*Muli, ipinapaalala po naming basahin muna ang aming disclaimer upang maiwasan ang anumang di pagkakaunawaan sa pagbasa sa aming website. Salamat.
Nang mag-umpisa ang AACCUP Visit noong Lunes, December 4, para sa College of Communication Level III Accreditation, napuno ng iba't ibang anyo ng tawagin na lamang nating kaplastikan sa paligid. Sa bungad pa lang ng COC makikita ang mga stall ng mga kalahok sa Ad Expo, isang proyekto ng mga third year BBrC students. Pagpasok pa lang, punung-puno ng tarpauline ang paligid, na masyado yatang uso sa COC, palibhasa ngayon lang ata natutong magpa-tarp. Kulang na lang ata eh pati sa CR lagyan ng VMGO. (Nga pala, naalala ko yung sinabi ni Doc Soriano na MVGO daw dapat ang itawag dun... tama ba?) Napaka-redundant na nga yata eh, na nariyan na ang DBC at DOJ bulletin board, tapos tinabihan pa ng isang sosyaling mechanical tarpaulin na meron ding VMGO gaya ng sa bulletin board. Konting lakad mo pa eh makikita mo naman ang display ng Movers & Motions na may mensaheng nakasulat na bumabati sa mga accreditors (TRIVIA: ang iba pang tawag ng mga klasmeyt natin sa accreditors ay -- ACCREDITATIONERS; at ACCREDITATORS; o diba?).
Nagkwento pa nga si Inay Edna sa mga saloobin nya sa mga bagay na yan eh, at ang tumatak na salita sa amin ay -- SUPERFICIAL. Nung sabihin nya yun, everything else followed. May punto nga naman si Inay. Biruin mo, nandyan ang mga accreditors at magchecheck ng documents ng college nyo sa accreditation room (FYI: Nasa library ang Accreditation Room), tapos nasa baba at ang iingay ng mga estudyante. Sabi nga ng isa nating klasmeyt, "Yan na ba ang tulong ni Dean?... (wag mo na alamin yung sunod nyang sinabi, baka ma-libel pa tayo, hehe joke)"
Ang isa pang punto ni Inay ay ang pagsuot ng uniform ngayong linggo. Heto na naman ang sinabi nyang napaka-quotable: "Isinuka mo na, isusubo mo uli." Si Dean kasi ang pumayag dati na OK lang na wag na mag-uniform, tapos ngayon nga daw eh ipapasuot na naman sa mga estudyante, o diba, superficial? Feeling ko nga eh parang nabastos yung project ng CommSoc (diba sila may project ng uniform?) nung payagan ang mga estudyante na hwag mag-uniform. Dagdag pa ni Inay, "Kaya nga tinawag na UNIFORM diba? Eh kung yung isa naka-uniform tapos yung isa hinde, UNIFORM pa ba yun?! You see? It's plain and simple stupidity." Another point you have there Inay!
Isa pa, yang paninigarilyo ng mga nilalang ng COC sa paligid. Ang term ni Inay dyan eh -- NAKAKASULASOK ang amoy. Akalain mong mismong mga opisyal sa kolehiyo ay naninigarilyo?! Kaya nga sabi ni Inay, never syang papasok sa office ng dental... (gets mo?) Tapos ngayon ngang accreditation eh tiis-tiis tong mga taong ito -- tigang sa sigarilyo kumbaga.
At heto pa, yang ilan sa mga student leader pala naten eh ayon sa aking mga sources eh nagsisipagtaguan ngayong accreditation. Akalain mo?! May lahing bampira pala pag accreditation! Eh pano naman kasi, takot ma-interrogate at sabihan ng, "Will you please state the VMGO of your college?" Wahaha! How pathetic... Buti pa tong si Attaché ay nakasagot naman ng maayos, with matching "Welcome to the College of Communication!" pang nalalaman. Sabi pa nya, "Dinaan ko na nga lang sa PR para di nako tanungin pa..."
And last but not the least, eh itong ating mga butihing propesor at propesora... Aba'y akalain mong nagtago daw sa office ni Attaché at nagkakabisa pala ng VMGO! Aba, pinakabisado nila sa 'tin dati tapos mismong sila pala eh di kabisado. Hmm... Pero wait, wag nyo silang pag-isipan ng masama dahil anlaki ng hirap nila sa accreditation noh! Pati nga yung pera ng iba sa bulsa eh ginamit na para lang sa accreditation na ito! O diba, mga tunay na nagmamahal sa kolehiyo yang mga yan! (nagmukha na rin ba kong plastik? hehe joke lang)
Ah basta! Ngayong tapos na ang accreditation, mukhang balik na naman sa dating hulog ang mga bagay-bagay sa maskom. Naku! Sana naman eh yung magagandang pagbabago na ginawa nila sa accreditation eh maiwan na lang para naman gumanda-ganda ang atmospera ng COC noh...

1 comment:
My dear, it is normal to be Plastic! its not natural though...
Post a Comment