(Si Isabel at Ang COC Accreditation Part 2)
Sa loob ng ilang linggong pagtatrabaho ng TROPANG GISING para sa COC Accreditation, marami-rami na rin ang napaiyak dito. Nariyan sina LM, Meynard (ako un), TinTin at Boots. Itong si Ako ay bigla na lamang umiyak at napagkamalan pang dahil sa pag-ibig dahil umiyak ako habang pinapatugtog ang "I'll Never Get Over You" ng MYMP. Si TinTin naman, ayon sa Dos Tsismosos na sina Renz at Jerome, eh si Mart daw ang may kasalanan... (Totoo naman kaya? hmmm) Itong si Boots eh napaiyak nang matapos na niya ang summary list na itinype niya sa loob ng isang buong araw dahil wala ang kanyang partner na si Heleena para tumulong. Idagdag mo pa na nag-uusap ang iba tungkol sa pag-ibig kaya daw siguro napaiyak rin siya, with matching tawa rin (kulit noh?).
Mula November 30 hanggang December 2 (Huwebes hanggang Sabado), nagkaroon ng ikalawang overnight ng aming grupo. Tinawag pa nga kaming TROPANG GISING ni Boots dahil sa ilang araw na naming pagpupuyat. Sa loob ng tatlong araw na nasa campus kami at hindi lumalabas, tunay na iba't ibang karanasan ang siguradong hindi namin malilimutan.
Nariyan ang napaka-memorable na "Xmas Party Dinner" noong Huwebes ng gabi. Bago pa man ang gabing ito, napag-usapan na ng lahat ang mga tokang dadalhin para sa dinner. Si Renz ang magdadala ng electric grill para sa iihawing karne. Si Mylene naman ang sa kanin. Si Ako ang sa prutas. Si LM ang sa pagbili ng karne at hotdog sa labas. Si Boots sa kendi. Si Inay Edna sa pansit. Yung iba naman, kwento na lang daw ang ibabaon. At hayun, nang dumating ang gabi, piyestang piyesta. May ginawa na namang kalandian itong si Joga at naglagay ng Christmas tree sa likod ng mesa. Nga pala, kinuha namin yung mesa sa labas na nasa ilalim ng puno at inilagay namin sa tapat ng DBC office. Naglagay din kami ng flower vase sa mesa. Tinawag na rin namin yung ibang nasa campus nang gabing iyon na sina Sir Don, Maam Angie at mga estudyante nya, Maam Ruby, Maam Maya kasama ang BF na si Sir Bely, atbp.
Pagkatapos kumain at nang magliligpit na, tuluy-tuloy pa rin ang walang humpay na tawanan at hindi mo iisiping mga propesor ang kasama mo sa sobrang bakya ng usapan. Lalo na tong si Maam Ruby na medyo nahuli kaya nabawasan na yung pagkain. Reklamo siya ng reklamo, at para makaganti, nagtapon ng tubig sa amin, gaya na lang ni Boots na basa ang buhok dahil katabi si Maam Ruby. Akalain mo, binuhusan din niya ng tubig si Maam Edna?! Ayun, nahawa rin si Maam Edna at pinaghahabol kami para buhusan. Nang tumagal ay huminahon din naman ang lahat. "OK na anak, hindi ko na kayo bubuhusan, nahimasmasan na ko," ika ni Inay Edna. Nakakatuwa dahil hindi nagalit si Inay. Kaibigan din naman kasi niya si Maam Ruby.
Habang lumipas ang mga araw, paunti nang paunti ang mga tao sa kolehiyo. Kami sa Area II o ang Faculty Area ay hindi pa rin natapos. Ang plano talaga namin ay sa Huwebes lang ng gabi mag-o-overnight, subalit sa di inaasahang pangyayari ay umabot ito ng Biyernes ng gabi kaya naman Sabado na kami nakauwi. Gusto rin naman namin 'yon dahil bukod sa tipid sa pamasahe (hindi na kailangan bumalik uli) eh mas matatapos namin yung mga dapat tapusin. Napapayag din namin si Inay Edna pero dahil kailangan rin niyang umuwi sa mga anak niya at nagtatampo na ang kanyang asawa eh umuwi siya sandali nung Biyernes. At para nga hindi kami maisumbong ng guard dahil wala kaming bantay ay hindi kami lumabas ng campus hangga't hindi bumabalik si Inay. Sa aming huling gabi sa campus, kami na lang ang natira, at ang nasa taas na sina Maam Ara at ang kanyang kasamang estudyante na si Jet ng RC 1-1N. (Kung hindi ako nagkakamali, Area sila ng Admin.)
Iba ang huling gabi namin sa mga nakaraan dahil nga kakaunti na lang kami, kaya mas naramdaman ng mga kasama ko ang takot sa katahimikan ng paligid. Dahil dito, nalaman namin kung sino ang mga matatakutin.
Nung nakaraang linggo nga pala eh nagkaroon ng sandaling brown-out. Siyempre tilian galore ang nangyari. Eto ngang si Jhuna nang makita nilang ang computer lang ang bukas at ang lahat ay patay, aba eh nagsigawan na naman sila. "Ano ba kayo?! May UPS (Uninterrupted Power Supply) yang computer kaya kapag nag-brown-out, ten minutes siyang open para ma-save mo yung ginawa mo," sabi ni Inay Edna. Ayun, namangha tuloy sila. "Siyempre sosyal ang asawa ko kaya pinalagyan niya ng ganyan!" dagdag ni Inay.
Naghanap na lang kami ng kandila para magkaliwanag. Maya-maya ay biglang dumating si LM na umiiyak habang kasama si Jozwealth. Dahil daw kay Mart. Naiwan daw kasi si LM na mag-isa nang magka-brown-out, at ginatungan pa ni Mart nang sabihing "Hala, sino yun?" at sa tonong nananakot pa kaya ayun...
Anyway, balikan natin yung iba pang matatakutin na nitong Biyernes ng gabi nalaman kung sino. Nariyan si Mylene na talagang napatalon sa takot nang bumukas ang pinto at pumasok si Renz. Hindi lang iyon, akalain mong aakyat lang papunta kay Ako sa office ni Sir Don eh humarurot pa pala ng takbo para lang magawa. At nagpasama pa siya nang pababa na. Maliban kay Mylene, nariyan din sina LM at Jhuna Bell na hindi makalabas ng office nang walang kasama.
Samantala, si Inay Edna naman ay bumalik ng alas-10 ng gabi at sosyal talaga siya dahil may dala-dalang lechong manok para sa amin. At may dala rin syang sinangag, sandamakmak na tsitsirya, at candy. O diba mahal na mahal niya kami?! Pagkatapos kumain ay balik kami sa trabaho. Maya-maya ay nagsalita si Inay at may gusto daw siyang ikuwento. Hindi naman daw ganun ka-nakakatakot. (Here it goes:)
Minsan lang magkasama-sama sina Maam Edna at ang kanyang mga kapatid kaya naman todo-kwentuhan sila, hanggang nitong nakaraan ay napag-usapan nila ang tungkol sa telephone numbers nila. Ang telephone number ng nakatatandang kapatid na babae ay 911-69-32. Inisip nila: Ang birthday ni Maam Edna ay September 11 kaya 911. At naisip din nila na dun din sa araw na iyun naganap ang 9-11 Twin Towers bombing. Napunta naman sila sa number 69. Ah, yun ang taon ng birthday ni Inay Edna! September 11, 1969. Ang galing! Pero nang mapunta sa number 32, wala silang maisip...
Nang nasa opisina na niya si Inay Edna, dun niya napagtanto kung ano ang ibig sabihin ng 32 sa 911-69-32. 37 years old siya ngayon. Naganap ang 9-11 bombing noong September 11, 2001. Nang taong iyon, 32 years old si Maam. Dahil dito, agad itinext ni Maam ang nalaman sa mga kapatid. Kinilabutan ang lahat lalo na ang may-ari ng nasabing telephone number. Hanggang ngayon, gamit pa rin nila ang numero dahil kahit gustung-gusto nilang papalitan ito, hindi pwede dahil mahirap mag-iba ng numero sa lugar nila dahil mahina ang reception, kaya nag-aagwan ang lahat sa numero. Hay, napaka-weird na coincidence hindi ba?
Sa oras na ito, tapos na kaming mag-ayos ng mga files at inaabangan na lamang namin ang mga mangyayari bukas sa pag-uumpisa ng COC LEVEL 3 ACCREDITATION. Sana naman ay maging maayos ang lahat... Good luck sa ating lahat!!

No comments:
Post a Comment