Saturday, December 13, 2008

Good News, Good News!


Opo, dalawang good news ang pasok sa ating blog dahil dalawa sa ating katoto ang pasok na sa mundo ng media. Opo, hindi basta OJT, as in pasok sa banga na. At mukhang ang dalawang taong ito ay may maipagpapasalamat nang malaki sa ating dear Mart. Tila ba naging Fairy Godmother, este Godfather, itong si Mart, dahil in unexpected ways, sya ang isa sa naging daan ng pagkakapasok nila.

Unahin natin itong si Erica "Eca" Ngui, ang mahusay na writer ng klase. Actually, isa ako sa mga unang naniwala sa kakayahan nitong taong 'to, na halos naka-away ko pa ang buong klase para lang ipaglaban ang talento nya sa pagsulat. At ang bunga? Best Original Story, at Second Best Play ang isinulat niyang ONAKULEOM (kasama ni Mart) sa naging Drama Festival 2007.

Nito lamang Huwebes ay nagpunta sya ng COC upang magpasa ng requirements kay Sir Danny Deopante nang makasalubong si Maam Mila dela Costa. May mga kuneksyon kasi si Maam Mila sa ABS-CBN, kaya pabiro nyang pinaalala dito kung maipapasok na raw ba sya nitong trainee sa Star Cinema (matagal na nyang pangarap makapagsulat sa Star). At ang naging sagot ni Maam Mila ay taliwas sa kanyang inaasahan: ano daw sa tingin niya kung ipasok daw siyang writer-brainstormer sa ABS-CBN? Hayun na nga, at ini-reto sya sa isang Wally Ching (tama ba spelling ko? haha) na creative manager ng isang upcoming ABS-CBN TV series, kung saan may isang vacant slot sa pool of writers/brainstormers. Tinanong na rin kasi beforehand ni Maam Mila si Mart kung sino sa tingin nya ang magaling magsulat sa klase, at ang binigay nyang pangalan ay si Eca at Jerome, pero dahil babae ang hinahanap, si Eca ang last choice. Ngayong araw nga ay nagsimula na si Eca.

Si Mearah "Mimi" Gonzales ay kilala sa klase at maging sa buong kolehiyo bilang isa sa pinaka-outspoken na estudyante ng MassComm. Madaldal, malakas magpatawa at mang-alaska, walang sinasanto kahit prof, at sadya ring talentado sa maraming bagay gaya ng pag-arte (with tears 'yan), pagsayaw (nag-showdown na sila ni Boots before), at pagkanta (impersonating Sharon, atbp).

Sa isang text message mula kay Jerome kumalat sa klase ang magandang balita ng pagkakapasok ni Mimi sa i-FM 93.9, ang maka-masang FM station ng RMN, kung saan nag-OJT rin sya sa AM arm nitong DZXL. Pero ang pagkakapunta niya sa i-FM ay dahil naman kay Mart, na nag-alok sa kanyang mag-audition dahil may opening sila para sa DJ. Kasama si Darmo, nagtungo siya ngayong hapon para mag-audition (basahin ang buong kwento sa blog nya), at pag-uwi nya, kinontak sya at nalaman na nyang susubukan sya sa ere ng isang buwan (4am-8am everyday).

Naku, dalawa pa lang yan. Aabangan natin kung sino sa klase ang susunod. Huwag niyo kaming bibiguin klasmeyts! Soar high! :)


Tuesday, December 09, 2008




01-2006. Wow, full of memories. After the cropped pictures are the original scanned pages from the documentation.

Sunday, November 16, 2008

INTERNSHIP Series 02

ok, so nakalista pa rin sa baba ang mga kaklase nating nag-blog na since last week, pero mukhang di pa nag-update yung iba. Samantala, mapapansin nyo rin sa baba ang pagsisimula ng iba, gaya ni Adrian, Thea, AB, Karla, Joralynn, Daren, Grace, at Johara.

Nagkamali pala ako sa unang nakalagay sa post na ito, nasa GMA pala talaga sina Karla at AB habang sa DWIZ naman si Thea. Bukod pa dun, nalaman ko rin kina AB (Fit & Fab) at Karla (Ang Pinaka) na kasama rin nila sa GMA sina Gary at Jozwealth (Day Off). Samantala, mukhang hindi ata kasama nila Bezaleel, Christine at Jhuna Bell si Russel base na rin sa pagkakaintindi ko sa unang blog ni Beza ukol sa OJT niya sa 88db.com. Ano ba yan, mag-message naman kasi kayo sa 'kin mga guys para naman may balita tayo sa isa't isa.

Sa mga wala pa dito yung links, paki-bigay nyo naman yung links ng blogs nyo para na rin mas madalian si Sir Don. Kumbaga dito na lang nya iba-browse. Oks ba? hehe


BEZALEEL / JHUNA BELL / CHRISTINE
on 88db.com

HAZEL / PAMELA / LIEZL
on GMA-7's Ful Haus

HAZEL
on NBN-4's Talitha Kum Healing Mass on TV

ARCHIE / MEARAH / HELEENA / ARCHIBALD / RONALD / JHENG
on
DZXL 558

TRACY / MEYNARD / ADRIAN
on
DWSS 1494 & DWBL 1242
RENZ / GLAIZA / EDRYAN / BOOTS / PATRI FE
on TV5
TINIE / JOY / MICHELLE
on
MBC's DZRH 666 (AM), Radyo Natin (FM), and TV Natin (TV)
THEA
on DWIZ 882 / Home Radio 97.9
AB (Fit&Fab) / KARLA (Ang Pinaka) / JOZWEALTH (Day Off) / GARY (Survivor; Pinoy Meets World)
on GMA-7

JEROME / HAZEL / PAMELA
on TV Style Video
JORALYNN / DAREN / BARBIE
on Laguna Lake Development Authority PIO
GRACE / JOHARA
on SKY CABLE

Sunday, November 09, 2008

INTERNSHIP Series 01

Pagkatapos ng orientation ni Sir Don noong October 30 tungkol sa thesis at internship, marami ang nagsimula na sa kani-kanilang mga OJT, bagamat may ilang matagal nang nagsimula since October.

May nakapagsabi sakin na ang yabang daw namin dahil bina-blog daw talaga namin yung OJT namin, pero ang totoo po nyan, required po kasi kaming lahat ni Sir Don na i-blog or i-personal diary ang aming internship. At syempre dahil maraming tamad magsulat, sa blog na lang gumagawa.

Narito sa ibaba ang ilan sa klase na nagba-blog ng kani-kanilang experience sa internship, habang ang iba ay marahil sa diary gumagawa kaya walang blog. Sina Bezaleel, Russel, Jhuna Bell atbp. ay nasa advertising nag-o-OJT, kung hindi ako nagkakamali ay sa JobsDB na sya ring may hawak ng 88db.com. Nang huli kong makausap sina AB at Karla ay sumusubok sila sa GMA 7 dahil nagpasa sila ng requirements. Sina Gary at Adrian naman ay nagpasa rin sa DZXL gaya nila Mearah. Si Erica naman ay nasa Dyna Media, ang events/advertising firm ng Magic 89.9. Ang mga hindi pa ata nagsisimula ay sina Laeng, Shaidel, at si Vernon na nagkaroon ng problema sa bahay kaya ngayon pa lang nakabalik at sumusubok pumasok sa DWSS kasama sina Tracy dahil hindi sya nakapasok sa Magic.


BEZALEEL / JHUNA BELL / CHRISTINE
on 88db.com
HAZEL / PAMELA / LIEZL
on GMA-7's Ful Haus
HAZEL
on NBN-4's Talitha Kum Healing Mass on TV
ARCHIE / MEARAH / HELEENA / ARCHIBALD / RONALD / JHENG
on
DZXL 558
TRACY / MEYNARD
on
DWSS 1494 & DWBL 1242
RENZ / GLAIZA / EDRYAN / BOOTS / PATRI FE
on TV5
TINIE / JOY / MICHELLE
on
MBC's DZRH 666 (AM), Radyo Natin (FM), and TV Natin (TV)
THEA / AB / KARLA
on DWIZ 882 / Home Radio 97.9
JEROME / HAZEL / PAMELA
on TV Style Video
JORALYNN / DAREN
on DZRH 666?


Thursday, October 30, 2008

THESIS DEFENS/ive

palaw ang sked sa thesis!ÜOct 30, '08 5:43 PM
for everyone

meron na sked ang thesis defense namin. go for defense na ang rc 4-1D. eto na ang pagkaksunud-sunod ng defense natin classmates:

  1. Jhuna's Group
  2. Jerome's Group
  3. Karla's Group
  4. Renz' Group
  5. Jhoera's Group
  6. Ronald's Group
  7. Glaiza's Group
  8. Edryan's Group
  9. Mearah's Group

hahahaha.. kabog..first week of january ang thesis defense namin at dito na nakasalalay lahat.. whew! eto naman ang schedule ng consultations in case mawala niyo classmate ang sked. :)

November 3, 13, 24 ; December 4:

  1. Edryan's Group
  2. Renz' Group
  3. Jhuna's Group

November 6, 17, 27 ; December 8:

  1. Jhoera's Group
  2. Karla's Group
  3. Glaiza's Group

November 10, 20 ; December 1, 11:

  1. Jerome's Group
  2. Mearah's Group
  3. Ronald's Group

GOODLUCK SA LAHAT NG BBRC159! KAYA NATIN TO!


Source: http://mearahgonzales.multiply.com/journal/item/133/133

--------------------------------------

Mukhang dadami na naman ang active sa blogging sa klase dahil nag-require si Sir Don ng personal diary, either handwritten or blog, about sa internship experiences natin. Nag-umpisa na nga, as of this writing, si Hazel. Ang mga nauna naman kahit walang sinabi si Sir Don ay sina Mearah at Jerome.

I was supposed to start my internship blog but I happened to cross by Multiply and found two related blogs by Jhuna Bell and Bezaleel. Hindi ko na lang ipe-paste dito, but the blogs seem to pertain to Renz.

At least sabi ni Mearah sa comments, let's just be happy. Thesis na, so let's stop bickering. Pero kung ako ang tatanungin, isa lang ang masasabi ko: walang perpektong tao. Kahit ako, kinainisan rin ng marami dahil sa mga gossip dito sa blog, at sa mga GM ko, haha. I'm just hoping that this conflict will be resolved, hindi yung basta avoidance lang, gaya nga ng sabi sa Peace Comm. :)


Wednesday, October 22, 2008

"BBrC159 will always be BBrC159!"

Heto na nga at ramdam na ang nalalabing sandali bago ang pagtatapos ng isang mahalagang yugto sa buhay ng buong BBrC159. Bagamat walang kasiguraduhan kung makukumpleto pa ang lahat sa pagitan ng kasalukuyan at ng araw ng graduation, umaasa akong mangyayari pa rin ito upang makapag-sama-sama pa ang lahat bago man lang tuluyang maghiwa-hiwalay. May mga nagpahiwatig na rin ng pagnanais na magdaos ng Christmas party outside ng skul.

Sa Multiply, kung saan nakahimlay ang BBrC159 Photo Center, gumawa si Jerome ng isang photo album tampok ang ilang larawan ng klase mula first year. Marami sa klase ang nag-comment dito at lahat ay mangiyak-ngiyak habang tinitignan ito dahil na rin sa tugtog na nilagay ni Jerome. Kaya't heto at ilalagay ko ang slideshow version ng ginawa nyang album.




Narito ang isang notable comment mula kay Mimi:

mearahgonzales wrote on Oct 18
wow.. see how our looks evolved..
how people changed..
ang mga close noon, ndi na close ngaun..
ang mga may gap noon okay na nagun..
before you were like this, but now everything has changed..
nothing is really constant in this world..
but what is constant for me are the memories that i will surely treasure..
parting ways is very near to come..
and seriously, i will miss all the jokes, laughters, all the brags, all the insults, the anger we feel for each other..
whew.. in just few months, we need to say goodbye..

BBRC 159 will always be BBRC159!



Tuesday, October 14, 2008

BBrC 4-1D: Last sem to go!

Two hundred five pesos. Yan ang tuition sa huling sem na ito ng ating klase. Graduating na tayo guys, and narito ang ating sked:

COM401 Internship - 7:30-10:30am - RM105
COM402 Thesis Writing and Defense - 7:30-9:00am - RM107

Ang sabi si Sir Don rin daw ang prof natin sa parehong subjects. Samantala, kasalukuyan pa rin tayong namomroblema sa Institutional videos na ginagawa natin as requirement sa DigiBroad under Dr. Malou Garcia. Maliban pa yan sa matagal na rin nating inumpisahang mga thesis, na ang ilan ay nakatengga pa rin habang ang ilan ay naka-uusad kahit pano.

Kaya natin to..

*Later ko isesend sa emails nyo yung softcopy ng certification of grades at endorsement letter for OJT. Ittry ko rin kumuha ng curriculum sheet.

Friday, October 03, 2008

hu's preggy?


It created talk in class when the group message circulated. But the question is, who's pregnant anyway? Let Gossip Guy give you some more clue. Well, there are many possibilites based on the the previous statements. It said, "guess hu's preggy", which may mean a lot of things. The preggy may come from almost anything: an irregular student enrolled in the class, a girl in the class with a boyfriend, a guy in the class with a girlfriend, a gay claiming to be one, or a professor. But one thing's for sure, the picture above is excluded. And the name is, Castaway.

You know you enjoy me coz you're reading.. xoxo Gossip Guy

Wednesday, October 01, 2008

PUP Cheering Competition 2008, Dinaya?

Ito ang isa sa mga kumakalat ngayon sa ilang bahagi ng unibersidad kung saan napabalita na ilang mga estudyante galing sa iba't ibang kolehiyo gaya ng College of Business (CB) at College of Arts (CA) ay nagtungo sa College of Physical Education and Sports (CPES) upang kwestiyunin ang mga ito sa pagiging parte ng panel na nag-judge sa nasabing kumpetisyon na ginanap noong September 29, Lunes. Ayon sa isang taga-PUP Pep Squad, nakita niya ang mga estudyante ng CPES na may sariling mga scoresheet gaya ng opisyal na panel of judges.

Matatandaan rin na nakasagutan dati ng COC Women's Volleyball team ang isang referee ng CPES sa huling laban nito katapat ang College of Cooperatives (CC) dahil sa diumano'y di patas na rulings. Narinig pa umano ang referee na ito pagkatapos ng laro na nagsabing hindi na siya magre-referee sa COC, subalit nitong championship game sa pagitan ng CPES at COC Men's Volleyball team ay nakita ang naturang referee na isa sa mga umpire ng laban. Parehong natalo sa mga naturang laban ang COC, bagamat overall second place ang COC Men's Volleyball team.

Ayon sa mga estudyante ng mga kolehiyong kumikwestiyon sa CPES, mas tatanggapin pa umano nila na College of Communication (COC) Pep Squad ang nanalo kaysa College of Office Administration and Business Teacher Education (COABTE). Kung titingnan raw kasi ang criteria, malaking porsyento ang "Level of Difficulty", at "Speed" kaysa sa linis ng performance, at nakuha umano ito ng COC Pep Squad. Ayon kay COC Pep Squad Captain Jheng, na isa ring BBrC159 gal, mayroon umanong 3-minute rule. Nang rebyuhin nga natin ang sariling video footage ng BBrC159, umabot ng saktong 4 minutes ang sa COABTE samantalang 3 minutes and 2 seconds naman ang sa COC. Second place ang nakuha ng COC.

Ang nakaka-stress pa sa mga taga COC Pep Squad ay nang matanggap ang invitation sa awarding (na ginanap nitong umaga ng Martes, September 30) na ang nakalagay ay "Champion" sila bagamat ang nanalo nga ay COABTE. Subalit dagdag ni Jheng, kahit may mga reklamo pa, mukhang hindi na rin naman makukuha ng COC ang kampeonato sakaling mapatunayan pa na sila nga ang dapat na nanalo.

Hmm.. May lutuan nga kayang naganap? Kayo na lang ang maghusga.


Friday, September 26, 2008

kumpisal, volleyball

Ngayong araw nagtapos ang finals ng men's volleyball sa PUP Intramurals 2008 kung saan ang magkalaban sa championship ay ang COC at CPES. Hindi maikakailang tambak ang COC sa CPES dahilan na rin sa ang sports ay bahagi na talaga ng pang-araw-araw nilang pamumuhay kaya gaya ng sinabi ng mga COCians, "COC manalo matalo ok lang, ang CPES pag natalo nakakahiya".

Nakakalungkot nga lang at kahit ipinrusisyon pa ito ni Captain Arci Cook mula bahay hanggang San Juan pabalik ng Quiapo Church (joke un), sadyang ipinagkaloob na ng Diyos ang 2nd place sa COC team. Kahit papano, ayon nga sa GM ni Arci, hindi man sila ang nag-emerge na pinakamagaling, sila naman ang pinakamasayang team. At naipakita rin nila mula umpisa ng intrams hanggang sa championship na may masasabi rin ang COC pagdating sa sports.

Naging mainit rin syempre ang verbal battle ng mga COCians at CPESians na nagsilbing mga audience ng laban. Pagkatapos ng laban, nagkaroon pa nga ng away sa pagitan ng isang lalaking taga-CB at mga COCians na babae matapos mapikon ang taga-CB sa mga patutsada ng naturang COCians. Mabuti na lamang at nakausap naman ng maayos ni Papa Jack ang lalaki. Subalit ang isa sa naka-away na si Mearah ay di nakuntento at inabangan sa labas ng PUP gym ang lalaki na hindi na nakita. Sa kwento ni Mearah, sumenyas umano ang lalaking ito ng mga bastos na gesture gaya ng aktong nagb-'BJ'.

Samantala, bago ang naturang volleyball game sa PUP gym ay may ilan sa atin ang nanatili muna sa COC upang tapusin ang klase sa Ecology kung saan nakakitaan ng katatawanan sina Liezl (sa paraan ng pagsasalita, na hawig kay Malou Garcia) at Thea (na ang Tagalog umano ng plankton ay seaweed).

At bilang pagtatapos sa entry na ito, kahapon nga ay natuloy ang miting ng Shutter Productions ukol sa mga isyung bumabalot dito, lalo na ang nawalang Php 9000 sa budget, na inamin na ng ating kaklase matapos ibulgar ni Mearah. Bagamat ako ay wala sa naturang miting dahil sa isang forum na aking pinuntahan, ikinwento na lamang sa akin ang ilan sa mga pangyayari na kung saan ay nagkaroon nga ng iyakan at kung anu-ano pa. Magkakaroon pa uli ng miting sa Lunes para naman sa financial statement.

Narito ang isang blog post kanina mula sa Multiply ni Bezaleel tungkol dito:

Nakakatayo-balahibong "KUMPISAL"Sep 26, '08 10:33 PM
for everyone
Well, ayon... The " 9200" nakawan case has been closed.Kilala na ang kumuha ng pera...

Actually, alam ko na kilala ko na yung suspect before pa maisambulat iyon...

PERO, iba pa din ang feeling na manggaling iyon straight from the horses mouth!

nakakakilabot! after umamin, I was in great shock!

Lahat, tumahimik! Lahat, nagulat! Lahat, di mapakali!

Lahat, gusto magpakamatay on the spot!

Siyempre, daloy ang luha, sipon at pawis nung araw na yon!

Matagal bago mag-sink in sa bawat isa ang kumpisal na nangyari..

Pero at least, naging masaya ang pagtatapos ng araw...

nagmeeting sa GS.. kung ano anong sermon ang kinain...

Madami ding flying saucer na kinain, at kuwentuhang nakakatakot na

umabot sa usapang kabastusan at mapabulalas si GARY DAMGO

na umaabot siya minsan ng 10 TIMES A DAY na pagpapasarap!

Alam niya na yun! Grabe nagulat ang mga nakarinig at natawa!

Ako bumanat na hanggang 3 times a day lang ako, pero everyday! hahahahaha!

Siyempre joke yun noh! Nakakapanghina ng tuhod!

Di ko kaya ang ganun! Nakaka-over fatigue yun! hahahaha!

ayun... hanggang dito na lamang...

Nagmamahal,

BEE FABULOUS!


At kahapon naman ay ito ang ipinost ni Mearah sa kanyang Multiply:


paalam sayo "kaibigan"Sep 25, '08 9:49 PM
for everyone

kaibigan nga bang dapat ituring ang isang tulad mong puro lihim? kaibigan nga ba ang nararapat na tawag sa isang tulad mong dahilan kung bakit ako'y umani ng paninira mula sa ibang tao? na halos murahin ako ng mga kaklase natin nang dahil sa napakalaking kasalanang nagawa mo? gumagawa ako ng akdang ito para may tala ako sa kung anung nangyari sa buhay ko at para may balikan sa panahong nakalimutan ko n ang nangyari lalo ka na. hindi ko inasahan na sa lahat ng mga kaibigan ko ikaw ang gagawa nito sakin. mdami kang dinamay na ibang tao at hindi mo man lang naisip na maaari mong masira ang relasyon ng dalawang pamilya? ikaw na kaibigan lamang ng totoong kamag-anak. magpasalamat ka at madaming taong malawak ang pagiisip at may mabubuting puso. magpasalamat ka at may awa pa kong nraramdaman sayo. magpasalamat ka at hanggang sa ganito ko lang pinaparamdam sayo ang poot na nararamdaman ko. galit ako sayo. galit na galit ako sayo. hindi mo alam kung gano kasakit at kasama ang ginawa mo sakin sa buong grupo ng production. ikaw! ikaw na miyembro ng grupo ang trumaydor sa aming lahat. ikaw na walang puso. oo wala kang puso! sa loob ng pitong buwan, nagawa mong matulog ng mahimbing. sa loob ng pitong buwan nagawa mong makitungo na parang wala kang alam. sa loob ng pitong buwan nagawa mong itago ang tunay na ikaw. hindi ko na magagawang isipin pa ang masasaya nating pagsasama. ikaw ay bahagi na lang ng masama kong nkaraan. nawa'y magtagumpay ka at makuhang muli ang tiwala ng buong klase. huwag mong hayaang ang mga taong natitira sayo ay mwala. wag mong hayaang pati pamilya mo mawala sayo. magbago ka na sana. magbago ka na.

magpapasalamat pa din ako pagkakaibigan n ibinahagi mo. ngunit hindi na tamang tawagin ka pang kaibigan. hindi na. paalam sayo.





Tuesday, September 23, 2008

an all-new blind item: harder and better


We have rehashed our blind item segment and now we're introducing to you, Mr. Gossip Guy, your one and only source to the most scandalous lives of PUP Maskom's elite. So, Old Sta. Mesa Dwellers, are you ready? Here we go.

This final year in the top section seems to be the moment of revelations for everyone. After Funny J intentionally/unintentionally spread the news about him one-by-one to almost all, he seems to be having fun continually playing around, switching toys.

Enormous M and others may have been acquited, but a stringer told Gossip Guy that Coach D and Peculiar M are not done yet. Hmm, looks like revenge is synonymous to punishment after all. Careful, girls.

Jaded M is on the works of gathering his former mates to finally settle their issue once and for all. Will the truth be friendly enough to come out, or will Suspected D and Enormous M eat their own tittle-tattles? I guess Solid J and others are not satisfied with keeping the secret so better spit them out and repent.

And what is this old "seemingly solved" mystery in the last few years, that appears to be not so true after all? Our reliable source told Gossip Guy that Indecent J and Muddled R have actually done it four times already on different occasions. Hmm, are you really enjoying or what?

On a slumber party, Gossip Guy discovers some personality dysfunctions from Towering C and Solid J, which according to Fluent P is based on her observations upon them. So that explains it, how Towering C secretly and unreasonably despises Fervent H, and how Solid J is insecure on pretty things.

Better get going before I reveal their identities..

You know you enjoy me.. xoxo Gossip Guy

Sunday, September 07, 2008

"Enipses" - mga tuldok ng dagok

Sadyang napaka-kontrobersyal, at pasok na pasok sa elemento ng isang news item na pagiging "odd" ang mga susunod mong mababasa. Iyan ay sa kadahilanang ang kababalik pa lamang na ex-dean/propesora sa Digital Broadcast Production na si Dr. Ma. Lourdes "Malou" Garcia ay may bago na namang salitang itinuro sa aming klase. At syempre, ang ating record-keeper na si Mart ay siguradong naitala iyan sa kanyang logbook na puno ng mga ekstraordinaryong salita at linya ng aming mga propesor (minsan hihiramin ko nga yun kay Mart para maipublish dito, hehe).

Ang lahat ay nagsimula nang mag-umpisang mag-'sermon'/'litanya'/'kung anuman ang tawag dun' si Malou tungkol sa aming requirement sa kanya na AVP para sa PUP Graduate School, sa halip na makapagpatuloy na sa reporting ang aming mga kaklase. At hayun nga at umabot na sa bahagi ng scripwriting kung saan narito ang ilan sa mga nasabi nya (hindi nga lang eksakto pero ito yung laman ng sinabi nya):

"Sha paggawa shkript ng dokyu, halimbawa may shashabihin shi Dr. Shoriano, ishushulat mo, Dr. Shoriano taposh lalagyan mo ng enipses."

Hindi lahat ay nakuha agad ang sinabi nyang enipses, pero nang sabihin nyang:

"Yun yung tatlong tuldok [enipses]..."

Aba "shempre", hagulgol at patagong tawa ang bumalot sa lahat. Kamusta naman ang buhay ni Jerome dahil dyan. Aba'y sa umpisa pa lang ng klase ng araw na yun eh tawa na sya ng tawa kay Malou dahil sa mga "sh" at "ch" nito gaya ng "chumorow (tomorrow)", "chuday (today)" atbp. At nun ngang binanggit na ni Malou ang enipses, na by the way ay may pronounciation na "inepsis", agad na tinanong ni jerome ang spelling nito. Kaawa-awang Jerome, naluha sa sobrang pigil ng tawa nang marinig na iba ang speling sa pronounciation ng enipses..

. . .

DIGIBROAD. BROADJOURN. BROADCAST MEDIA RELATIONS&PROMOTION. FILM AESTHETICS. THESIS. ECOLOGY. Mga tuldok ng dagok, hindi dahil ayaw namin ang mga subject na ito, kundi dahil nararamdaman na ng lahat ang parehong karanasan ng mga fourth year last year. Aba'y nagsasabay-sabay na ang mga requirements sa mga to, at wag ka, lahat eh bigaten.. Institutional video para sa Digibroad, dokyu para sa BroadJourn, isang event na io-organize at ipi-pitch sa media para sa BroadRelations, ang wlang katapusang thesis, at ang paningit pang ecology report/tests/film review. Isama mo pa yung nalalapit na ring analysis sa Commtech at Peace Comm. At ang pinaka-kinaiinisan ngayon ng lahat, ang FAB (Film Aesthetics Bureau) na may mga kinokontrahang detalye ng lahat:

* limang grupo kada section na super dame kaya 30 ang entries; syempre, mas mahal ang gastos dahil mas konti ang miyembro; ang gusto ng karamihan, kahit 2 grupo na lang kada section
* limang OST kada entry na iba-ibang version
* isang film poster kada entry
* prosthetics/makeup/costume fashion show ng mga entries
* at isang film quiz bee para sa mga first-third year students

O diba, san kapa? Super dame.. At ang sabi lang ni Dean sa lahat ng hinaing sa kanya: Be creative and resourceful. Geez..

. . .

Ano kayang nangyari sa pag-uusap ni Sir Don at ng Junggoys, na di naman kaila sa klase na siyang tinukoy ni Sir Don na siyang nasa likod ng poison letter sa kanya? Hmm.. Anyway, ang mahalaga eh mukhang maayos na sila.

Ano pa kayang kontrobersya ang lalabas habang papalapit ang graduation maliban sa mga "out" ceremonies? Hay.. Sabi nga namen nung minsang nagkukwentuhan, try mo nalang imaginin pag si koya ang nag-"out", disaster yon. Haha. Seeyah.


Friday, August 15, 2008

all sniffs and boo-hoos. can't let go. yet.

RIGHT NOW, IT'S RAINING. REAL HARD.

Is it some sort of sympathy from the heavens? SIGH. As much as I would love to stop crying, I find it so hard to resist. When you've shared a bond with people, it would just be so hard to accept the fact that THE THING THAT BONDS YOU ALL has to end, especially when you've become like a family.

Geez, net-surfing only added up to my today's emo-ness, seeing the newly-edited wiki article about DWRT FM, and the mean comments from hate posters from Pinoy Exchange. Maybe I don't hang around the booth a little more frequent than I should that's why I know little about the issues, but still, I feel terribly sad because Campus and 99.5 are now, like, divorced.

Last night, we received a text message from sir John Hendrix, saying the Campus format is no longer associated with 99.5, and that Aircheck is suspended until further notice. OH DEAR. It really is over.

Melodramatic as it sounds, I really couldn't sleep well that night. The thought kept bugging me. The efforts of our mentors were put in vain. The enthusiasm in bringing Campus back in the radio scene is now but a history. And speaking of history, history got itself repeated. And it's a much sadder thought. :(

Upon waking up, I wanted to force myself to believe that it was all a nightmare. But no, it was reality. They say Campus was not able to do well with the sales and ratings. I don't know much about the business side of radio broadcasting, but would it be too much to ask if Campus stayed for a few more months? It's only been what, five months?

It's so sad. Especially when I remember all the fun that we had, working as the Campus Air Force. All the midnight boardworks, the pronunciation bloopers, the pizza galore with sir Joe Spinner.. Darn it, makes me cry some more. Especially when I think of the efforts of the legendary DJs who I never thought I'd be able to work with.

From Campus, 99.5 will be back to it's original format, RT. As for the Campus Air Force, again, history. That of course goes the same with us aircheckers. It's depressing to think that just when we became so attached with Campus, it just suddenly fades . . .

Oh well. We just can't let go just yet. Might take time. And maybe, hard partying, just to forget all the sadness. Videoke party? Booze galore? What have you? Haha.

Like what TJ and Janna mentioned in their blog entries of the same topic, we mustn't miss out on expressing our gratitude to our leaders - JOHN HENDRIX, JOE SPINNER, JIMMY JAM, TRIGGERMAN, JAYBEE, PIPER, ALEX.. Goes the same to the DJs who taught us lots of stuffs as well, and became our dear friends, too - BOYTOY, BIG Z, ZACK ATTACK, DJ RAMON BAUTISTA, DJ ANGEL, DJ TADO. We are so gonna miss hanging out with you guys.

Campus 99.5 will always be the number one hit music station in Metro Manila. *Ang umangal sasapakin ko! Haha. :)

This is your sweet, thoughtful and chubby airchecker HEYZ, signing off.ö

Tuesday, July 22, 2008

delayed telecast

Opo, super delayed na. Antagal na kasi simula nang magpost tayo di-ne. Anyways, maraming hindi naikwento dito na mga nangyari sa 4-1 simula nang unang araw ng klase. Ang mga nakakatawang karanasan kay Dr. Garcia sa aming klase sa Digital Broadcast Production (siguro isang araw maglalaan tayo ng isang entry para ikwento yan, hehe), ang powerpointish reports sa Film Aesthetics ni Dean Soriano, ang mga komikong karanasan ni Maam Ruby Gapasin sa aming Broadcast Journalism, ang napakapayapang Peace Com with Maam Mila dela Costa, ang mga lessons of wisdom mula kay Dr. Divine Pasumbal sa Broadcast Relations & Promotions, ang nakawiwindang na assessment exam kay Sir Don sa CommTech (44% passed sa klase; partida iniba pa ni Sir ang oras kasi na-late sya, tapos 30mins. lang exam), at ang huli ay ang aming pinakamamahal (sarcastic yan, hehe) na propesor sa Ecology (new faculty sya sa College of Science; na dapat sana ay makikipag-dialogue ang klase sa kanya ngayon dahil sa mga isyu-isyu pero di natuloy dahil wala sya, nasa college week daw nila) na si Sir Adrian Guinto.

At parang gusto ko raw na palihim na mag-seat in sa klase ni Maam Jeanie sa Film, haha! Sa mga ok jan, ang klase nya ay tuwing Sabado, 12pm onwards sa AVR..

Heto namang si Vernon Carlo Parreño ay di paaawat sa pagpapakita ng talento, aba'y akalain mong pasok sya sa Majestic 12 ng COC Idol 2008? O diba, from joining Mr. COC 2007, ngayon naman ay hetong COC Idol naman ang kinakarir, idol! Atin syang suportahan sa July 31, Thursday, 6pm sa COC Lobby.

Samantala, next week nga ay COC 7th Foundation Anniversary Celebration na, pagkatapos na pagkatapos ng SONA 2008 (na sya nga pala ay iku-cover naten para sa BroadJourn) sa July 28.

Bilang finale sa post na ito, hayaan nyong lagyan natin ng konting kontrobersya sa pamamagitan nitong nakuha kong bulletin post sa friendster na galing kay former COC professor Sir Harold Palad:

From:
Date: Monday, 30 June, 2008 6:53 PM
Subject: Legacy Part 1
Message:
There are people who thought they are good, coz they obey the rules of their culture. There are others who rebel just for the sake of being different. There are others whom simply goes with what is in flow. Some let life pass by. Hanged up and dry. Struggles everyday just to live the day and hope there's tommorow. Others live in fear not for loosing their lives but from how others will look at they've live. The self righteous, the rebel without a cause, cowards, no sense of identity, strugglers, hypocrites...
Naalala ko tuloy, may administrador na nagalit sa akin kasi long hair ako. Santo daw ang hinahanap sa unibersidad na iyon... gusto ko matawa kasi ang nagsasalita sa harap ko bakla (no offense sa mga kabaro nya). May adminstrador na naman na nagalit sa akin kasi mayabang daw ako. Gusto ko ulit matawa kasi lagi nya pinagmamalaki na nakarating daw sya sa "Europe at sa Paris." May isa pang administrador na nagalit, bastos daw ako, "Uy! di ba may hinada ka sa CR ng mga lalaki?" Meron pa! pero sa part 2 ko na lang ikukuwento...
I wrote not to say I'm self righteous. He who has not sinned cast the first stone!!!!

Hayan, well, although may mga wrong grammar (sensya na, OC kasi ako eh), kapansin-pansin ang mga taong pinatutukuyan ni Sir.. hehe, hindi ko pwede sabihin kung sino yang mga nabanggit nya, hahaha! Kayo na lang bahal mag-decipher, hehe.. Anyway, aabangan ko ang susunod na installment nito. Kayo rin, ok? haha

PS: First time nga pala nating maglalagay ng ordinary/personal video sa BBrC159 VIDEO CENTER, ang eksena ni Gary sa corridoor, at napag-isip-isip ko na ring ilagay lahat ng kahalintulad na mga video simula noong first year pa tayo. Abangan nyo yan, well ito muna pang-buena mano:


Sunday, July 20, 2008

RC IV-1D Sked, 1st Sem, 2008-2009 (Updated)

Narito ang ating latest sked, at may isa pa lang namang change. Un ay sa subject na Broadcast Relations and Promotions kay Dr. Divine Pasumbal.

MONDAY/THURSDAY

RC202 :: Communication Technology, Trends & Breakthroughs
:: 7:30AM-9:00AM :: RM107
:: Prof. Racidon Bernarte
RC401 :: Film Aesthetics
:: 9:00AM-10:30AM :: RM203
:: Dr. Robert Soriano
RC404 :: Digital Broadcast Production
:: 10:30AM-12:00PM :: RM111
:: Dr. Ma. Lourdes DP Garcia
COM403 :: Peace Communication
:: 1:30PM-3:00PM :: RM110
:: Prof. Milagros dela Costa

TUESDAY/FRIDAY

RC403 :: Broadcast Journalism
:: 9:00AM-10:30AM :: RM201
:: Prof. Anna Ruby Gapasin
RC203 :: Broadcast Relations & Promotions
:: 12:00PM-1:30PM :: AVR
:: Dr. Divina Pasumbal
NS230 :: Ecology
:: 1:30PM-3:00PM :: RM106
:: Prof. Adrian Guinto

Saturday, June 21, 2008

BBrC159 Subsidiaries RELOADED

With a new subject (Digital Broadcast Production) comes a new production (tentatively: an institutional video for the university) with the previous members of Quartrélāk and Shutter shuffled. here are the revamped subsidiaries of BBrC159 Productions:

QuartrëShutter
Production Manager (Bhey)
Associate Production Manager (Joga)
Director (Jheng)
Associate Director (Ronald)
Technical Director (JM)
Lighting Director (Russel)
Script (Jerome/Eca)
Audio (Arlene)
Key Grip (Archie/Glai)
Gaffer (Daren)
Researchers (Joy/Ahrcee)
DOP/Camera 1 (Vernon)
Camera 2 (Edryan)
Property Custodian (Eca)
Make up (Johara)
Best "It" (Thea)
Pharmacists (Heyz/AB)
PA - Tech (Patri/Liezl)
PA - Audio (Tini/Kelsey)
PA - Lights (Dada)
PA - Muse (Jheng)

Shutterslāk
Production Manager (Mart)
Associate Production Manager (Mamoo)
Director (Heder)
Associate Director (Laengskie)
Technical Director (Mimskie)
Lighting Director (Christian)
Script (Joyce - EIC)
Audio (Bezamoonster)
Key Grip (Boots)
Gaffer (Adrian)
Researchers (LM/Dei)
DOP/Camera 1 (Tracy)
Camera 2 (Gary)
Property Custodian (Pham)
Make up (Bell)
Best Gals (Barbie/Jora)
PA - Tech (Graceskey)
PA - Audio (Tine)
PA - Key Grip (Michelle)
PA - Make up Artist (Mylene/Angel)

Sunday, June 01, 2008

Joga Scandal

In tradition of the Edryan Scandal, we bring you the Joga Scandal! This is kinda late, but it's better late than never! Here's a video of Joga demonstrating his vocal prowess at work. He's a call center agent.


Friday, May 16, 2008

We're Officially 4-1D!!

Just this May 14, 2008, the RC3-1D pips have crowded the campus grounds to take part in the fourth year enrollment. Through text messages (both Smart & Globe users), the class was notified of the said schedule. Adrian & Gary (Smart users) were not aware of the schedule so they were thankful for the text message.

After paying The Communicator pub fee, signing the student council sheet, and being encoded, they proceeded to the Main to settle their accounts. Most of whom, after certain attempts, have been able to pay easily through their connections (I won't tell, haha).

And so, now, the class of BBrC159 is officially this year's BBrC Fourth Year Section 1, or BBrC IV-1D. Congratulations guys! See you on June 9.

Wednesday, May 07, 2008

BBrC159 Invades Campus 99.5 (Continued...)

Here it is, our exclusive podcast of the first on-air stint of co-BBrC159 Hazel Elizes aka HEYZ as Campus Airchecker in Campus 99.5... Plus a bonus! A call to the BrewRATS by another co-BBrC159 Vernon Carlo Parreño. And he also greeted our class.. Enjoy! (PS: This podcast is an edited recording. Only the parts of Hazel and Carlo were included)

Tuesday, May 06, 2008

BBrC159 Invades Campus 99.5

From:
Date: Tuesday, 6 May, 2008 9:48 PM
Subject: BBrC159 Invades Campus FM 99.5
Message:
This 12-3am is the start of the on-air training of the Campus Aircheckers, and BBrC159 gal Hazel Elizes is one of them.
Congrats Hazel!


We'll try to record this and post here so watch out!

Thursday, May 01, 2008

PUP Enrollment Schedule (Updated & Official)

Here is the new schedule, and perhaps final and official since it is from the faculty bulletin of COC.

May 12 - Second year
May 13 - Third year
May 14 - Fourth year
May 15 - Irregular First year/Second year
May 16 - Irregular Third year/Fourth year
May 20 to June 6 - First year
June 9 -
Start of Classes


Meanwhile, here is the old schedule posted on this blog (04/10/08 8:21AM):

This is from a text message claiming that it is the latest official schedule for the 1st Semester of School Year 2008-2009, although there is no clear schedule posted on the university's official website.

May 12-23
First Year

May26-27
Second Year

May 28-29
Third Year

May 30-June 2
Fourth Year

June 3-4
Fifth Year & Late Enrollees

Sunday, April 20, 2008

DA BIG SHOW Advertisement

From:
Date: Friday, 18 April, 2008 11:25 PM
Subject: BBrC159 AD: DA BIG SHOW on GMA
Message: The Number One Cheering Squad in PUP is
now in the Philippines' Number One Network!

Watch the College of Communication
Cheering Squad in the premiere telecast
of DA BIG SHOW, hosted by Ogie Alcasid.

This April 21, before Eat Bulaga!


PS: See you there Jheng!

*Jheng, or Diessa Liane Asidao, is a BBrC159 Certified Member and is also part of the COC Cheering Squad.

Thursday, April 17, 2008

Maskom Lyf

Bday ngaun ni Ronald, at nais kong ishare sa inyo ang tinext nya ngaung araw na nakakatuwa naman.. hehe

studio tours..


several huge buks..


brain-whacking

terms..


millions of theories..


struggling thesis and

research..


lyf long productions..


rushing l8 nyt wrk..


ugly eyebags..


orgnzing evnts..


toxic lyfstyles..


constant lack of

sleep..


nose bleed final

exams..


heart stopping

results..


die hard friendships..




..dey col it




“MASKOM”




..i col it “LIFE”

Thursday, April 03, 2008

summer na, fourth year na

Yes, tapos na nga ang third year life natin, at next school year, officially fourth year na tayo. Lahat ng nakakausap ko, hindi makapaniwala na fourth year na tayo. Ambilis nga naman hindi ba, parang kahapon lang first year pa tayo... May nagmature ba saten? Haha, parang wala, mejo lang... hehe. Anjan pa rin ang kulitan, tawanan, asaran, ingay, away at marami pang emosyong kaakibat na ng pagiging RC3-1, na ngayon ay magiging RC4-1 na...

Ang huling pagsubok nga natin para sa taong ito ay ang thesis, na tinuldukan na nga nitong April 1 at 2. Nakakakaba sa umpisa, ngunit ayon naman sa karamihan, hindi ka na kakabahan sa mismong mock defense dahil puro recommendation naman ang ibibigay nila. Maraming naka-uno at 1.5, at ang pinakamababang nabigay ay dos. May mga nag-iba ng anggulo, may naretain, at may mag-iiba ng topic. Gayunpaman, tapos na ang lahat, at makakapagpahinga na rin.

Habang nagbabrowse ako ng friendster, nakita ko itong mga bulletin post ng ating mga kabrad:

From:
Date: Tuesday, 1 April, 2008 4:46 PM
Subject: paalam muna mga problema!
Message: hay salamat ! tapos na lahat ng problema
sa school!

tapos na anmg kinakatakutan na thesis
defence! next next sem na uli!

gosh! 4th year na ako sa pasukan!

From:
Date: Wednesday, 2 April, 2008 9:06 PM
Subject: awts uno sa mock dfence..
Message: 22o ba ito?..
hehehe...
nung isang linggo lang eh endangered
ang grupo namen eh..
mali mli kc un gnawa namen pero un mga
inputs tama naman, nagkamali lang ng
pinaglagyan.. hmm.. salamat na din sa
prof namen at nalaman namen un tamang
gagawin kya naman ok na un
pagkonstruct ng paragraph ng thesis
namen, at pinag diinan nya na mgbasa
kme ng manual.. kya un.. hehehe..
salamat din at speed dating un napili
ni sir at salamat sa nakaisip.. sana
eh magawa naten ng maaus ung mga
recommendation ng panel para makasali
tau sa finalist ng best qualitative
reseach next year!!! hahaha... aun..
congrats sa mga kagrupo ko.. geh..

From:
Date: Wednesday, 2 April, 2008 9:10 PM
Subject: insensitive..
Message: awts.. d namen agad naisip na may
nasaktan pla sa ginawa nameng pag
arkila ng.. hmm.. anu nga ba un??..
hmm... ayun!!.. power point
presentation.. kc naman sbi nya pwd
daw mgdala.. cguro nga naging
insensitive kame, pero mahirap na kc
buhay ngayon kaya dun na kme sa mas
mura, tsaka kaibigan dn kc namen un
nag alok eh.. aun,.. cguro nga naging
insensitive kame.. hayyzz.. awts..
geh..

Etong pangatlong post na galing kay gary eh mukhang konektado sa text message kahapon ni Vernon na nagsasabing maging sensitive tayo sa mga sasabihin natin. Hmm... Ayoko na muna mangialam dito tutal buong 3-1 naman ang inadres ni Ver... Nako ha, hindi ako mxado makarelate nung una sa text message kasi naman buong klase and inadres, pero may konting clue galing dito kay Gary... Tama kaya sya? Abangan ang susunod na kabanata...

Anyway, bukas may mga papasok pa sa skul dahil magbibigay ng evaluation sheet ng grupo nila para sa thesis... At, good luck nga pala sa mga kabrad nating magsa-summer class ngayong bakasyon, sina Eca, Ronald, Heidi, atbp. na hindi ko alam...

Nga pala, nagspark ako ng 'sumkinda away' nitong nakaraan lang dahil sa pagpost ko ng reply ni daren kay DAMAGED sa friendster account ng klase.. Tignan nyo na lang.. Haha ang kulit ko daw kase bat ko pa pinost sa friendster ni DAMAGED yung reply ni daren, ayun tuloy pumutok ang butsi.. hehe Kakatawa naman yung mga naging reply nung iba nating klasmeyt... At, nga pala! Tignan nyo rin yung lumang comment bago yung kina Daren at DAMAGED, dahil may isang nagngangalang ZACK na nagcomment at nagpahiwatig ng pagnanasa nya sa kabaro nating si Edryan.. Haha basahin nyo kakatawa... At nung kinwento ko nga pala yun sa ilan sa ating mga kaklase, ayon kay Mart ay isa daw sa klase natin ang gumawa nun.. Hmm.. Tama kaya sya? Nako pag tinignan nyo ung friendster nung zack na yun eh tayo lang at si Kuya Jae ang friend nya. Eh sinu-sino lang ba sa ten ang close kay Kuya Jaerold na ngayon ay graduate na? Hmm... Somekinda clues...

Heto rin palang si Jheng eh kasama sa A Big Show ni Ogie Alcasid na ipapalabas sa GMA-7, nag-taping sya kahapon.. ayun... hehe

Yun lang, at happy vacation sa lahat!

Saturday, March 08, 2008

PUP College of Communication awarded LEVEL III Accreditation Status

After almost two years of hard work and preparation, the PUP College of Communication has finally reached the top as it bagged the AACCUP Level III Accreditation Status yesterday, March 7. The Accrediting Agency of Chartered Colleges and Universities in the Philippines (AACCUP) team of accreditors headed by Dr. Manuel Corpus gave the college one of the highest credit ratings in the history of the accrediting institution. Of the 77 programs accredited in PUP, COC is said to be one of the highest. Most importantly, the college has added another title besides Certified Outstanding College; it is now "The First Communication School in the Philippines to reach Level II Accreditation Status". Level III is described as a national level of accreditation, whereas Levels I and II are of college and university levels.

During yesterday's presentation which was the second phase of the Level III accreditation, the accreditors and even university officials, college deans, faculty, and guests were overwhelmed with the wonderful AVP of the college's history. And as the AVP on the college's remarkable achievements was shown, the college's faculty members were seen bursting into tears while watching. Truly, the college deserves to reach such recognition today.



Congratulations to PUP College of Communication for having its Bachelor in Broadcast Communication and Bachelor in Journalism programs accredited Level III (National) by AACCUP!

Long Live COC!! The First Communication School in the Philippines to Reach Level III Accreditation Status!


Saturday, February 23, 2008

Sikreto ng COC

Mayroong nalamang sikreto ang klase tungkol sa COC. Well, mali kayo sa iniisip nyo. Hindi ito tungkol sa pagkakatanggal ni Prof. Harold Palad sa kolehiyo noong isang linggo dahil sa isyung sexual harassment. At lalong di rin ito tungkol sa kung sinu-sino ang may latest isyu sa klase. Ito ay tungkol sa sinasabi ng ating bagong propesor sa RTVF Production na si Maam Ruby Gapasin. Noon daw kasing tinanong sila ng mga taga-DOKYU ng ABC-5 kung ano daw ba ang sikreto ng PUP at magagaling. Alam nyo ba kung ano ang walang dalawang-isip at agad na isinagot ni Maam Ruby? "Pinababayaan namen," sagot nya. Hahaha! At ang sinagot ng mga ito ay, "Kaya pala, kasi pinababayaan din namin yung mga staff namin dito." Kung titingnan mo, ang ibig sabihin rito ay malaya kasi tayong mga PUPian pagdating sa mga ganitong bagay dahil na rin sa state university tayo. Ang ibang estudyante sa ibang unibersidad, hindi nabibigyan ng ganitong oportunidad dahil pinagbabawalan ng administrasyon nila. Imagine, bago ka makapagshoot o kaya ay makita sa TV o sumali sa ganitong uri ng contest eh kailangan pa ng sandamakmak na papeles na aasikasuhin sa skwela. Kaya hayun, naba-block ang creativity nila.

Anyway, due to persistent demand, meron tayong mga bagong blind items, na sure na sure akong alam nyo na... pero di alam ng iba. hehe..
  1. Sino itong lalaking ito na nag-flylaloo na rin with colors sa engrandeng paglabas nya? At ang bali-balita, isang first year ang kanyang kadaupang-palad ngayon?
  2. Sino naman itong sinasabing 'mas lumanding' baklita dahil sa napaka-halatang pagka-crush nya umano sa talent nila sa short film? At, denial stage pa ito.
  3. Merong kumakalat ngayong isang tsismis na isang lalaki mula sa RC3-3 na may sex video umano sa Yahoo groups.
  4. At, sino itong bagong loveteam sa klase na tinatalo ang mga alaga kong sina Hazel at Bibat? At kung i-congratulate ng lahat ay sa lalaki lang at hindi sa babae? Ano ba yan, harsh... hehe
  5. Hulaan nyo kung sino ang dalawang lalaking ito na magkasunod na linggong umabsent dahil sa mga sakit nilang: Pigsa at LBM!!! hehe
New words in class: Charong (Joke), Babong (Babay), Bhobye, etc...


LOOKING FOR THE ONAKULEOM SITE?
IT'S HERE: www.ONAKULEOM.tk