documents ng college nyo sa accreditation room (FYI: Nasa library ang Accreditation Room), tapos nasa baba at ang iingay ng mga estudyante. Sabi nga ng isa nating klasmeyt, "Yan na ba ang tulong ni Dean?... (wag mo na alamin yung sunod nyang sinabi, baka ma-libel pa tayo, hehe joke)"
Ang isa pang punto ni Inay ay ang pagsuot ng uniform ngayong linggo. Heto na naman ang sinabi nyang napaka-quotable: "Isinuka mo na, isusubo mo uli." Si Dean kasi ang pumayag dati na OK lang na wag na mag-uniform, tapos ngayon nga daw eh ipapasuot na naman sa mga estudyante, o diba, superficial? Feeling ko nga eh parang nabastos yung project ng CommSoc (diba sila may project ng uniform?) nung payagan ang mga estudyante na hwag mag-uniform. Dagdag pa ni Inay, "Kaya nga tinawag na UNIFORM diba? Eh kung yung isa naka-uniform tapos yung isa hinde, UNIFORM pa ba yun?! You see? It's plain and simple stupidity." Another point you have there Inay!
Isa pa, yang paninigarilyo ng mga nilalang ng COC sa paligid. Ang term ni Inay dyan eh -- NAKAKASULASOK ang amoy. Akalain mong mismong mga opisyal sa kolehiyo ay naninigarilyo?! Kaya nga sabi ni Inay, never syang papasok sa office ng dental... (gets mo?) Tapos ngayon ngang accreditation eh tiis-tiis tong mga taong ito -- tigang sa sigarilyo kumbaga.
At heto pa, yang ilan sa mga student leader pala naten eh ayon sa aking mga sources eh nagsisipagtaguan ngayong accreditation. Akalain mo?! May lahing bampira pala pag accreditation! Eh pano naman kasi, takot ma-interrogate at sabihan ng, "Will you please state the VMGO of your college?" Wahaha! How pathetic... Buti pa tong si Attaché ay nakasagot naman ng maayos, with matching "Welcome to the College of Communication!" pang nalalaman. Sabi pa nya, "Dinaan ko na nga lang sa PR para di nako tanungin pa..."
And last but not the least, eh itong ating mga butihing propesor at propesora... Aba'y akalain mong nagtago daw sa office ni Attaché at nagkakabisa pala ng VMGO! Aba, pinakabisado nila sa 'tin dati tapos mismong sila pala eh di kabisado. Hmm... Pero wait, wag nyo silang pag-isipan ng masama dahil anlaki ng hirap nila sa accreditation noh! Pati nga yung pera ng iba sa bulsa eh ginamit na para lang sa accreditation na ito! O diba, mga tunay na nagmamahal sa kolehiyo yang mga yan! (nagmukha na rin ba kong plastik? hehe joke lang)
Ah basta! Ngayong tapos na ang accreditation, mukhang balik na naman sa dating hulog ang mga bagay-bagay sa maskom. Naku! Sana naman eh yung magagandang pagbabago na ginawa nila sa accreditation eh maiwan na lang para naman gumanda-ganda ang atmospera ng COC noh...
Wednesday, December 06, 2006
PUP: TOP 15TH College in the Country!
DEMAND AND SUPPLY By Boo Chanco
The Philippine Star 05/09/2005
Top Colleges
There is a material circulating among various e-groups that supposedly ranks the country's top 20 colleges and universities based on a study conducted by the Professional Regulation Commission (PRC) and the Commission on Higher Education(CHED). The ranking
supposedly used the average passing rate of graduates of colleges and universities in the board
examinations of all courses that require it for the practice of a profession.
This study is now supposed to be done every 10 years. This particular ranking is supposedly the result of the first study from 1992 to 2001. Eleven schools come from Luzon, two from the Visayas and seven from Mindanao.
My problem with this material is that I am unable to confirm it independently. I checked the website of CHED and didn't find it there. I tried sending an e-mail to CHED, to the address
published in their website, but it bounced. Still, for whatever it may be worth, I want to share this list with a wider audience if only to provoke some discussion on where one could get quality college education in this country, given problems with education pre-need companies and family finances in general.
If the basis of this listing is authentic, it tells us that one need not spend a fortune in tuition and other fees of the so called exclusive schools in Metro Manila because there are a lot of
good schools out there in the countryside. This is an important consideration
for parents who live in the provinces and who are probably agonizing on whether to mortgage the family home to raise the funds needed to send a child to college in Manila.
The most expensive university in Metro Manila is not even in this list. So maybe, given the difficult financial situation today,sending the kids to study in Manila is not necessarily a good idea any more. There are good schools out in the regions. I also believe good students would do well anywhere provided they have a serious desire to get a good education. There is even one college on the list from Butuan that I have not heard of, and it did better than La Salle. The better Ateneo is in Davao, not at Loyola Heights.
Of course the top university in the list is UP Diliman, which makes me feel good. I am happy to note that contrary to what I hear in many circles, the quality of a UP education is still tops. Then again, the overall standards might have gone down too, but that's another story.
So, here it is, but with the caveat that I decided to use it even without independent verification because of the urgency of helping parents who are making up their minds now, a few weeks before school opening time. The list sounds plausible enough.
1. University of the Philippines (Diliman Campus/Luzon);
2. University of the Philippines (Los Banos Campus/Luzon);
3. University of the Philippines (Manila Campus/Luzon);
4. Silliman University (Dumaguete City/Visayas);
5. Ateneo de Davao University (Davao/Mindanao);
6. Ateneo de Manila University (Manila/Luzon);
7. University of Sto. Tomas (Manila/Luzon);
8. Mindanao State University (Iligan Institute of Tech/Mindanao);
9. Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (Manila/Luzon);
10. Saint Louis University (Baguio City/Luzon);
11. University of San Carlos (Cebu City/Visayas);
12. Xavier University (Cagayan de Oro/Mindanao);
13. Mindanao State University (Main/Mindanao);
14. Urios College (Butuan City/Mindanao);
15. Polytechnic University of the Philippines (Manila/Luzon);
16. De La Salle University (Manila/Luzon);
17. Mapua Institute of Technology (Manila/Luzon);
18. Adamson University (Manila/Luzon);
19. Central Mindanao University (Bukidnon/Mindanao);
20. University of Southern Philippines (Davao/Mindanao).
Sunday, December 03, 2006
Message from the DBC Chairperson
I would like to thank all the committed and dedicated faculty members, as well as the very dynamic and energetic BBrC students, who are my source of strength and inspiration…
With God on our side, nothing is impossible!
DBC and BBrC,
GO FOR LEVEL III!!
Chairperson Edna T. Bernabe
Hello Nini?!
Sa loob ng ilang linggong pagtatrabaho ng TROPANG GISING para sa COC Accreditation, marami-rami na rin ang napaiyak dito. Nariyan sina LM, Meynard (ako un), TinTin at Boots. Itong si Ako ay bigla na lamang umiyak at napagkamalan pang dahil sa pag-ibig dahil umiyak ako habang pinapatugtog ang "I'll Never Get Over You" ng MYMP. Si TinTin naman, ayon sa Dos Tsismosos na sina Renz at Jerome, eh si Mart daw ang may kasalanan... (Totoo naman kaya? hmmm) Itong si Boots eh napaiyak nang matapos na niya ang summary list na itinype niya sa loob ng isang buong araw dahil wala ang kanyang partner na si Heleena para tumulong. Idagdag mo pa na nag-uusap ang iba tungkol sa pag-ibig kaya daw siguro napaiyak rin siya, with matching tawa rin (kulit noh?).
Mula November 30 hanggang December 2 (Huwebes hanggang Sabado), nagkaroon ng ikalawang overnight ng aming grupo. Tinawag pa nga kaming TROPANG GISING ni Boots dahil sa ilang araw na naming pagpupuyat. Sa loob ng tatlong araw na nasa campus kami at hindi lumalabas, tunay na iba't ibang karanasan ang siguradong hindi namin malilimutan.
Nariyan ang napaka-memorable na "Xmas Party Dinner" noong Huwebes ng gabi. Bago pa man ang gabing ito, napag-usapan na ng lahat ang mga tokang dadalhin para sa dinner. Si Renz ang magdadala ng electric grill para sa iihawing karne. Si Mylene naman ang sa kanin. Si Ako ang sa prutas. Si LM ang sa pagbili ng karne at hotdog sa labas. Si Boots sa kendi. Si Inay Edna sa pansit. Yung iba naman, kwento na lang daw ang ibabaon. At hayun, nang dumating ang gabi, piyestang piyesta. May ginawa na namang kalandian itong si Joga at naglagay ng Christmas tree sa likod ng mesa. Nga pala, kinuha namin yung mesa sa labas na nasa ilalim ng puno at inilagay namin sa tapat ng DBC office. Naglagay din kami ng flower vase sa mesa. Tinawag na rin namin yung ibang nasa campus nang gabing iyon na sina Sir Don, Maam Angie at mga estudyante nya, Maam Ruby, Maam Maya kasama ang BF na si Sir Bely, atbp.
Pagkatapos kumain at nang magliligpit na, tuluy-tuloy pa rin ang walang humpay na tawanan at hindi mo iisiping mga propesor ang kasama mo sa sobrang bakya ng usapan. Lalo na tong si Maam Ruby na medyo nahuli kaya nabawasan na yung pagkain. Reklamo siya ng reklamo, at para makaganti, nagtapon ng tubig sa amin, gaya na lang ni Boots na basa ang buhok dahil katabi si Maam Ruby. Akalain mo, binuhusan din niya ng tubig si Maam Edna?! Ayun, nahawa rin si Maam Edna at pinaghahabol kami para buhusan. Nang tumagal ay huminahon din naman ang lahat. "OK na anak, hindi ko na kayo bubuhusan, nahimasmasan na ko," ika ni Inay Edna. Nakakatuwa dahil hindi nagalit si Inay. Kaibigan din naman kasi niya si Maam Ruby.
Habang lumipas ang mga araw, paunti nang paunti ang mga tao sa kolehiyo. Kami sa Area II o ang Faculty Area ay hindi pa rin natapos. Ang plano talaga namin ay sa Huwebes lang ng gabi mag-o-overnight, subalit sa di inaasahang pangyayari ay umabot ito ng Biyernes ng gabi kaya naman Sabado na kami nakauwi. Gusto rin naman namin 'yon dahil bukod sa tipid sa pamasahe (hindi na kailangan bumalik uli) eh mas matatapos namin yung mga dapat tapusin. Napapayag din namin si Inay Edna pero dahil kailangan rin niyang umuwi sa mga anak niya at nagtatampo na ang kanyang asawa eh umuwi siya sandali nung Biyernes. At para nga hindi kami maisumbong ng guard dahil wala kaming bantay ay hindi kami lumabas ng campus hangga't hindi bumabalik si Inay. Sa aming huling gabi sa campus, kami na lang ang natira, at ang nasa taas na sina Maam Ara at ang kanyang kasamang estudyante na si Jet ng RC 1-1N. (Kung hindi ako nagkakamali, Area sila ng Admin.)
Iba ang huling gabi namin sa mga nakaraan dahil nga kakaunti na lang kami, kaya mas naramdaman ng mga kasama ko ang takot sa katahimikan ng paligid. Dahil dito, nalaman namin kung sino ang mga matatakutin.
Nung nakaraang linggo nga pala eh nagkaroon ng sandaling brown-out. Siyempre tilian galore ang nangyari. Eto ngang si Jhuna nang makita nilang ang computer lang ang bukas at ang lahat ay patay, aba eh nagsigawan na naman sila. "Ano ba kayo?! May UPS (Uninterrupted Power Supply) yang computer kaya kapag nag-brown-out, ten minutes siyang open para ma-save mo yung ginawa mo," sabi ni Inay Edna. Ayun, namangha tuloy sila. "Siyempre sosyal ang asawa ko kaya pinalagyan niya ng ganyan!" dagdag ni Inay.
Naghanap na lang kami ng kandila para magkaliwanag. Maya-maya ay biglang dumating si LM na umiiyak habang kasama si Jozwealth. Dahil daw kay Mart. Naiwan daw kasi si LM na mag-isa nang magka-brown-out, at ginatungan pa ni Mart nang sabihing "Hala, sino yun?" at sa tonong nananakot pa kaya ayun...
Anyway, balikan natin yung iba pang matatakutin na nitong Biyernes ng gabi nalaman kung sino. Nariyan si Mylene na talagang napatalon sa takot nang bumukas ang pinto at pumasok si Renz. Hindi lang iyon, akalain mong aakyat lang papunta kay Ako sa office ni Sir Don eh humarurot pa pala ng takbo para lang magawa. At nagpasama pa siya nang pababa na. Maliban kay Mylene, nariyan din sina LM at Jhuna Bell na hindi makalabas ng office nang walang kasama.
Samantala, si Inay Edna naman ay bumalik ng alas-10 ng gabi at sosyal talaga siya dahil may dala-dalang lechong manok para sa amin. At may dala rin syang sinangag, sandamakmak na tsitsirya, at candy. O diba mahal na mahal niya kami?! Pagkatapos kumain ay balik kami sa trabaho. Maya-maya ay nagsalita si Inay at may gusto daw siyang ikuwento. Hindi naman daw ganun ka-nakakatakot. (Here it goes:)
Minsan lang magkasama-sama sina Maam Edna at ang kanyang mga kapatid kaya naman todo-kwentuhan sila, hanggang nitong nakaraan ay napag-usapan nila ang tungkol sa telephone numbers nila. Ang telephone number ng nakatatandang kapatid na babae ay 911-69-32. Inisip nila: Ang birthday ni Maam Edna ay September 11 kaya 911. At naisip din nila na dun din sa araw na iyun naganap ang 9-11 Twin Towers bombing. Napunta naman sila sa number 69. Ah, yun ang taon ng birthday ni Inay Edna! September 11, 1969. Ang galing! Pero nang mapunta sa number 32, wala silang maisip...
Nang nasa opisina na niya si Inay Edna, dun niya napagtanto kung ano ang ibig sabihin ng 32 sa 911-69-32. 37 years old siya ngayon. Naganap ang 9-11 bombing noong September 11, 2001. Nang taong iyon, 32 years old si Maam. Dahil dito, agad itinext ni Maam ang nalaman sa mga kapatid. Kinilabutan ang lahat lalo na ang may-ari ng nasabing telephone number. Hanggang ngayon, gamit pa rin nila ang numero dahil kahit gustung-gusto nilang papalitan ito, hindi pwede dahil mahirap mag-iba ng numero sa lugar nila dahil mahina ang reception, kaya nag-aagwan ang lahat sa numero. Hay, napaka-weird na coincidence hindi ba?
Sa oras na ito, tapos na kaming mag-ayos ng mga files at inaabangan na lamang namin ang mga mangyayari bukas sa pag-uumpisa ng COC LEVEL 3 ACCREDITATION. Sana naman ay maging maayos ang lahat... Good luck sa ating lahat!!
Wednesday, November 22, 2006
Si Maam Edna bilang "Darna"
Gaya nga ng nakuwento ko sa horror feature na pinamagatang Si Isabel at Ang COC Accreditation, matagal-tagal kaming magtatrabaho sa DBC office; at kaakibat nito ang pag-ADAPT namin sa mga tawagin na lamang nating "mood swings" ni Chairperson Edna Bernabe. Marahil kung kukwentahin namin, mula isa hanggang tatlong "eksena" ang nagaganap sa DBC office kada araw (huwag na nating isama yung pag nasa klase niya kami kasi masyadong marami), at siyempre si Maam Edna ang bida.
Iba't-ibang "shooting" na ang nakita namin na pinagbidahan ni Maam. Nariyan ang pinagalitan niya ang dalawang estudyanteng magpapapirma para makapag-OU mula sa pagiging irregular. Meron ding yung kinumpronta niya ang isang estudyanteng nagreklamo umano kay Kuya Hans na ayaw daw pirmahan ni Maam yung letter niya (eh kasi naman, andami naming ginagawa dito sa office noh, tapos yung babaeng yun e makikisawsaw pa).
Higit sa lahat, meron ding pagkakataon na napapagalitan din kami ni Maam. Kung minsan, dahil sa mga problema sa ginagawa namin sa accreditation. Kung minsan rin, dahil naman sa sobra namin pag-iingay sa loob ng opisina. "mga anak, pakihinaan niyo naman ang boses niyo.. EH MAS MALAKAS PA KAYO SA 'KIN MAGSALITA! BAKA ISIPIN NG MGA PUMAPASOK DITO EH NAGLILIWALIW LANG KAYO DITO!!" Na-gets mo yung pagkakasulat? Ganun talaga yun, kumbaga sa ringtone, ascending tone ang boses ni Maam. Sa umpisa, medyo malumanay pa pero bigla na lang tataas ito at lahat kami ay matatahimik. Kaya nga ang naging taguri namin sa kanya ay "Darna" dahil sa madalas niyang pagda-"Darna". Pati nga si Maam Maya eh alam rin pala ang tungkol sa term na iyon? Akalain mo?!
Ang iba nga sa amin, pag nararamdaman na na magda-Darna na si Maam ay agad silang mag-ge-graceful exit para di madamay sa kung anuman ang mangyari. Kahit si Maam ay aminado sa kanyang pagsa-salita. Sabi pa nga niya, "Sa sobrang takot, napapa-ihi 'yung estudyante".
Siguro kailangan lang talaga nating intindihin si Maam Edna. Napakarami na niyang iniisip, napakarami niyang nakakasalamuha na tao araw-araw, at napakarami niyang dapat gawin at asikasuhin na tiyak na napaka-"stressful" sa kahit sino mang tao. Isipin natin na minsan, hindi lang dahil may mood swing siya kaya siya galit magsalita, kundi dahil sa talaga namang may mali 'yung pinagsasabihan niya. Kaya sana, kung meron mang masama ang loob kay Maam, ilagay muna natin ang sarili natin sa posisyon niya para mas maintindihan natin kung bakit siya ganoon.
Si Isabel at ang COC Accreditation
Kaya naman sa "Faculty Area" na nakatoka kay Maam Bernabe, inatasan niya ang ating section (RC 2-1) upang tumulong sa gagawing pagsasa-ayos at pagkumpleto ng mga dokumento na isa sa naging kakulangan sa nakaraang accreditation. Sa nakalipas na mga araw, iba't-ibang mga kaklase natin ang naging parte ng (hanggang ngayon ay) ginagawang pag-aayos ng dokumento sa DBC office. Ang iba, sumuko at pinili na lamang na umatras, marahil dahil na rin sa personal na dahilan. Sino ba naman ang hindi mahihirapan? Ayos ng papel dito, ayos ng papel diyan. Label ng folder dito, label ng folder diyan. Nariyan pa ang kukulitin mo ang mga propesor ng faculty para hingin ang mga documents nila na kulang sa mga files. Idagdag pa ang minsanang pressure ni Maam Edna. At ang isa sa mga espesyal na mensyunin dito ay si Archibald na siyang nagxe-xerox ng LAHAT ng mga dumadating na papel.. Hay, sa mga oras na ito, sira pa ang photocopying machine sa DOJ, kaya naman backlog ang SANDAMAKMAK na mga anik-anik.
Noong Biyernes, may pagka-memorable ang mga nangyari. Nagkukwentuhan kasi kami tungkol sa mga nakakatakot na pangyayari, halimbawa na lamang 'yung mga sabi-sabi tungkol sa fifth floor ng Main. Maya-maya ay dumating si Maam Bernabe, kaya naman nagbahagi siya sa amin ng mga karanasan niya sa DBC.
Minsan, nag-overnight sina Maam Bernabe at ang kanyang mga estudyante para sa kanilang thesis writing. Siguro mga magmi-midnight na yon. Nakaupo ang mga estudyante niya sa sahig, sa harapan niya, habang siya naman ay nakaupo sa kaniyang mesa. Nang mapalingon siya sa isa pang mesa na nasa may dulo ng kuwarto, sa harapan din niya, sa likod ng mga estudyante, may nakita siyang isang batang nakaupo sa ilalim ng mesa. Napapikit siya, at nasabing, "Oh, shit." Nang tanungin siya ng mga estudyante kung bakit, sinabi niyang may nakita nga siyang bata. As usual, nag-react yung mga estudyante at natakot. Ngunit sinabi na lamang ni Maam na siguro ay kailangan na nilang umuwi dahil gabi na, baka nakakaistorbo na sila.
Maliban doon, may iba pa siyang experience gaya ng angel figurine niya sa mesa na kusang gumagalaw, at isang lalaking malaki na nakaputing polo na nakita niya sa may labas ng kuwarto niya, sa bulwagan ng DBC office, na tugmang-tugma rin sa deskripsyon ng nakita ng kanyang sekretaryang si Ate Evelyn. Walang nakakaalam tungkol sa bata at mamang iyon na nakita ni Maam Bernabe, ngunit nang minsang nag-horror booth sa kolehiyo, isang babae ang nagwala at nagtatatakbo habang umiiyak. May nakita raw siyang dalawang tao—isang batang babae at malaking mama. Minsan na ring ipina-spirit questor ang kolehiyo, at ayon sa mga ito, mayroon ngang multo na gaya ng sinasabi nina Maam Bernabe. May sinabi rin ang mga questors na pangalan ng multo na hindi pwedeng sabihin sa amin ni Maam. Ayon rin kay Maam Bernabe, mayroon din siyang nararamdamang isa pang multo, babae, at ito ay iba sa dalawang nauna dahil "evil" umano ang aura nito.
Marahil ang pinakamalala sa lahat ng naranasan ni Maam Edna ay nang minsan siyang umihi sa banyo ng kanyang opisina. Bigla na lamang may nagdabog/nagbukas ng pinto nang pagkalakas-lakas. Kaya naman si Maam ay nagulat at sinabing, "Ano ba 'yan?! Evelyn!.." Maya-maya ay may boses ng babaeng nagsabing "Ay sori po maam." Paglabas niya ay walang tao maliban kay Maam Angeline Borican na nakaupo sa bulwagan ng opisina. Nang tanungin niya si Maam Angie ay wala naman itong narinig na boses maliban sa kay Maam Bernabe na para nga daw nagulat at may sinasabi. Dala marahil ng takot ay na-stroke si Maam Bernabe at isinugod siya sa Medical City (sosyal!).
May isa pang nakakatakot na ikinwento si Maam Edna at 'yun ay nangyari sa kapatid niyang si Maam Divina Pasumbal. May tumawag daw kay Maam Divine ng alas-12 ng hatinggabi mula sa opisina ni Maam Edna sa COC, at walang nagsasalita at binaba na lamang ang telepono. Sa pagtataka ay tumawag rin si Maam Divine sa bahay ni Maam Edna at walang ring sumasagot kaya naman alalang-alala siya noon. Imagine, may tumawag ng hatinggabi at number sa COC ang nag-register. Misteryoso hindi ba?
Kaya naman ngayon, sa pagtatrabaho namin sa DBC office ay napagbibiruan na lamang namin ang tungkol sa multo ng mama at bata. Kanina lamang, isang nakakapagtakang pangyayari na naman ang naganap. Ang binili naming RC Cola (hindi pa bukas) na nakalagay lamang sa tabi ng mesa ni Maam Edna ay bigla na lamang nabasag. At hindi ito basta nabasag, ito ay sumabog. Bakit? Dahil siguradong walang sumagi noon sapagkat kung makikita mo ang nabasag na bote, ang puwet nito ang natirang buo, at ito ay nakatayo pa rin. Ibig sabihin, kung ang bote ay sinagi, dapat ay nakahiga na ito at hindi nakatayo. Nakakapagtaka hindi ba?
Marahil imahinasyon lamang namin iyon dahil meron namang scientific explanation sa nangyari sa bote dahil nangyayari daw talaga yun minsan. Pero ang mahalaga, ang respetuhin namin ang paligid at huwag itong bastusin. In fact, may napag-tripan na nga kaming itatawag sa batang multo eh, "Isabel". 'Yung malaking lalaki naman, "Mama". Kaya naman kapag may nangyayaring kung anuman, sasabihin lamang namin, "Isabel, wag kang magulo."
Monday, November 20, 2006
Department of Broadcast Communication Bulletin Board by BBrC 2-1D
Sunday, November 19, 2006
55 - 2 - 5 = 48
All of us were regular students back then. The next year, when we officially became BBrC 2-1D, Angelo Baluyot and Charlemagne Losaria left the college and transferred. Angelo is now in the College of Science, under the course Chemistry. ChaCha, on the other hand, didn't just left the college, but the university as well, now that he is a Geography student in the University of the Philippines-Diliman. Adding to that, Anna Chrisma Guerrero has turned into an irregular student because of noncompliance to the prerequisite subject Introduction to Broadcasting, thus prohibiting her to take Broadcast Announcing and Performance.
Our second semester as BBrC 2-1D moved to a new phase as Heidi Cabalo, Darlyn Claire Alcuriza, and Ferdinand Santiago all became irregular students. Two because of work and one because of performance. Heidi and Darlyn are now working as call center agents, making them decide to shift to being irregulars. Ferdinand has been very busy with his vocation as an activist, that's why he was dropped in Public Information.
From being a 55-man section, we are now composed of 48 survivors. Even so, our good old classmates still have communication with us, and Heidi and Darlyn took some of their subjects in our class. What's next to come? No one knows, we'll just have to expect for the unexpected.
BBrC159 Productions: Oustandingly Dynamic.
B - Bachelor in
C - Communication
1 - Section 1
5 - Batch 2005
9 - to 2009
BBrC159 Productions: Outstandingly Dynamic.
Tuesday, October 10, 2006
BBrC 2-1D, "Karir Kung Karir"!
Sunday, October 08, 2006
The Kalikasan Awards Controversy: An In-Depth Look
The College of Communication (COC) is absolutely a certified outstanding college of the
The COC is also known for having the most number of student organizations in the university, thirteen to date, proving that it is certainly the most active and well-rounded college. One of those organizations is the BroadCircle, which was established especially for the Broadcast Communication students.
Last September 2006 was the BroadCircle month, having the theme: "BroadBond: Mga Ka-Broad! Bonding Tayo!" Activities included the opening ceremonies which showcased the newest installation of the college, its campus radio station. Along with it was the publicity of their activities and competitions such as the DOKYU 2R, the COC Plug Competition for the Third Year, and for us Second Year Students, the Music Video Festival, which is on its third year already. With seven sections struggling to become the 2006 Music Video of the Year, this is one competition to watch out for, hopefully. But things seem to have muddled up badly.
September 25, Monday, was the opening of the respective booths of each entry, well, supposedly. Since we were only allowed to set up on the same day (and not last Saturday, September 23), the booths were only finished the next day.
On September 27, Wednesday, a closed door judging of the music videos was held at the campus radio station, together with the organizers, the representatives of each entry, and the three distinguished judges. Our very own DBC (Department of Broadcast Communication) Chairperson Edna Bernabe was also present for awhile, after informing that the said entries will also be joining the 2006 Catholic Mass Media Awards/CMMA (Hey, the submission of entries for the CMMA was already finished last May 17, and if I’m not mistaken, only one section was able to register... Hmm >>). After the judging, some students speculated that one entry is not an original composition.
September 29, Friday, was purportedly the much awaited Awards Night of the Music Video Fest, but because of unavoidable weather disturbances via Typhoon Milenyo, it was postponed for almost a week. It was moved to October 4, Wednesday, and finally October 9, Monday. But before that special day, troubles have begun to unfold among the contestants.
On October 6, Friday, a closed door meeting was put up to diminish the tension among the Second Year sections. Issues such as the inclusion of BBrC 2-2D’s “Naglahong Paraiso” to the competition despite of its questionable song; BBrC 2-2D having 2 entries; and the alleged bias of BroadCircle via the YouTube teaser video of the Kalikasan Awards which contained the words “Please support Magandang Bukas to be the Music Video of the Year.” In the end, BBrC 2-2D agreed to be disqualified only on the minor award “Best in Musical Arrangement,” but it seemed like the others wanted more. At the end of the day, posters by some students of BBrC 2-2D were found at the vicinity of the campus.
The following day, Saturday, I elaborated the issue through an open letter which I posted along with the BBrC 2-2D’s posters, as well as in the Internet via Friendster, Yahoo Mail, and in this site. Surprisingly, everything related to the issue was nowhere to be found from the bulletin boards and walls by October 9, Monday. Well, maybe it’s too disreputable for those who removed them.
The Song Used by RC 2-2 as Music Video:
Once more, let me give a statement on this issue. First and foremost, this is a matter of legality. This competition is on its third year now, and it is only this year that there are entries with original compositions. The point they are saying that there has been a verbal agreement among the advisers that the entries should be original songs is very unprofessional. I would like to believe that the said verbal agreement by the advisers is regarding the CMMA since CMMA requires original songs, because if not, on my point of view, they are not respecting the authority of BroadCircle as the sole organizer of this event. In the first place, we all know that in the system of this university, every motion should be put on legal document for it to be valid. If you were to follow that standard, then that “originality” rule is illegal, since BroadCircle hasn’t formed a new set of rules with that on the list.
Secondly, this is a matter of showcasing talents. This contest has not been created to encourage enmity among the Second Year sections. In the case of my section, BBrC 2-1D, we did not ever think of getting rid of our competitors just to win; we just simply give our best. Maybe that’s why we are sometimes tagged as “Section ng Karir.” If you want to beat them, surpass them; not eradicate them. Oh yes you have a point that it seems unfair for us (the other entries) that our competitor has an unoriginal song, but what if their entry was inferior? Would you still exert effort just to eradicate them if you already know that you’ll win over them? I’m sorry to say this, but I think you’re insecure. Maybe I’m wrong, but what I’m thinking is that you are aware that “Naglahong Paraiso” is a potential winner in this contest, that is why you’re trying your very best to exclude them. Just compare this incident to a hen and her chicks. All chicks are white and only one is black, but the hen knows that the black chick is still hers, so she doesn’t reject it.
Lastly, this is a matter of professionalism. As I have said awhile ago, this college is our training ground. If in this point in time you are already playing dirty; if in this point in time you are already unethical, how much more when you’re in the real world? Let me again cite my section, BBrC 2-1D. Days, if not weeks, we were already preparing for this competition. We admit that our video is not technically superb, that is why we focused to at least get one minor award. We created an artistic promotional poster and booth, and we exerted time and effort for a production number worth watching. We did not question why the others were irresponsibly late in registering. We did not question why the others were irresponsibly late in passing the requirements even if it was a ground for their disqualification. Honestly, we were mad at them, because it is absolutely unfair for us.
Camaraderie. Good working relationship. Fair competition. It’s what matters. Every good endeavor has an equivalent reward. As Sir Don says, “If you can’t beat them, join them."
Saturday, October 07, 2006
An Open Letter to all Second Year BBrC Sections
I heard just today that there was a closed door meeting yesterday regarding the music video of RC 2-2D. I wasn't able to come because I was sick. I learned that there really is some disturbance going on among sections of second year BBrC. I am speaking to you not as the president of my section, BBrC 2-1D, but as a BBrC student alone. Before I raise my side, here is a copy of the Kalikasan Awards contest mechanics:
1. All participants must be a group or class.
2. Entries must be the product of the Audio Video Techniques Course, 2nd Sem SY 2005-2006 (RC102).
3. The concept of the entries must be original.
4. A registration fee of Php 350.00 must be paid.
5. All entries must be submitted on or before
· A short introduction of the music video
· 2 copies of the music video (preferably in SVCD or DVD format)
· 1 promotional poster in any form
· Entry Form
· Registration Fee
6. All entries must relate to the environmental theme.
7. All participating groups must prepare the following:
· Promotional Poster
o Size must be (maximum- cartolina size)
o Must Promote the Music Video
o Use of material doesn’t matter
o Must include the name of the Adviser
· Promotional Booth
o Will stay for 4 days (September 25- 28)
o Must be creative and must rely to the song
o Must play your Video
o To generate funds for people’s choice
· Production No.
o Must use the song as the music
o May be in song, dance or any creative way
o Maximum of 7 minutes
8. Entries will be judged as follows:
· Music – 30%
· Graphical Quality – 30%
· Interpretation – 20%
· Appeal -20%
9. The Following awards will be given to the winners
· Music Video of the Year
· 2nd Best Music Video of the Year
· 3rd Best Music Video of the Year
· Best in Videography
· Best in Production No.
· Best Musical Arrangement
· Best Booth
· Best Poster
· People’s Choice Award
10. Judging for the Major Awards (i.e. Music Video of the Year, 2nd best and 3rd best Music Videos and others) will be a closed door judging on
11. The judges’ decision will be final.
Now, you've read it all clearly. There is NO RULE that a copyrighted song is not allowed to join the contest. There is also NO RULE that there should be only one entry per section. Besides, the mechanics used the term 'GROUP' and not section. So it's alright if RC2-2D has 2 entries.
It is CMMA (Catholic Mass Media Awards) and not
I want to apologize if I posted the teaser of the Kalikasan Awards on YouTube without permission. To those questioning why I put the words “please support Magandang Bukas,” it was for the People’s Choice. I don’t think there’s anything wrong with it. Besides, it wouldn’t affect the decision of the judges, will it?
If you still want to say something, I'm very much willing to listen if you think I've forgotten something.
PS: My concerns now are those who were able to pass their requirements (poster, registration form, reg. fee) after the deadline (September 25). Isn't it that there was a DEADLINE? Why were they still allowed to pass? Isn't it unfair for my section who faithfully met those requirements? Another thing is the production number. BroadCircle moved it to October 9 instead of Oct. 4, because of the very irresponsible reason that the 'other' sections are not prepared yet. Whatever those sections' reasons are, it's very unfair for my section who sacrificed time and effort just to be able to present well on Sept. 29, which was moved several times from Oct. 4 and now Oct. 9. We’re beginning to have problems, now that it’s overlapping with our Comm. Campaigns and other affairs.
Just remember, victory is worthless without grace and equality. Let things happen the way they should be.
Respectfully yours,
JM
A Concerned 2nd Year BBrC Student
IT'S HERE: www.ONAKULEOM.tk