Saturday, November 10, 2007

Kahit may pag-ibig pa...

by Mart Elias Carlo Marañon


Gusto mong umiyak! Pero ayaw mo! Hindi mo siya dapat iyakan!

Wala naman siyang ginawang kabutihan sa'yo eh...
Hindi ka man lang pinahalagahan
Hindi tamang nagsasakripisyo ka para sa wala.
Simpleng bagay, hindi niya maibigay.
Layuan mo na siya.
Wala kang puwang sa puso niya.
May nararapat pang iba sa'yong pagmamahal.
Hayaan mo na siya...
Hindi siya dapat habulin pa,
Huwag mong pababain ang sarili mo...
Nakakaawa ka, sinasayang mo ang maganda mong buhay
Sa taong hindi ka kayang ipaglaban.
Sa taong kaya kang iwan.
Sa taong saya't ligaya lang ang hanap.

Magpaalam ka na.
Magapaalam ka na.

Tingnan mo ang sarili mo,
Pagod ba na,
Sumuko ba na...
Huwag kang magtiis,
Huwag mo ng pilitin ang iyong sarili
Huwag ng ipagpatuloy ang labang walang patutunguhan.
Lumalaban ka lamang para sa wala.
Ipinaglalaban mo ang taong kinakalaban ba.
Huwag kang magpaapi, hindi iyon tama.
Sinaktan ka niya para lamang sa iba.
Tinanggap mo ang sakit na kanyang binigay,
Na walang tinig na sayo'y naririnig.
Itama mo ang iyong pagkakamali.
Huwag kang magdusa!

Ginawa mo lang bung ano ang sa tingin mong tama.
Hayaan mong maisip niya ang kanyang pagkukulang.
Hayaan mong malaman niya ang tunay mong halaga
Kabutihan ang patuloy mong ibinibigay,
Sa kabila ng kasamaang kanyang hatid.

Magpahinga ka na, Sumuko ka na!
Kahit may pag-ibig pa...

###
LOOKING FOR THE ONAKULEOM SITE?
IT'S HERE: www.ONAKULEOM.tk