Friday, December 08, 2006

BABALA: Mga Delingkwenteng Propesor

Isa itong panawagan sa lahat ng mga estudyante.

Noong kami ay mga first year pa lamang (BBrC 1-1D Batch 2005-2006) ay nagkaroon kami ng isang propesor sa aming unang semestre sa subject na EN110 o Study and Thinking Skills in English. Siya ay si Sylvia Basilio. Sa totoo lang, walang bumagsak sa amin sa kanya. Maayos naman ang pagtuturo niya. Pinabili niya lang kami ng librong "Fundamentals of Research and Business Correspondence". Pero nitong araw na ito lamang ay nabasa namin sa dyaryo sa pamamagitan ni Tracy, ang tungkol sa kanya. Narito ang bahaging iyon ng dyaryo:


Mabuti na lamang at hindi niya ginawa sa amin ang ginawa niya sa mga estudyanteng nagreklamo sa BITAG. Sana'y maayos na nila ang gusot na iyan.

Sa amin namang ikalawang semestre bilang first year, sa subject na MT123 o College Algebra, naging propesor namin si Merlyn Sevilla, isang matandang babaeng maputi na pula ang buhok at laging may pamaypay. Agad namin siyang kinakitaan ng kakaibahan dahil sa kanyang ibinabaong pito -- oo, pito/sipol/whistle. Kapag may maingay, pumipito siya ng malakas. Ayos lang sana iyon sa amin dahil nakakatawa naman.

Mayroon din siyang libro na nabibili sa National Book Store, at ang sabi niya, pag bumili kami nito, siguradong pasado na kami sa kanyang klase. Pero ang nangyari, nang matapos ang semestre at makuha namin ang aming mga class cards, lubos kaming nagulat. Ang karamihan ay nakakuha ng 2.0, ang ilan ay 2.25 at 3.0, at may isang na-WITHDRAWN kahit na ni minsan ay hindi siya umabsent. Marami ang napaiyak dahil hindi na sila nakapag-scholarship at nasira ang pangarap nilang makapagtapos ng may honors. Dahil dito, gumawa kami ng isang petisyon laban kay Propesora Merlyn Sevilla. Hindi na namin siya nahagilap dahil ayon sa kanya, nasa Hong Kong na siya noong mga panahong iyon. At ngayong kami ay mga second year na (BBrC 2-1D Batch 2006-2007), muli na naman namin siyang nakita na umaaligid sa kampus ng MasKom. Ipinagdarasal ko na lang na huwag mangyari sa mga kapwa namin estudyante ang nangyari sa amin.

Mayroon pa kaming isang pinagsususpetsahang propesor. Siya ang aming propesor ngayon sa subject na HU110 o Introduction to Humanities. Ang pangalan niya ay Fe Agpaoa. Kakaiba rin siya sapagka't hindi siya pumapayag na may magsuot ng hindi manggas. Pakiramdam niya ata ay Dekada '80 pa rin hanggang ngayon. Hindi ba niya alam na nakasaad sa Student Handbook, partikular na sa Section II - Social Norms Article 1: "Every PUP student is given the liberty to dress up according to his individual taste but he is urged to adhere to the conventions of proper grooming."? Isa pang napaka-kwestiyunable niyang patakaran ay nang sabihin niyang maaari at maaaring hindi siya mag-check ng attendance base sa kanyang gusto. Hindi ba't hindi iyon patas? Siguradong malaki ang magiging epekto nun sa pagiging patas ng grado namin. Ayon na rin sa aming mga nakausap dito sa kolehiyo, inireklamo na rin umano siya dati dahil sa mga kwestiyunable niyang mga polisiya. Umaasa na lamang akong hindi humantong sa petisyon ang takbo ng kanyang pagtuturo sa amin.

Narito at inihain ko sa inyo ang tatlong halimbawa ng ibang mukha ng mga guro. Ang isa, naging maayos ang pakitungo sa amin ngunit sa iba naman ay nagka-problema; ang ikalawa, direkta kaming sinamantala at inabuso ang aming pagiging mga freshmen; ang ikatlo, isang nag-uumpisa pa lamang naming makilala at malaman kung hindi ba kami magkaka-gusot. Ang mga ito'y ilan lamang sa maraming halimbawa ng mga tinatawag na DELINGKWENTEng propesor. Iba pa 'yan sa napakaraming reklamong natatanggap ng PUP Student Publication, ang The Catalyst, sa kanilang kolum na TED PYLON, na siyang nagsisiwalat ng mga modus operandi ng mga delingkwenteng propesor na iyan. Kaya't sa mga kapwa namin estudyante, pinapa-alalahanan namin kayo na maging mapagmatyag at bukas ang isip sa mga ginagawa ng inyong mga itinuturing na ikalawang ina upang hindi kayo maloko. Kung sakali mang may mangyari sa inyong ganitong sitwasyon, huwag matakot at umaksyon. Kung mayroon silang kapit, humingi ng tulong sa iba, gaya ng pagsumbong sa BITAG o anumang organisasyon.


4 comments:

heyz said...

correct. sana pati, mapalitan na si Humanities prof! although in a way, she seems nice naman...

hehe. :)

Anonymous said...

katakot takot na pagbatikos sa mga guro walang mabuting naidudulot at mga salot sa lipunan. sana malaman nila ang mga kabalastugan at kahihiyang naidudulot nila sa unibarsidad.

Anonymous said...

Maraming esstudyante na magaling magreklamo kaysa mag-aral. Kung may ibubuga talaga kayo. Kahit na sinong kasehodang guro meron kayo, mataas at mataas ang grado na makukuha ninyo. Kaso marami diyan, dadaanin sa kung ano anong reklamo para lang makaganti sa mababang grado na ibinigay sa kanila. Ang solusyon, mag-aral na lang kayo para matapos kayo agad. Kung hindi naman, malaki ang gate ng P.U.P, lumayas kayo sa skwela na yan at lumipat ng ibang iskwelahan....

JM said...

Nais kong isa-isahin ang sinabi nyo:
"Maraming esstudyante na magaling magreklamo kaysa mag-aral."
-totoo yan.
"Kung may ibubuga talaga kayo. Kahit na sinong kasehodang guro meron kayo, mataas at mataas ang grado na makukuha ninyo."
-hindi ito totoo. alam mo kung bakit? dahil hindi lahat ng propesor ay patas. may mga nababayaran, may gumagamit ng favoritism, may nanghaharass, may negosyante at pinagkakakitaan lang ang estudyante. at may mga nabibigyan ng grado na di nya deserve.
"Kaso marami diyan, dadaanin sa kung ano anong reklamo para lang makaganti sa mababang grado na ibinigay sa kanila."
-siguro tama ka, pero sana yung mga propesor na delingkwente ay matauhan na rin at umayon sa lebel nila bilang guro.
"Ang solusyon, mag-aral na lang kayo para matapos kayo agad. Kung hindi naman, malaki ang gate ng P.U.P, lumayas kayo sa skwela na yan at lumipat ng ibang iskwelahan...."
-madaling sabihin..

LOOKING FOR THE ONAKULEOM SITE?
IT'S HERE: www.ONAKULEOM.tk