Siyam na araw makalipas ang napaka-memorable na araw na iyon, heto at isinusulat ko ang mga emosyon at alaalang ibinunga nito, di lamang sa akin kundi sa buong klase. Marahil hanggang ngayon, ang ilan sa atin ay di parin maka-'get over' sa mga naganap (isa nako dun) dahil sa sobrang pagka-overwhelm.
Hindi ko man kabisado ang eksaktong mga araw ng kaganapan, pero alam ko ang mga hirap na pinagdaanan natin bago ang playdate. Mula sa halos dalawampung konsepto, bumaba ito papuntang tatlo, hanggang sa isa na lang ang natira. Tatlong set ng writers ang dumaan sa konseptong ito. Si Joy na umabot sa puntong napaiyak dahil sa hirap na dinanas sa script, na siyang sinalo nina Glaiza at Shaidel, sa tulong ng ibang taga-share ng idea na sina Mearah, Bhey, Jerome, atbp. Ngunit sa bandang huli, hawig ng nangyari sa music video natin (naka-ilang konsepto pero sa pinaka-simple bumagsak), bumagsak ang play sa kamay nina Mart at Eca, ang dalawang marahil, para sa akin, ay di gaanong gusto ng klase. Naramdaman ko ito nang aminin namin ni Laeng ang gayong plano. Tila ba pinersonal sina Mart, ngunit ramdam ko rin ang pagka-tabla nang iharap ni Erica ang konsepto nila na siyang ikinatahimik ng lahat. Marahil, namangha sila.
Kasabay ng trabahong ito ang responsibilidad na kaakibat ng Youth Camp, na isang malaking factor sa pagbagal ng usad ng play. Mula sa financial contribution, oras, effort, concern, lahat ng ito ay nahati sa pagitan ng youth camp at ng play. Noong mga unang linggo ng Setyembre, halos walang pakialam ang lahat sa play, dahil matagal pa nga raw naman, at mas malapit na ang youth camp. Fine. Doon nagsimula ang hirap para sa amin sa side ng play production. Inumpisahan ng booth na iilan lang ang gumawa, at halos kalahati pa ata ng budget ang na-consume. Sinabayan ng auditions na umabot ng isang buong araw, at diretsong praktis pagkatapos ng ilang araw. At ilang araw ding na-move ang pictorial dahil sa audition at youth camp. Maging ang script ay tuluy-tuloy na nirevise, imagine, right before ng play, nagdadagdag-bawas pa ng linya? Sosi diba? hehe. Aside from that, nawalan rin tayo ng sponsor dahil sa delays na yan, kesyo kailangan daw kasi ng title at synopsis ng play, na wala pa during the time na naghahanap si Bibat.
Ang pinaka-kritikal rin sigurong parte ng produksyong ito ay ang OVERNIGHT. At di lang basta overnight, TATLONG magkakasunod na OVERNIGHT, right before the play. Lalo na ang overnight pagkatapos ng TDR kung saan kinailangan ng mga major revisions sa set at script. History-making na naman ata tayo dahil tayo lang ang may production staff (direks, pm, sm, actors, etc) na mga walang ligo during the play. O diba, pinanindigan nating tungkol sa basura ang play naten, dahil pati tayo eh literal na amoy basura.
May mga part siguro sa mga sinabi ko ngayon ang na-digest at ang ilan ay nai-elaborate, pero ang importanteng punto siguro dito ay ito: nagbago ang klase. Nagbago ang RC3-1. Ang mga magkakagalit, nagtulungan; ang maaarte, tumino (although hindi lahat); ang mga dating di tumutulong, lumabas; at sa huli, nagtrabaho ang produksyon bilang isang buong klase. Na-justify natin ang tunay na meaning ng isang play production: isang collaborative effort ng lahat ng bumubuo nito.
Sana, sa mga susunod na produksyon natin, ipakita natin na natuto na tayo. Heto siguro ang ilang mga pointers, hindi ko sure kung mag-aagree kayo, pero suggestion ko lang to:

- Prioritize the production. Hindi porke may iba kayong responsibilidad, ise-set aside nyo na ang produksyon. Kung tutuusin, dapat ito ang unahin dahil isa itong practicum para sa atin. Hands on, kumbaga. Nagkakaroon tayo ng grasp kung pano ba talaga gumawa sa isang tunay na produksyon, di kagaya ng mga pure lectures o ng project/written requirements. Dito natin natututunan ang tamang values sa trabaho.
- Know your limits. Ok lang ang mag-suggest, pero ang masusunod pa rin ay ang head, dahil sya ang may command responsibility. Pag panget ang produksyon dahil sa suggestion mo, hindi ikaw ang sisisihin, kundi ang head, dahil tinanggap nya ang suggestion mo. Kaya wag sana magtampo kung hindi lahat ng sa tingin mo ay dapat, ang nasusunod. Respeto na rin siguro para sa nasa posisyon. At isa pa, ayon nga sa kasabihan, "Ayusin mo muna ang trabaho mo bago mo ayusin ang trabaho ng iba." Kung ano ang posisyon mo, matuto kang lumugar.
- Vote wisely. Ito siguro ang isang mahalagang aspeto na nakakalimutan natin. Minsan kasi, nilalagay natin ang isang tao sa isang posisyon para sa katuwaan, o di kaya naman dahil may personal kayong galit sa taong mas karapat-dapat sana sa posisyong iyon. May nangyayari pa ngang nagkaka-overlapping ng trabaho dahil ang taong nilagay mo sa isang posisyon ay mas nagfa-function sa ibang posisyon.
- Mag-ipon. Wag tayong gumastos masyado kung alam nating may pera tayo ngayon. Yan ang isang problema ng Pinoy, nagfo-focus sa short-term goals at hindi sa long-term, kay a ang nangyayari, gaya sa klase natin, pag may produksyon at biglaang kailangan ng malaking halaga, walang mailabas dahil ipinambili ng luho ang sobra sa pera nya dati. Tandaan niyo, mas malaki na ang gagastusin natin sa mga susunod na produksyon. Siguro naman nababalitaan niyo yung mga tig-P5000 na contribution sa produksyon ng BAWAT subject ng fourth year nitong sem? Idea lang yan kung gano kalaki ang magagastos natin in the future.
- Confront. Siguro imposible mangyari to, pero susubukan ko pa rin i-impart, dahil tinuro rin naman to sa Intra-Inter, na "the best way to solve your conflict is to talk about the conflict with the persons involved." Alam kong marami sa atin ang may mga inhibitions sa ibang kapwa kaklase, at ang unethical na nangyayari ay nasasabi ito sa ibang tao at hindi sa mismong tao, kaya ang labas, backfighting/tsismis. At sana, wag tayong mag-judge. Sabi nga sa La ABaKaDa Filipina, "hindi lahat ng nakikita mo ay totoo." Wag sana tayo basta mainis sa klasmeyt dahil irritated lang tayo sa kanya, i-analyze muna ang sitwasyon at matutong maging open-minded at understanding. In short, wag mag-maldita.
- Cling to Him. Feeling ko nga, kaya di naging successful overall ang youth camp dahil in the first place, di sya spiritual. And same with the play. Ramdam ko nung prayer natin before the actual play, nasa Claro ang presensya ng Diyos. Hinipo nya ang puso ng bawat isa sa atin pati ang nanood. Imagine, tayo lang ata ang play na hindi dinaot ng audience, considering na mapandaot ang maskom. Oppositely, tayo lang ang nakapagpatawa, nakapagpa-kaba, at nakapagpaiyak ng audience, all in a single play.
No comments:
Post a Comment