Friday, November 02, 2007

Magbalik Ka

by Joralynn Enebrad


Madaling - araw ay nakatunghay pa rin
Sa langit na ang tanawin ay bituin
Kung nasa dagat pa'y malamang sisirin
Kaibuturan ng mundo'y tatawirin


Aasa pa ba sa muling pagkikita
O tatanaw nalang o mamimintana
Sa isang pangarap na walang kapara
Isang panaginip na hindi mapinta


Gisngin mandin natutulog kong puso
Pusong naghihintay nang pagsusumamo
Sinusuyo ang damdaming parang ginto
Pagtibok ng puso'y dili mahinto


Binubulong nang puso ko'y ikaw pa rin
Sigaw nang maluwalhating puso't damdamin
Damdaming pag-ayaw ay di pipilitin
Tanging kamatayan lang ang sasapitin


Agos ng luha'y mapapawalang bisa
Kung ka'y lalapit, hihingi nang pagsinta
Ikaw lamang ang hinahanap sa t'wina
Sa pagtibok ng puso'y nagpapahina


Lumisan kang ni wala mang lang paalam
Iniwan ang pusong sa luha ay hilam
Kahit di sabihi'y may kaunti ring alam
Ngunit kahit kelan puso'y di nasuklam


Iniibig ka ng walang pasubali
Umasang ang puso'y di nagkakamali
Hinanda ang kaluluwang magpatali
Naniwalang pangako'y di mababali


Kahapon ay parang walang katapusan
Ng tayo'y nasa isa't-isang kanlungan
Nagtampisaw sa ating kaligayahan
Ngunit bangungot lang ang kinahinatnan


Kulang ba aking pag-ibig na inalay
Na kailangan pang ikaw ay mawalay
Ni walang pasabi, wala man lang malay
Pusong duguan, gumulong humandusay

Aking mahal ito'y hindi haka-haka
Pusong iniwan, sumibol, isinaka
Desperadong salita'y huwag ipagtaka
Pakiusap sa'yo mahal, magbalik ka......

2108

2 comments:

JM said...

according kay LM, ito ang pinakamaganda sa lahat ng nabasa nya...

liezl said...

astig si joera.
si joera astig.


lupet.

LOOKING FOR THE ONAKULEOM SITE?
IT'S HERE: www.ONAKULEOM.tk